ORIENTASYON SA PAGDODOKUMENTO NG MGA BENEPISYARYO, GINANAP
Developed by the Department of Agrarian Reform Webteam
Cagayan Provincial Office
J&C Lasam Building, Arellano Extension,
Ugac Sur, Tuguegarao City 3500
Cagayan, Philippines
Ginanap ang oryentasyon para sa enumerators gayon na rin sa Provincial Supervisor at Municipal Supervisors para sa pagdodokumento ng mga datos ng mga Agrarian Reform Beneficiaries para sa buong probinsya ng Cagayan noong ika-26 ng Augusto, 2009 sa DARPO Hall, Tuguegarao City, Cagayan.
Ang aktibidad ay nag-umpisa bandang alas otso y medya ng umaga sa pamamagitan ng pagpapakilala ni G. Eunomio P. Israel, Jr. bilang bagong namumuno sa Operations Division ng probinsya sa mga Municipal Agrarian Reform Officers sa mga participante. Ipinakilala naman ng mga MAROs ang mga enumerators at Municipal Supervisors na kanilang napili para isagawa ng pagdodokumento. Ang Provincial Supervisor na napili upang pamunuan ang proyekto na si G. Dencio Macabadbad ay ipinakilala naman ni PARO II Lorenzo sa grupo.
Pagkatapos ng pagpapakilala, nagbigay si PARO II Lorenzo ng kanyang mensahe sa mga partisipantes. Kanyang binigyang diin ang kahalagahan ng prosesong isasagawa ng mga enumerators. Ayon sa kanya ang ARB Carding ay isang mabisang paraan upang malaman kung ano na ang estado ng mga magsasakang nabigyan ng lupain sa ilalim ng CARP.
Iprinisenta naman ni CARPO Blessie S. Taguibao ang rationale ng nasabing aktibidad. Kanyang inihayag na kailangang madokumento ng probinsya ng Cagayan ang 28,324 na Agrarian Reform Beneficiaries sa loob ng animnapu't na araw sa kabuuang isang milyon na dapat madokumento sa buong Pilipinas. Kanyang idinagdag na mayroong 59 enumerators na pinili ang opisina na gagawa sa nasabing trabaho.
Isa rin sa mga mahahalagang tinalakay ay ang kabuuan ng ARB Carding System na iprinisenta ni CARPO Elpidio F. Urbanozo na siyang dating namumuno sa Operations Division na ngayon ay namumuno na sa Beneficiaries Development and Coordination Division(BDCD). Kanyang ipinaliwanag ang mga tunay na hangarin ng proyekto gayon na rin ang mga components nito at ang scope ng trabaho na naibigay sa Berkman International Inc. na siyang nakakuha sa kontrata na isagawa ang trabaho. Kanya ring ipinaliwanag ng mabuti ang mga tungkulin na dapat magampanan ng Provincial Supervisor, Municipal Supervisors at mga enumerators. Natapos ang kanyang pagpapaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita sa mga direktibang dapat masunod sa pagsasagawa ng pagdodokumento.
Ipinaliwanag naman ni G. Joel Bautista (na siyang inatasan ng Berkman International Inc.) ang mga detalye sa pagpupuno ng mga datos sa ARB Carding Forms na siya mismong gagamitin ng mga enumerators. Nagkaroon ng maraming katanungan ang mga partisipantes na nabigyan ng linaw sa pamamagitan ni G. Gerardo C. Balista na siyang National Coordinator ng ARB Carding Project ng DAR Central Office at ng mga division chiefs ng probinsya. Tumulong din si PARO II Lorenzo sa pagsasalin sa Ilocano sa mga datos na hinihingi sa porma.
Natapos ang aktibidad bandang alas kwatro y medya ng hapon.
Si G. Gerardo C. Balista ng DAR Central Office habang kanyang ipinapaliwanag sa mga enumerators ang pagpupuno sa mga ARB carding forms.