Republic of the Philippines
Department of Agrarian Reform
Provincial Agrarian Reform Office
Mahayahay, San Jose, Dinagat Islands
 
The province of Love.... maradjao na adlaw sa ijo hurot...


DAR_PDI Official Website 2009
NEWS RELEASES >>> Previous News Releases




    
      

Republic of the Philippines
Department of Agrarian Reform
Provincial Agrarian Reform Office
Mahayahay, San Jose, Dinagat Islands
Mass Turn-over ng DAR-MINSSAD Project isinagawa

Pebrero 3-4, 2009 isinagawa ang mass turn-over ng DAR-MINSSAD o Department of Agrarian Reform  Mindanao Sustainable Settlement Area Development projects sa bayan ng San Jose, Dinagat at Tubajon na may kabuuang halaga na higit sa Dalawang daang (P200) milyong piso.

Nakapaloob sa proyektong ito ang farm-to-market roads, bridges, school buildings, potable water system, irrigation facilities at brgy. health stations, na lahat ay pinondohan ng Japan International Cooperation Agency o JICA.

Sa bayan ng San Jose ay may tatlumpu't dalawang (32) proyekto ang isinagawa na aabot sa Walompu't pitong (P87) milyong piso.  Samantala, sa Dinagat  ay may  tatlumpu't pitong (37) proyekto na may halagang Animnapu't tatlong (P63) milyong piso at sa Tubajon namatn ay may dalawampu't limang (25) proyekto na aabot sa Limampu't isang (P51) milyong piso. 

Malugod na tinanggap ng mga alkalde ng tatlong bayan na sina Tubajon Mayor Ronald Luib Jr., Dinagat Mayor Gwendolyn Ecleo at San Jose Mayor Benglen Ecleo, ang mga nasabing proyekto.  Ipinahayag nila ang kanilang mithiin na mapapabuti ng mga proyektong ito ang kalagayan ng mga magsasaka na kanilang nasasakupan.



Ayon kay MINSSAD national project director Percival Dalugdug, bukod sa pamamahagi ng lupang agrikultural, nananatiling prayoridad ng DAR ang pagkakaloob ng suportang serbisyo.  Layon nito na mapalago ang ekonomiya sa kanayunan at magkaloob ng dagdag na trabaho sa mga sakahan.

Sinabi pa ni Dalugdug na sa pamamagitan ng mga proyektong ito ay nadadagdagan ang kaalamang lohikal at teknikal ng mga magsasaka dahil sa mga trainings at mabibigyan sila ng pagkakataon na magkakaroon ng mga modernong kagamitan sa pagsasaka.

Bukod sa mga lokal na opisyales, dumalo rin sa nasabing kaganapan sina JICA Chief Resident Mindanao representative Akira Goto, MINSSAD National Project Director Percival Dalugdug,  DAR Regional Director Elmo Baņares, at iba pang opisyales ng DAR, MINSSAD, at  ibat-ibang representante ng  DPWH, NIA, DA at DepEd. 

Justino E. Carbonilla
DAR-Dinagat PIO

Republic of the Philippines
Department of Agrarian Reform
Provincial Agrarian Reform Office
Mahayahay, San Jose, Dinagat Islands
----------------------------------------------------------------------------------

HOME   |   GALLERY   |   PUBLICATIONS   |   SITE MAP   |  CONTACT US