Babala ni PDu30 vs land grabbers: ‘Tumigil na kayo o aarestuhin ko kayo’

news national 1 pix 1 november 7 2018CAGAYAN DE ORO CITY – Mahigpit na binalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Miyerkules ang sinumang puwersahang mang-aagaw ng mga pribadong lupaing pansakahan, lalo na ang mga naipamahagi na sa mga magsasaka sa ilalim ng programang repormang pansakahan.

Nagbabala ang Pangulo para maiwasan maulit ang sinapit ng siyam na magsasaka noong ika-20 ng Oktobre 2018 na pinaslang makaraan puwersahang inokupa ng grupo ang bahagi ng Hacienda Nene sa Barangay Bulanon, Sagay City, Negros Occidental.

“My instruction to the police is to accost and advise anybody forcibly occupying a privately-owned farmland to leave, and arrest them should they refuse and resist (Ang utos ko sa mga pulis ay supilin ang sinumang mang-aagaw ng pribadong lupaing pansakahan at arestuhin ang sinumang manlalaban),” ani Duterte.

Ang babala ng Pangulo ay bilang pagkatig sa paninindigan ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan (DAR) na hindi nito papayagan ang ilegal na pang-aagaw ng lupa na kilala sa lalawigan ng Negros Occidental bilang “bungkalan.” 

Ginawa ng Pangulo ang pahayag na ito ilang saglit bago ipinamahagi ang mga titulo ng lupa, may 5,808 ektarya, sa 3,400 benipisyaryo ng Malawakang Programa ng Repormang Pansakahan (CARP). Ito ang pinakamalaking ipinamahaging lupang pang-agraryo sa kanyang administrasyon.news national 1 pix 2 november 7 2018

Kabilang sa mga binigyan ng mga lupaing pansakahan ay ang mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan, 300 dito ay kasapi ng Moro Islamic Liberation Front mula sa Lanao del Norte at 241 naman ay dating miyembro ng New People’s Army sa Gingoog City, Misamis Oriental.

Tumanggap din ng kani-kanilang Certificates of Land Ownership Award ang 1,218 mga benepisyaryo mula sa Bukidnon at 134 na iba pa mula sa Misamis Occidental. 

“74 na taong gulang na ako at patuloy na umaasa na mahanap ang kasagutan sa giyera na nagpapatuloy pa rin magpahanggang ngayon, dahilan kung bakit narito pa rin ako dahil mayroon akong commitment sa inyo,” ani Pangulong Duterte sa Bisaya.

news national 1 pix 3 november 7 2018Nagpahayag din ng kahalintulad na hangarin si DAR Secretary John R. Castriciones,. Wika niya, “Definitely, this (land redistribution) will help our people, those who were former rebels to come back to the mainstream of the society and participate in nation-building (Walang duda, ito ay makatutulong sa ating mga kababayan, lalo na ang mga dating rebeldeng na magbalik-loob sa pamahalaan at makiisa sa pagpapaunlad ng bansa).” 

“One of the reasons why many of our countrymen are lured to the ideologies that are contrary to the belief of our government is that “they suffered some difficulty and some problems when it comes to their economic status (Isa sa mga dahilan kung bakit marami sa ating mga kababayan ang kumakapit sa mga ibang idelohiyang taliwas sa ating pamahalaan ay ang kahirapan sa buhay,” pagdidiin ni Castriciones. (Richard B. Gallardo)

#AgrarianReform #DAR4Farmers #Land4Farmers #ComfortableLifeForAll #PartnerForChange #CARP@30:DARe2Change