DAR provides livelihood support to Sultan Kudarat farmers

The Department of Agrarian Reform (DAR) extended its livelihood assistance to farmers in Sultan Kudarat, to help mitigate the impact of coronavirus disease 2019 (COVID-19) on farming households.

Five (5) agrarian reform beneficiaries (ARBs) from the municipality of President Quirino in Sultan Kudarat province each received one carabao from the DAR under the Payapa at Masaganang Pamayanan in Agrarian Reform Areas (PAMANA-ARA) program of the agency.

The program aims to provide peace-promoting infrastructure and livelihood projects to farmers in remote, conflict-affected agrarian reform areas across the country and enhance the productivity of farmers, as well as income.

According to Municipal Agrarian Reform Provincial Officer Abdul C. Saligan, Jr., the beneficiaries all belong to Pedtubo Farmers’ Association from Pres. Quirino and are 2nd liner-recipients of the cattle dispersal project provided to 15 beneficiaries last 2017.

Saligan explained that the carabaos provided to the 2021 recipients are the offsprings of the carabaos previously provided to the PAMANA ARA recipients of 2017.

He added that aside from the carabaos, the beneficiaries were also oriented on cattle handling and insurance registration for their carabaos if in case the carabaos were harmed due to various accidental reasons while under their care.

Arnulfo P. Remorin, one of the recipients, thanked the DAR for the blessings their association received.

“This event marks as a new and hopeful beginning for our association this year 2021 and will surely bring good blessing for us, our family, and our community,” said Remorin.

The PAMANA program is the national government’s convergence program that extends development interventions to isolated, hard-to-reach and conflict-affected communities, ensuring that they are not left behind.

DAR nagkaloob ng suportang pangkabuhayan sa mga magsasaka ng Sultan Kudarat

Nagkaloob ng tulong pangkabuhayan ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga magsasaka sa Sultan Kudarat upang makatulong na maibsan ang kahirapan na epekto ng pandemya sa mga pamilyang magsasaka.

Limang agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa munisipalidad ng President Quirino sa lalawigan ng Sultan Kudarat ang tumanggap ng tig-iisang kalabaw mula sa DAR sa ilalim ng programang Payapa at Masaganang Pamayanan sa Agrarian Reform Areas (PAMANA-ARA) .

Nilalayon ng programa na magbigay ng mga proyektong magtataguyod ng kapayapaan at pangkabuhayan sa mga magsasaka na malayo sa kabihasnan at sa mga lugar na may hidwaan na sakop ng agrarian reform communities upang mapahusay ang pagiging produktibo ng mga magsasaka, pati na rin ang kanilang mga kita.

Ayon kay Municipal Agrarian Reform Provincial Officer Abdul C. Saligan, Jr., ang mga tumanaggap ay mga miyembro ng Pedtubo Farmers ’Association mula sa Pres. Quirino. Aniya ang mga magsasaka ay pawang mga ikalawang linya na ng mga benipisyaryo ng proyektong pagbibigay ng baka at ito ay mga anak na ng mga baka na ibinigay sa 15 mga benepisyaryo noong 2017.

Idinagdag pa niya na bukod sa mga kalabaw, ang mga benepisyaryo ay pinagkalooban din ng oryentasyon sa pag-aalaga ng baka at pagpaparehistro ng mga ito sa insurance kung sakaling masaktan ang mga ito dahil sa iba`t ibang hindi sinasadyang dahilan habang nasa kanilnang pangangalaga.

Si Arnulfo P. Remorin, isa sa mga tumanggap, ay lubos na nagpasalamat sa DAR para sa mga biyayang natanggap ng kanilang asosasyon.

"Ang kaganapang ito ay isang magandang simula sa taong 2021 para sa aming samahan at tiyak na magdudulot ng mabuting pagpapala para sa amin, sa aming pamilya at sa aming pamayanan," sabi ni Remorin.

Ang programang PAMANA ay isang pagtitipon ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan na layong mapalawak ng mga interbensyon sa pag-unlad sa mga malalayo at mahihirap na mga komunidad na apektado ng hidwaan, upang matiyak na hindi sila naiiwan sa kaunlaran.