Welcome to DAR Region 12



P10.5M- Halagang Makinarya Ipinamahagi ng DAR

news regional 2 pix 1 sept. 8 2015Koronadal City– Ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan o DAR sa probinsya ng South Cotabato ay namahagi ng higit sa P10.5 milyong halaga ng mga makinarya sa mga magsasaka sa Polomolok at Banga sa nasabing probinsya.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer Felix C. Frias, libreng ipinamahagi ng DAR sa Glamang Communal Irrigators’ Association (GCIA) sa Polomolok ang dalawang Massey Ferguson 90Hp tractor at isang corn sheller, kabilang na ang mga accessories at tools nito na nagkakahalaga ng higit P6.3 Milyon.news regional 2 pix 2 sept. 8 2016

Isang 120Hp Massey Ferguson tractor naman ang ipinamahagi sa Banga Agrarian Reform Community Cooperative (BARCCO) na nagkakahalaga ng P4.15 Milyon, dagdag pa ni Frias. 

Sa isinagawang turnover ceremony, higit na nagpapasalamat sa DAR ang mga representative ng mga nasabing Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) dahil sa mga ipinamahaging libreng  makinarya.

“Almost 3 years naming hinintay ang mga naipromisang traktora, umabot sa puntong parang mawalan na kami ng pag-asa. Ngayong nandito na ang traktor na galing sa DAR, kami po ay masayang masaya dahil ito ay higit na makakatulong sa pagpapalago sa kabuhayan ng aming mga myembro at sa mga karatig pang mga ARBOs na makikinabang rito,” pahayag ng chairman ng BARCCO na si Romeo Balleras.

news regional 2 pix 3 sept. 8 2015Sa pahayag naman ng barangay kapitan ng Glamang na si Godofredo Diot, na siya ring chairman ng GCIA, “Makakaasa ang DAR na tutuparin namin ang aming nilagdaang Trust Agreement na aalagaan ang mga ipinamahaging makinarya upang ito pa ay magbunga nang marami pang blessings para sa aming kooperatiba. More power to DAR and its programs.” 

Ang mga ipanamahaging Common Service Facilities (CSFs) ay nasasailalim sa programa ng DAR na Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services (ARCCESS) na may layuning pagtibayin ang kabuhayan ng mga ARBOs sa pamamagitan ng pagpapamahagi ng mga serbisyong makakatulong sa paglago ng kanilang pamumuhay at ng kanilang mga pamilya. (KATHLEEN D. SESPEÑE)


Region XII News

news reg 1 pix 1 february 20 2019
February 20, 2019 30

Honest DAR officer surrenders cash gift

Koronadal City, South Cotabato – An agrarian reform officer from this province surrendered a cash gift to her superior after the agency’s clients refused the former’s repeated attempts to return the money.Municipal Agrarian Reform Program Officer Ofelia… Read More..
socmed card reg 1 january 3 2019
Jan 03, 2019 76

Bandili Metopher is one of the farmer-beneficiaries in the…

#AgrarianReform #DAR4Farmers #Land4Farmers #ComfortableLifeForAll #PartnerForChange Read More..
news reg 1 pix 1 january 3 2019
Jan 03, 2019 184

Duterte leads single-day biggest land distribution in N.…

PRESIDENT Rodrigo Roa Duterte took time out from his busy schedule to preside over the weekend in North Cotabato the single-day biggest land distribution in the history of the country’s land reform program.Duterte, assisted by Agrarian Reform Secretary John… Read More..
news reg 1 pix 1 december 29 2018
Dec 29, 2018 77

For the benefit of more than 500 farmers

DAR Secretary John Castriciones turns over 5 heavy-duty dump trucks to 5 agrarian reform cooperatives in Kidapawan, North Cotabato. #AgrarianReform #DAR4Farmers #Land4Farmers #ComfortableLifeForAll #PartnerForChange Read More..