DAR launches microfinance credit program for Cebu coop

The launching of finance operations of Hagnaya Organized People for Environment Multi-Purpose Cooperative (HOPEMPC) held in HOPEMPC Office in barangay Hagnaya, Carmen.

The Department of Agrarian Reform (DAR) in the province of Cebu has launched the microfinance credit program operations of Hagnaya Organized People for Environment Multi-Purpose Cooperative (HOPEMPC) held in HOPEMPC office in barangay Hagnaya, Carmen.

The Provincial Agrarian Reform Office through Enterprise Development and Economic Support (EDES) program has a capital-build-up of P200,000 that could be used by the agrarian reform beneficiaries (ARBs) in improving their farm productivity.

Assistant Regional Director and concurrent OIC-Provincial Agrarian Reform Program Officer II Louie Naranjo said HOPEMPC is a DAR-assisted agrarian reform beneficiaries organization that has been a recipient of organizational strengthening, agri-enterprise, and other training, which qualify the coop as a microfinance provider.

“Our department would continue to empower our cooperatives because the primary beneficiaries are our farmers in the countryside, which are needing much support to improve their lives,” Naranjo said.

HOPEMPC Chairman Rosal Jayme said that 58 ARB-members are now availing the credit assistance through their loan programs.

“I would like to thank the DAR for the opportunities that they provided us and for their continued support and guidance in facing the challenges we encounter in our operations,” she said.

The cooperative was organized in 1993 and has been engaged in consumer store business and up to now, they are serving the members and residents in Barangay Hagnaya amidst the time of the pandemic.

HOPEMPC Manager Petronio Peñas shared that in 2017, with DAR-DTI partnership, the coop underwent product development training on sinamay products such as hats, curtain holders, placemats, and bags. The handcrafted sinamay products by the members are even exported, thereby enhancing the coop’s income.

Present during the launching of the micro-finance operations ceremony were OIC-Municipal Agrarian Reform Program Officer Fiel Roz, Agrarian Reform Program Technologist Ma. Hilda Cadigal, Senior Agrarian Reform Program Officer (SARPO) Victoriano Morato, and Agri-Enterprise Development Specialist Rollin Villar.

DAR inilunsad ang programang microfinance sa kooperatiba ng Cebu

Inilunsad kamakailan ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa lalawigan ng Cebu ang programang micro finance operations ng Hagnaya Organized People for Environment Multi-Purpose Cooperative (HOPEMPC) na ginanap sa opisina ng HOPEMPC sa barangay Hagnaya, Carmen.

Mula sa Provincial Agrarian Reform Office sa pamamagitan ng Enterprise Development and Economic Support (EDES) program, mayroon itong capital-build-up na P200,000 na magagamit ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa pagpapaunlad ng kanilang mga sakahan.

Ayon kay Assistant Regional Director at concurrent OIC-Provincial Agrarian Reform Program Officer II Louie Naranjo, ang HOPEMPC ay isang DAR-assisted agrarian reform beneficiaries’ organization na nakatanggap ng mga organizational strengthening, agri-enterprise at iba pang training, upang mag-qualify sila bilang micro finance provider.

“Ang ating ahensya ay patuoy na palalakasin ang mga kooperatiba dahil ang panunahing benepisyaryo nito ay ang ating mga magsasaka sa kanayunan, na nangangailangan ng suporta upang umunlad ang kanilang mga pamumuhay,” ani Naranjo.

Sinabi naman ni HOPEMPC Chairman Rosal Jayme na nakapag-avail na ng credit-assistance sa pamamagitan ng kanilang loan program ang 58 ARB-members ng kooperatiba.

“Ako po ay nagpapasalamat sa DAR sa mga oportunidad na ipanagkaloob nila at sa patuloy na paggabay sa amin sa pagharap sa mga hamon ng aming operasyon,” aniya.

Ang kooperatiba ay inorganisa noong 1993 at ito ay nagsagawa ng negosyong consumer store at hanggang ngayon, patuloy pa rin itong nagbibigay serbisyo sa mga kasapi at residente ng Barangay Hagnaya sa gitna ng pandemya.

Ibinahagi ni HOPEMPC Manager Petronio Peñas na noong 2017, sa pagitan ng DAR-DTI partnership, ang kooperatiba ay sumailalim sa product development training sa produkto ng sinamay kung saan gumawa sila ng produktong handcrafted tulad ng mga sombrero, curtain holders, placemats, at bags. Ang handcrafted na gawa sa sinamay ay pinang-export din ng kooperatiba na nakapagpalago ng kanilang kita.

Ang mga dumalo sa seremonya ng paglulunsad ng micro-finance operations ay sina OIC-Municipal Agrarian Reform Program Officer Fiel Roz, Agrarian Reform Program Technologist Ma. Hilda Cadigal, Senior Agrarian Reform Program Officer (SARPO) Victoriano Morato at Agri-Enterprise Development Specialist Rollin Villar.