Programang DAR to Door sa probinsya ng Isabela

CAUAYAN CITY, Isabela – Ngayong 1st quarter ng taon ay nakapagtala ang Department of Agrarian Reform sa probinsya ng Isabela ng 78 na titulo na may sukat na 145.1071 ektaryang lupa ang ipinamahagi sa  99 magsasaka  sa ilalim ng programang  "DAR to DOOR" 

 Ang DAR to Door ay ang paghahatid ng DAR ng mga titulo o Certificates of Land Owneship Award (CLOA) titles sa kabahayan ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa bansa. Layunin nitong ihatid ang serbisyo ng ahensya sa bawat tahanan ng mga benepisyaryo. Ito rin ay naglalayon na mabisita, makamusta at maiparamdam ang suporta ng gobyerno sa ating mga kapatid na magsasaka.

 Ang siyudad ng Cauayan ay nakapagtala ng 25 ARBs na may 27 CLOA titles at ito ay may land area na 24.3694 ektarya, pinakamaraming benepisyaryong nabigyan ng titulo sa 1st quarter. Ang 18 ARBs sa bayan ng Echague ay nakatanggap naman ng 13 CLOA titles  na may 28.2101 ektarya ng lupa, 15 ARBs sa Mallig ay nakatanggap ng 6 CLOA titles na may 17.2468 ektarya, 13 ARBs sa Quezon ay nakatanggap ng 14 CLOA titles na may 29.4933 ektarya, 9 ARBs sa Jones ay nakatanggap ng 4 CLOA titles na may 22.9947 ektarya,  9 ARBs sa San Agustin ay nakatanggap ng 1 CLOA title na may 5.2532 ektarya, 5 ARBs sa San Guillermo ay nakatanggap ng 8 CLOA titles na may 8.5049 ektarya, at 5 ARBs sa Gamu ay nakatanggap ng 5 CLOA titles na may 9.0347 ektarya ng lupa.

“Sa wakas kami ay may matatawag ng sariling amin na lupang sakahan”, ani Percida Gallo, ARB ng Gamu, Isabela. “Lubos kaming nagpapasalamat sa Poong Maykapal at sa gobyerno dahil hindi kami nito pinapabayaan”, dagdag pa ng ginang.  

Inaasahan na mas marami pa ang maseserbisyuhan ng programang DAR to Door at mabibiyayaan ng titulo sa mga susunod na buwan na syang ikagagalak ng ating mga kapatid na magsasaka sa probinsya ng Isabela.

 -Ronan S. Tuzon, Jr., PIO-Isabela