45,000 na ARB, 45,000 na tinutupad na pangarap

Alam niyo ba na mayroong 44,781 na EP/CLOA holders sa Pangasinan? Simula pa noong 1990s hanggang sa kasalukuyang taon, ito ang kabuuang bilang ng mga magsasaka na binigyan ng titulo ng lupa ng DAR sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Ilan sa mga pinaka-inaabangan na programa para sa EP/CLOA holders o agrarian reform beneficiaries (ARBs) ngayong taon ay ang BALAI Housing Program at Climate-Resilient Farm Productivity Support. Sa mandato ng kagawaran, hindi lang binibigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka na maging landowner ng kanilang lupang sinasaka, kundi binibigyan pa sila ng pabahay, kaalaman, at mga makinaryang pansaka para sa ikauunlad ng kanilang bukid!