DAR, inilalapit ang mga programa sa mga ARB sa gitna ng pandemya
PANGASINAN — Sa kabila ng pandemya, ipinaramdam ni Department of Agrarian Reform Secretary Brother John R. Castriciones sa mga magsasaka ng Pangasinan na hindi sila pinababayaan ng gobyerno. Binisita ng kalihim ang tatlong munisipyo sa probinsya upang personal na pangunahan ang mga programa ng ahensya.
Pinuntahan ni Sec. Castriciones ang mga magsasakang dumalo sa Barangay Agrarian Reform Council (BARC) orientation and organizing at sa turnover ceremony ng Solar-Powered Irrigation System (SPIS) sa Brgy. Dacap Norte, na pawang sa Bani, Pangasinan. Ang mga naturang programa ay bahagi ng implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na pangunahing mandato ng kagawaran.
Sa ilalim ng BARC, bumubuo ng barangay-level na committee ang DAR upang hindi lang mapabilis ang implementasyon ng CARP, kundi para na rin makuha ang 100% na partisipasyon ng mga agrarian reform beneficiary (ARB) at mga magsasaka sa pagpapalaganap ng mga impormasyon at serbisyo para sa ikabubuti ng mga nasa sektor ng agrikultura.
Ang SPIS naman na may halagang P1 milyon ay bahagi ng Climate Resilient Farm Productivity Support (CRFPS), na binibigyan ng solusyon ang mga hamon na kinahaharap ng mga ARB dahil sa mga epekto ng climate change. Kasama ng DAR ang kinatawan ni Bani Mayor Cothera Gwen Palafox Yamamoto na sina Coun. Amelia R. Olores, Coun. Philip Estabillo, at LIGA President Warlie Dollaga; former Alaminos City Mayor na si Hon. Arthur F. Celeste; at si Congressman ng 5th District ng Pangasinan na si Hon. Ramon V. Guico III.
Mula sa Unang Distrito, nagtungo si Sec. Castriciones sa ika-Anim na Distrito kung saan siniguro nito ang tagumpay ng BALAI Housing Program sa Umingan. Ang site sa Brgy. Carayungan Sur ang napili na pilot location para sa kauna-unahang housing program na binuo ng gobyerno para sa mga ARB.
Nakipagpulong ang DAR kasama sina Umingan Mayor Michael Carleone Cruz; Congressman Hon. Tyrone D. Agabas ng 6th District ng Pangasinan; Department of Human Settlements and Urban Development Region I RD Atty. Raymundo Foronda, at ang Technical Working Group (TWG) ng naturang housing project.
Huling pinuntahan ng kagawaran ang Groundbreaking Ceremony ng Tulay ng Pangulo Para sa Kaunlarang Pang-Agraryo (TPKP) sa Brgy. Oraan East, Manaoag. Ang naturang site ang pinakaunang pagtatayuan ng isang P13 milyon na halaga ng tulay na pakikinabangan ng higit 8,000 na katao. Sa pamamagitan ng tulay, layon nito na pabilisin ang daloy ng mga produktong agrikultura papunta sa merkado, at pabilisin ang kita ng mga magsasaka.
Kasama sa makasaysayan na seremonya sina Board Member Hon. Jeremy Agerico B. Rosario na kinatawan si Governor Amado Espino III; Congressman Hon. Christopher De Venecia ng 4th District ng Pangasinan; DPWH Regional Director Engr. Ronnel Tan; Manaoag Mayor Kim Mikael DG. Amador; Manaoag Vice Mayor Domyciano Z. Ching; at Tayug Vice Mayor Lorna Primicias Tacdol.
Kasama ni Sec. Castriciones sa lahat ng ito sina Usec. Emily O. Padilla, Usec. Virginia N. Orogo, Usec. Atty. Lucius Jun Jun G. Malsi, Asec. Ubaldo R. Sadiarin, Jr., Dir. Atty. Marjorie P. Ayson, at Dir. Cupido Gerry D. Asuncion.
Katuwang ng DAR Central Office sa pagpapatupad ng CARP sa Pangasinan ang DAR Regional Office I at DAR Pangasinan sa pangunguna ni Regional Director Primo C. Lara at PARPO II / Asst. Regional Director Maria Ana B. Francisco. (zarena ann amado/arpt)