DAR Pangasinan, nakiisa sa Duterte Legacy Caravan

Humihingi ng legal advise ang isang benepisyaryo (naka-asul) kay legal officer Wincy Leyson (nakapula). (Photo ni Dexter Miranda)

Labrador, Pangasinan — Bilang pakikiisa sa layunin ng pamahalaan na palawigin ang serbisyong publiko sa lahat ng sulok ng bansa, inilapit ng Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan sa mga residente ng Sitio Kadampat, Brgy. Bolo sa Labrador ang libre na legal assistance at land tenure services. Nagpamigay rin ang DAR ng IEC materials na nilalaman ang iba-ibang support services ng kagawaran.

Ipinapakita ng ilang benepisyaryo ang kanilang natanggap na informational materials mula sa DAR.

Iba-ibang government at non-government agencies ang sumama sa Duterte Legacy Caravan na pinangunahan ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) nitong Abril 21, 2022, kabilang na ang Technical Education and Skills Development Authority, LGBTQ Community of Labrador, Philippine Statistics Authority, Department of Health, Bureau of Fire Protection, at iba pa.

Umabot sa 120 na benepisyaryo ang nakinabang sa caravan na may temang "Pagkakaisa ng mamayan at pamahalaan tungo sa pagbangon, kapayapaan, at kaunlaran".

"Mahigit na limang taon na ang nakalipas mula nang maupo ang ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamumuno ng ating bansa," ani PPO Provincial Director PCOL. Richmond L. Tadina. "Isang kaganapan ang nagsimula ng sunod-sunod na positibong pagbabago sa ating buhay sa pamamagitan ng paglaban sa katiwalian, kriminalidad at sakit sa lipunan ng ating bansa. Kasabay po nito ay ang paghatid ng iba't ibang serbisyo sa mga pamayanan, mula sa maliit na barangay hanggang sa pinakamalaking siyudad." (za) ###