142 ARBs in Pangasinan rejoice over installation of solar-powered irrigation project

A total of 142 agrarian reform beneficiaries were overjoyed with the installation of a solar-powered irrigation project in Bani, Pangasinan, saying it would greatly help them maximize the potential of their farmland.

Pangasinan provincial agrarian reform program officer Maria Ana Francisco led last Friday the inspection of the project in Barangay Dacap Norte.

The solar-powered irrigation project is being implemented under the Climate Resilient Farm Productivity Support Project of the DAR to make more productive rain-fed farmlands and help advance the country’s food self-sufficiency program.

Francisco said all 142 farmer-beneficiaries belong to the Rang-ay Upland Integrated Farmers Association and they enjoy farming only once a year, during the rainy season.

“The project is economical and environment-friendly since it uses sunlight to recharge its battery for its operation,” Francisco said.

The project is expected to be turned over to the farmers on the first week of May 2021.

142 ARBs sa Pangasinan nagbunyi sa pagkakatayo ng solar-powered irrigation project

NAGBUNYI ang may 142 agrarian reform beneficiaries makaraan maipatayo ang solar-powered irrigation project sa Bani, Pangasinan, na ayon sa kanila ay higit na makatutulong upang makamit ng husto ang potensyal ng kanilang mga lupain

Pinangunahan nitong Biernes ni Pangasinan provincial agrarian reform program officer Maria Ana Francisco ang pag-inspeksyon sa lugar kung saan itinayo ang nasabing proyektong patubig na matatagpuan sa Barangay Dacap Norte.

Itinataguyod sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Project ng DAR, ang nasabing proyektong patubig na kumukuha ng enerhiya sa araw ay naglalayong gawing produktibo ang mga lupaing pansakahan na umaasa lamang sa ulan at matulungan ang bansa na isulong ang programa sa pagkakaroon ng sapatna pagkain.

Sinabi ni Francisco na ang 142 magsasakang-benepisyaryo ay pawang mga kasapi ng Rang-ay Upland Integrated Farmers Association, kung saan isang beses lamang sa isang taon nila nararanasan ang maayos na pagsasaka, ito ay tuwing sa panahon lamang ng tag-ulan.

“Malaking katipiran sa kuryente at tulong sa kapaligiran ang proyektong ito dahil gagamit lamang ito ng sikat ng araw upang muling magkarga ang baterya para sa pagpapatakbo ng kuryente,” ani Francisco.

Inaaasahang maipagkakaloob na ang proyekto sa mga magsasaka sa unang lingo ng Mayo 2021.