229 MAGSASAKA GINAWARAN NG CLOA

LAGUNA – PINAGKALOOBAN ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) ang nasa 229 na bilang ng mga magsasaka sa bayan ng Sta. Maria.

Pinangunahan ni DAR Secretary Atty. John Castriciones ang isinagawang pamamahagi ng sertipiko (CLOA) ng kanilang mga sakahan katuwang si Sta. Maria Municipal Mayor Atty. Cindy Carolino at kabiyak nitong si dating Punongbayan Atty. Tony Carolino, Vice Mayor Virgie Tuazon, Laguna Governor Ramil Hernandez at iba pang opisyales.

Bukod sa CLOA, pinagkalooban din ng Hauling Truck ang Samahan ng Mga Magsasaka ng Santa Maria Irrigators Association, (SANTAMASI) para magamit ng mga ito sa kanilang pagsasaka.

Ito ang matagal ng inaasam-asam at pinakahihintay ng maraming magsasaka sa lugar para tuluyang makabangon na ang mga ito mula sa kahirapan.

Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat ang Sangguniang Bayan at mamamayan ng Sta. Maria kay Castriciones sa hindi matatawarang pagkalinga at pagsuporta sa mga magsasaka. DICK GARAY

Pinagmulan: http://pilipinomirror.com/229-magsasaka-ginawaran-ng-cloa/