Agrarian cooperatives deliver agri-produce to critical areas

Members of the Paglaum Farmers Association prepares to deliver assorted vegetables to the BJMP based on a marketing tie-up arrangement facilitated by the DAR under the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) program. (Photo courtesy of Ernesto Valiente)

TACLOBAN CITY--Hospital patients and people in jail in Biliran province were among the hundreds of people provided with assistance by the two (2) agrarian reform beneficiaries organization (ARBOs) as they continue to deliver agri-produce to these critical areas affected by the covid-19 pandemic.

"The quarantine accreditation passes issued by the Department of Agrarian Reform (DAR) greatly helped the ARBOs to get in these critical areas. The passes allowed them easy entry to checkpoints and access to local government assistance if the need arises," said DAR OIC-Regional Director Ismael Ayaay.

"These passes is just one of the means to help our farmers perform their role as frontliners in supplying food for the country during these hard times," Ayaay added.

Provincial Agrarian Reform Program Officer Renato Badilla said that despite the lockdown, Maalsada Farmers' Irrigators Service Cooperative (FISCO) continues to deliver over 6,000 kilos of milled rice to the Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC).

Maalsada FISCO chairman Reynaldo Peja, said that aside from the quarantine accreditation pass, the hauling truck provided by DAR to their cooperative was a very big help.

MAALSADA Farmer Irrigators Service Cooperative (FISCO) hauling truck provided by the DAR is a big help to the organization as they were able to deliver milled-rice during the lockdown. (Photo courtesy of Roberto Cajipe)

"If not for this hauling truck, we would have resorted to renting one to deliver their products. This truck saved us a lot of money," said Peja.

The Maalsada FISCO is located in Amanantas, a remote sitio of barangay Dapdap in Alangalang town.

"Coming from their very far sitio, the farmers braved the risk of covid-19 so they could provide food to the hospital and also earn for their families," Badilla said.

The Paglaum Farmers' Association (PFA), also a DAR-assisted ARBO, for their part, supplied 3,000 kilos of assorted vegetables to the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Badilla said both ARBOs are part of a separate marketing tie-up arrangements facilitated by DAR under the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty program (EPAHP).

According to Badilla, under the arrangements, the EVRMC and the BJMP, will buy from the ARBOs milled rice, vegetables, fruits and other farm products, which these institutions will use to feed patients of EVRMC and the persons deprived of liberty (PDLs) in BJMP.

The DAR issued quarantine accreditation passes was authorized by the Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Disease (AITF-EID) on April 3, 2020 where agrarian reform beneficiaries were allowed to supply agri-products to critical areas affected by the enhanced community quarantine.

Mga magsasaka, patuloy sa paghahatid ng kanilang produkto sa mga kritikal na lugar

TACLOBAN CITY—Kabilang ang mga pasyente sa isang ospital at mga preso sa isang piitan sa Biliran sa mga daan-daang taong natutulungan ng dalawang (2) agrarian reform beneficiaries organization (ARBOs) dahil sa kanilang patuloy na paghahatid ng mga produktong agrikultural sa mga kritikal na lugar na apektado ng pandemyang Covid-19.

"Malaking tulong ang mga ipinamigay ng Department of Agrarian Reform (DAR) na mga quarantine accreditation passes sa mga ARBOs upang sila ay makapasok sa mga kritikal na mga lugar. Madali silang nakararaan sa mga checkpoints at nakahihingi din sila ng tulong sa mga lokal na pamahalaan kung kinakailangan," sabi ni DAR OIC-Regional Director Ismael Ayaay.

"Ang mga passes na ito ay isa lamang sa mga tulong na ipinaaabot ng DAR sa mga magsasaka upang magampanan nila ang kanilang pagiging frontliners sa panahong ito, sa pamamagitan ng patuloy na pagsusuplay ng pagkain sa bansa," sabi pa ni Ayaay.

Sinabi ni Provincial Agrarian Reform Program Officer Renato Badilla na sa kabila ng lockdown, patuloy na naghahatid ang Maalsada Farmers' Irrigators Service Cooperative (FISCO) ng mahigit sa 6,000 kilo ng bigas sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC).

Sinabi naman ni Maalsada FISCO Chairman Reynaldo Peja na bukod sa quarantine accreditation pass, malaking tulong din para sa kanila ang trak na ipinagkaloob ng DAR.

"Kung wala ang trak na ito, kailangan pa naming magrenta upang maihatid ang aming mga produkto. Nakatipid kami ng malaki dahil sa trak na ito," sabi si Peja.

Ang Maalsada FISCO ay matatagpuan sa Amanantas, isang liblib na sitio ng barangay Dapdap sa bayan ng Alangalang.

"Mula sa kanilang malayong sitio, matapang na tinatahak ng mga magsasaka ang panganib ng Covid-19 upang makapagsuplay ng pagkain sa ospital, at upang may kitang iuuwi para sa kanilang pamilya," sabi ni Badilla.

Ang Paglaum Farmers' Association (PFA), na isa ring ARBO na tinutulungan ng DAR, ay nagsusuplay naman ng 3,000 kilo ng iba't-ibang gulay sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sinabi ni Badilla na ang dalawang ARBO ay bahagi ng magkahiwalay na marketing tie-up arrangement na pinangasiwaan ng DAR sa ilalim ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty program (EPAHP) ng pamahalaan.

Ayon kay Badilla, sa ilalim ng tie-up arrangement, ang EVRMC at BJMP ay bibili sa mga ARBO ng bigas, gulay at prutas na siya nilang ipakakain sa mga pasyente ng EVRMC at sa mga taong pinagkaitan ng kalayaan sa BJMP.

Ang pag-isyu ng DAR ng quarantine accreditation passes ay pinahintulutan ng Inter-agency Task Force for Emerging Infectious Disease (AITF-EID) noong Abril 3, 2020 kung saan ang mga agrarian reform beneficiaries ay pinahintulutang makapagsuplay ng kanilang mga ani sa mga kritikal na lugar na apektado ng enhanced community quarantine.

#AgrarianReformPH #SupportServicesDelivery