Tiangge sa DAR, tampok ang mga produkto ng magsasaka

news national 2 pix 1 december 18 2018QUEZON CITY—Sari-saring paninda mula sa mga probinsya ng Pilipinas ang mabibili simula Disyembre 17 hanggang 21 sa loob ng Department of Agrarian Reform (DAR).

 Pormal ni binuksan ni DAR Secretary John R. Castriciones, kasama si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, ang tiangge. Tampok dito ang mga produktong ani at gawa ng mga agrarian reform beneficiaries gaya ng prutas, gulay, meat products, furniture at mga handicraft.

“Ginagawa namin ito para matulungan ang mga magsasaka na makilala at maibenta ang kanilang mga produkto,” sabi ni Castriciones.

“Tangkilikin natin ang gawa ng mga magsasaka. Ang quality ay kagaya rin ng mga commercial goods, mas mura pa,” dagdag pa ni Castriciones.

Ayon kay DAR Undersecretary Emily Padilla ng Support Services, isa lamang ito sa mga ayudang ibinibigay ng kagawaran sa mga magsasaka.news national 2 pix 2 december 18 2018

“Sa darating na taon, may mga nakahanay na proyekto at programa ang DAR para maangat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka. Isa na rito ang Convergence on Livelihood Assistance for Agrarian Reform Beneficiaries Project na naglalayong bigyan at mapalawig ang negosyo ng mga magsasaka,” sabi ni Padilla.

Sa temang “DARe to Shine! Sa Pasko at Bagong Taon na Darating, Pagbabago ay Kamtin,” ang tiangge ay inaasahang makaaakit ng mga mamimili sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya. 

news national 2 pix 3 december 18 2018Photo 1: Ribbon cutting kasama ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na hudyat ng pagbubukas ng tiangge. Kasama niya ang mga undersecretary na sina Emily Padilla, Jun-Jun Malsi at David Erro. Kasama rin ang mga direktor na sina Susana Leones, Atty. Marjorie Ayson at Letecia Canales.

Photo 2: Nilibot ni Secretary John R. Castriciones ang mga tindahan ng mga magsasaka. Kasama niya si Undersecretary Emily Padilla na namili at tumikim ng mga bilihin.

Photo 3: Tsaang luya at kapeng barako, dalawa lamng sa mga tampok na mabibiling produkto ng magsasaka.

#AgrarianReform #DAR4Farmers #Land4Farmers #ComfortableLifeForAll #PartnerForChange