DAR joins 18-day campaign to end violence against women

The Department of Agrarian Reform (DAR) through its Gender and Development (GAD) Focal Point System is one with the nation in the observance of the National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women on November 25, 2020.

This day also marks the 1st day of the 2020 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) aimed to raise greater public awareness on the issues faced by women and push for measures that will protect them from any form of harassment or discrimination.

The department signified its support for the cause through a graphical representation, where the acronym “DAR” morphed into the acronym “VAW” as conceptualized by the DAR-Public Assistance and Media Relations Service.

The 18-day campaign, beginning November 25, carries the theme “VAW-free community starts with me.”

“The campaign emphasizes everyone’s commitment and contributions on ending VAW and presents an ideal picture of a VAW-free community,” says DAR Undersecretary Emily Padilla, who chairs the DAR’s GAD steering committee.

“This campaign seeks to gain the support of the general public to make a personal commitment to end violence against women and children,” she added.

VAW’s “Orange Your Icon Campaign” endeavors to strengthen the Anti-VAW advocacy be encouraging new audiences to participate in ending VAW.

This initiative enjoins government offices and private organizations nationwide to color its major landmarks or icons with orange from November 25 to December 12.

Launched in 2015, this initiative aims to attract and spark the public’s curiosity which provides opportunities for advocates to explain and to declare their support to the Anti-VAW advocacy.

This will serve as a springboard for public discourse and for disseminating the message of zero-tolerance for VAW.

DAR sumali sa 18-araw na kampanya para wakasan ang karahasan laban sa mga kababaihan

Agrarian Reform (DAR) sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Focal Point System nito ay kaisa ng bansa sa pagtalima sa National Consciousness Day para sa Elimination of Violence Against Women sa Nobyembre 25, 2020.

Ang araw na ito ay nagmamarka bilang unang araw sa 2020 ng 18-Araw na Kampanya upang Tapusin ang Karahasan Laban sa Kababaihan (Violence against Women o VAW) na naglalayong itaas ang higit na kamalayan ng publiko sa mga isyung kinakaharap ng kababaihan at itulak ang mga hakbang na sila ay mapoprotektahan mula sa anumang uri ng panliligalig o diskriminasyon.

Ang kagawaran ay sumuporta sa aktibidad na ito sa pamamagitan ng isang grapikong representasyon, kung saan ang akronim na "DAR" ay nagpapalit anyo para maging akronim na "VAW" na kinonsepto ng DAR-Public Assistance and Media Relations Service.

Ang 18-araw na kampanya, na sisimulan sa Nobyembre 25, ay may temang "Nagsisimula sa akin ang komunidad na walang VAW,” o “VAW-free community starts with me.”

"Binibigyang diin ng kampanya ang pangako at kontribusyon ng bawat isa sa pagtatapos ng VAW at nagtatanghal ng isang perpektong larawan ng isang komunidad na walang VAW," sabi ni DAR Undersecretary Emily Padilla, na namumuno sa GAD steering committee ng DAR.

"Ang kampanyang ito ay naglalayong makuha ang suporta ng pangkalahatang publiko upang makagawa ng isang personal na pangako na wakasan ang karahasan laban sa kababaihan at mga bata,"dagdag niya.

Nagsisikap ang "Orange Your Icon Campaign" ng VAW na palakasin ang adbokasiyang Anti-VAW na hikayatin ang mga bagong madla na lumahok sa pagtatapos ng VAW.

Iniutos ng hakbanging ito na ang mga tanggapan ng pamahalaan at pribadong organisasyon sa buong bansa na kulayan ng kahel (orange) ang mga pangunahing palatandaan o icon mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12.

Inilunsad noong 2015, naglalayon ang hakbanging ito na akitin at mapukaw ang pagiging mausisa ng publiko na magbibigay ng mga pagkakataon para sa mga tagataguyod na ipaliwanag at ideklara ang kanilang suporta sa adbokasiyang Anti-VAW.

Ito ay magsisilbing isang pambuwelo para sa pampublikong diskurso at para sa pagpapalaganap ng mensahe ng zero tolerabce para sa VAW.