DAR namahagi ng 560 ektaryang lupa sa bayan ng Lal-lo, Cagayan

LAL-LO, Cagayan - Matapos buksan ang Pacac Metallic Bridge, nagtungo kaagad sa Lal-lo si Agrarian Reform Secretary Bernie F. Cruz para personal na ipamahagi ang mahigit 132.4780 ektaryang lupa na sinasakupan ng regular land acquisition and distribution (CARP), 404.7082 ektaryang Government Owned Lands (GOL) at 23 ektaryang Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) sa naturang bayan.
 
Mayroon 333 bagong agrarian reform beneficiaries ang nabahagian mula sa 404.7082 Government Owned Lands (GOL) at 178 ARBs naman sa regular acquisition at 35 ARBs sa SPLIT project.
 
Ayon kay Sec. Cruz, ipamahagi ang mga lupa na dapat ibigay sa ating mga magsasaka ang mandato sa ating ahensya ni Pres. Duterte.
 
Huwag ninyo ibenta o insala para maisalin pa sa susunod na henerasyon.  Sa mga agri graduates maging magandang ehemplo sa ating mga kapwa magsasaka, dagdag pa niya.
 
Ayon kay Regional Director Samuel S. Solomero, itong pagpupulong na igagawad ang mga titulo na CARP mula sa regular acquisition, GOL na nakapaloob sa EO 75 at SPLIT.
 
Ang aming taos pusong pasasalamat sa CSU dahil lupa na ipapamahagi namin.  Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pamamahagi sa mga agriculture graduates ang GOL ng CSU, ikka pa niya.
 
Dr. Victor Balitico, CSU Lal-lo Campus Representative, 500 ektarya ang natukoy sa CSC Lal-lo. Ito ay response sa EO 75. Ito rin para maparami ang ani ng ating mga magsasaka.
 
Isaisip, isapuso ang nakasaad sa batas. Kayo ay mapalapad dapat kayo akg kauna-unang mapabilang para lalong mapabuti ang inyong buhay.
 
Ayon kay PENRO Mabazza, kayo ay mapalad sapagkat mismo si Secretary ang mamamagi ng titulo sa inyo.
 
Ang DAR at DENR ay partner sa pagpapatupad mula PD 27 hanggang aa kasalukuyang ng RA 9700. Ang DENR ay full support sa CARP implementation, dagdag pa niya.
 
Ayon kay Vice Mayor Olivia Pascual, pangalagaan at mahalin ang titulo na ipapamahagi ni Sec Cruz. Huwag po ninyong sayangin ang biyaya na bigay sainyo.
 
We assured you that we are partners and support all your endeavors for the betterment of our farmers, she added.
 
Samantala, ayon kay Sangguniang Bayan Jun Israel, representative ni Mayor Florence Oliver Pascual, ang mga proyekto ng gobyerno tulad nito ay magpapatuloy sapagkat kaalyado ni Pres. Duterte ang bagong halal na presidente.
 
Si  Victorino Lagudoy, Chairman ng Lal-lo Agri Grad Agrarian Reform Cooperative nagbigay din mensahe ng pasasalamat sa biyayang natanggap mula sa DAR.  Lalo pa namin pagiibayuhin at pauunlaarin ang lupang ipinagkaloob ng gobyerno sa amin.
 
Ang programa na Pamamahagi ng CLOAs ay pinasinayan ni USECs Lucius Jun-jun Malsi at David Erro, ASEC Joey Sumatra, Vice Mayor Olivia Pascual, CSU Lal-lo Campus Rep Dr. Balatico, PENRO Representative Engr. Mabazza, SB Jun Israel, mga kawani ng DAR Central, Regional at Provincial Offices at mga agrarian reform beneficiaries.