Welcome to DAR Region X



DAR turns over hauling trucks to Northern Mindanao farmers

news reg 1 pix 1 january 21 2019Cagayan de Oro City – “Gamitin ninyo ang mga hauling truck sa tamang paraan.” This was the appeal of Secretary John R. Castriciones last Friday, January 18, to 10 agrarian reform beneficiary organizations (ARBO) that received new dump trucks from the Department of Agrarian Reform (DAR).

“Gawin ninyo ang mga tungkulin ninyo at kami po ay magkakaroon ng inspirasyon naipagpatuloy ang paglilingkod sa inyo,” Castriciones said.

“Ang gusto naming mangyari ay pagyamanin ng mga magsasaka ang lupa nila para ito ay magbigay sa kanila ng tunay na kalayaan at bilang tanda ng pagka-Pilipino nila,” he added.

The DAR is going around the country to distribute common service facilities (CSFs) as part of the government’s plan to reduce the poverty incidence to 14% from 21% before 2022, said Agrarian Reform Undersecretary for Support Services Emily Padilla.

Under the Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services (ARCCESS) program, these 10 hauling trucks amounting to P35.3 million were distributed to the 10 ARBOs in Northern Mindanao: four in Misamis Oriental (including one in Cagayan de Oro City), and two each to Misamis Occidental, Lanao del Norte, and Bukidnon.

DAR Regional Director Faisar A. Mambuay said more than 3,000 agrarian reform beneficiaries will benefit from the said machineries. 

“These hauling trucks will also serve as an additional service of the ARBOs to its members and non-members. 

Earnings derived from low-rental rates of the trucks will be utilized as a business asset of the ARBO and for repairs and maintenance, “ Mambuay added.

Erlinda Cagmat, 70, from Brgy. Mapua, Balingoan, Misamis Oriental, thanked the DAR for the CSFs in behalf of the participating ARBOs. “Kapag nakikita ko ang mga dump truck, naiiyak ako sa kaligayahan,” Cagmat said.

The beneficiary ARBOs are as follows: from Bukidnon, the Mabunga-Imbatug-Salimbalan District Multipurpose Cooperative of Baungon and the Cabanglasan Networking Community Association Multipurpose Cooperative of Cabanglasan; from Lanao del Norte, the Palao Agrarian Reform Community Multipurpose Cooperative of Tubod and the Rebe Multipurpose Cooperative of Lala; from Misamis Oriental, the Indahag Agrarian Reform Community Multipurpose Cooperative of Cagayan de Oro City, the Sampatulog Agrarian Reform Community Multipurpose Cooperative of Alubijid, the Lapad Agrarian Reform and Farmers’ Cooperative of Laguindingan, and the Kabangasan-Mapua-Dahilig Multipurpose Cooperative of Balingoan; and from Misamis Occiedental, the Buenacama Agrarian Reform Cooperative of Tudela and the Mamanga Daku Multipurpose Cooperative of Plaridel.news reg 1 pix 2 january 21 2019

Also present during the turnover ceremonies were Head Executive Assistant Atty. Juan Lorenzo Maria S. Castriciones, Undersecretary for Special Concerns Carim  L. Panumpan, Asst. Regional Director  for Administration Eddie C. Agac-ac, Asst. Reg. Dir. for Operations Atty. Merlita S. Capinpuyan, DAR Misamis Oriental and Camiguin Provincial Agrarian Reform Program Officer II Zoraida Macadindang, DAR Bukidnon Provincial Agrarian Reform Program Officer II Norberto Paquingan, DAR Misamis Occidental OIC-Provincial Agrarian Reform Program Officer II Rolando Libertario Jr., and DAR Lanao del Norte Provincial Agrarian Reform Program Officer II Engr. Rushdi Mindalano.

The ARCCESS program intends to strengthen the ARBOs by making them the focal point of support services in their respective communities, which are expected to contribute in increasing incomes and improving the resiliency of ARB households.

Photo 1: Ceremonial Blessing of 10 hauling trucks.

Photo 2: Members of Palao ARC MPC from Tubod, Lanao del Norte poses with Agrarian Reform Secretary John R. Castriciones.

#AgrarianReform #DAR4Farmers #Land4Farmers #ComfortableLifeForAll #PartnerForChange

Babala ni PDu30 vs land grabbers: ‘Tumigil na kayo o aarestuhin ko kayo’

news reg 1 pix 1 november 7 2018CAGAYAN DE ORO CITY – Mahigpit na binalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Miyerkules ang sinumang puwersahang mang-aagaw ng mga pribadong lupaing pansakahan, lalo na ang mga naipamahagi na sa mga magsasaka sa ilalim ng programang repormang pansakahan.

Nagbabala ang Pangulo para maiwasan maulit ang sinapit ng siyam na magsasaka noong ika-20 ng Oktobre 2018 na pinaslang makaraan puwersahang inokupa ng grupo ang bahagi ng Hacienda Nene sa Barangay Bulanon, Sagay City, Negros Occidental.

“My instruction to the police is to accost and advise anybody forcibly occupying a privately-owned farmland to leave, and arrest them should they refuse and resist (Ang utos ko sa mga pulis ay supilin ang sinumang mang-aagaw ng pribadong lupaing pansakahan at arestuhin ang sinumang manlalaban),” ani Duterte.

Ang babala ng Pangulo ay bilang pagkatig sa paninindigan ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan (DAR) na hindi nito papayagan ang ilegal na pang-aagaw ng lupa na kilala sa lalawigan ng Negros Occidental bilang “bungkalan.”news reg 1 pix 2 november 7 2018 

Ginawa ng Pangulo ang pahayag na ito ilang saglit bago ipinamahagi ang mga titulo ng lupa, may 5,808 ektarya, sa 3,400 benipisyaryo ng Malawakang Programa ng Repormang Pansakahan (CARP). Ito ang pinakamalaking ipinamahaging lupang pang-agraryo sa kanyang administrasyon.

Kabilang sa mga binigyan ng mga lupaing pansakahan ay ang mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan, 300 dito ay kasapi ng Moro Islamic Liberation Front mula sa Lanao del Norte at 241 naman ay dating miyembro ng New People’s Army sa Gingoog City, Misamis Oriental.

Tumanggap din ng kani-kanilang Certificates of Land Ownership Award ang 1,218 mga benepisyaryo mula sa Bukidnon at 134 na iba pa mula sa Misamis Occidental. 

“74 na taong gulang na ako at patuloy na umaasa na mahanap ang kasagutan sa giyera na nagpapatuloy pa rin magpahanggang ngayon, dahilan kung bakit narito pa rin ako dahil mayroon akong commitment sa inyo,” ani Pangulong Duterte sa Bisaya.

news reg 1 pix 3 november 7 2018Nagpahayag din ng kahalintulad na hangarin si DAR Secretary John R. Castriciones,. Wika niya, “Definitely, this (land redistribution) will help our people, those who were former rebels to come back to the mainstream of the society and participate in nation-building (Walang duda, ito ay makatutulong sa ating mga kababayan, lalo na ang mga dating rebeldeng na magbalik-loob sa pamahalaan at makiisa sa pagpapaunlad ng bansa).” 

“One of the reasons why many of our countrymen are lured to the ideologies that are contrary to the belief of our government is that “they suffered some difficulty and some problems when it comes to their economic status (Isa sa mga dahilan kung bakit marami sa ating mga kababayan ang kumakapit sa mga ibang idelohiyang taliwas sa ating pamahalaan ay ang kahirapan sa buhay,” pagdidiin ni Castriciones. (Richard B. Gallardo)

#AgrarianReform #DAR4Farmers #Land4Farmers #ComfortableLifeForAll #PartnerForChange #CARP@30:DARe2Change


socmed card reg 2 january 21 2019
January 21, 2019 3

Handog na hauling trucks ng Department of Agrarian Reform,…

#AgrarianReform #DAR4Farmers #Land4Farmers #ComfortableLifeForAll #PartnerForChange Read More..
socmed card reg 1 january 21 2019
Jan 21, 2019 4

Naisakatuparang pangarap para sa magsasaka ng Northern…

#AgrarianReform #DAR4Farmers #Land4Farmers #ComfortableLifeForAll #PartnerForChange Read More..
news reg 1 pix 1 january 21 2019
Jan 21, 2019 38

DAR turns over hauling trucks to Northern Mindanao farmers

Cagayan de Oro City – “Gamitin ninyo ang mga hauling truck sa tamang paraan.” This was the appeal of Secretary John R. Castriciones last Friday, January 18, to 10 agrarian reform beneficiary organizations (ARBO) that received new dump trucks from the… Read More..
news reg 1 pix 1 november 7 2018
Nov 07, 2018 116

Babala ni PDu30 vs land grabbers: ‘Tumigil na kayo o…

CAGAYAN DE ORO CITY – Mahigpit na binalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Miyerkules ang sinumang puwersahang mang-aagaw ng mga pribadong lupaing pansakahan, lalo na ang mga naipamahagi na sa mga magsasaka sa ilalim ng programang repormang… Read More..

Region 10 Calendar of Activities