Booster shots, DAR’s contribution in fighting Covid-19

The medical staff of the Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center administered the booster vaccine to the officials and employees of the DAR central office, DAR regions 4A and 4B, janitors, security guards, and immediate family members of employees.

QUEZON CITY-- Department of Agrarian Reform (DAR) Chief Conrado Estrella III delivered his promise to inoculate the officials and employees of the DAR central office for their second dose of booster vaccine against Covid-19 yesterday, August 3, for additional protection against the contagious and deadly virus.

The Secretary made his promise last July 4, during the turnover of DAR leadership.

“DAR is my second home now, and as part of my family I want to help in your welfare too. I have been giving welfare assistance for my constituents in Pangasinan, now I will also attend to my constituents here at the department,” Estrella said.

“I have so many plans and programs for our stakeholders, and I want my people protected from covid and for the continuous government service. In protecting ourselves, we are also protecting others from getting the virus,” Estrella added.

Director for administrative services Romeo Reyes was very grateful for the booster he and his family received from DAR.

Estrella ordered the DAR administrative office and the DAR health clinic headed by Dra. Connie Cabildo to coordinate with the Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center (CFERMTC) in Pangasinan to organize the booster vaccination of the department.

Cabildo said around 600 employees of the DAR central office, including employees of DAR Regions 4A and 4B, whose offices are in the compound of the DAR central office, were injected with booster vaccine.

“The Secretary was very generous. He instructed the CFERMTC to bring more than what we needed so that the janitors, security guards, and immediate members of the families of employees will be inoculated too,” Cabildo said.

According to Cabildo, people were given the choice of what vaccines to be injected with because the CFERMTC brought Pfizer, Moderna, and Sinovac.

Director for administrative services Romeo Reyes was very grateful for the booster he and his family received from DAR.

“My wife and two kids were injected with booster today. We thank the secretary for his generosity and for thinking of the welfare of the employees, but also of our families,” Reyes said.

The Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center was built in honor of Conrado F. Estrella, Sr., the 1st DAR secretary. The hospital was established by virtue of Republic Act No. 11558, an act establishing a general hospital in the municipality of Rosales, province of Pangasinan, and is under the direct control and supervision of the Department of Health.

Booster shot, kontribusyon ng DAR sa paglaban sa Covid-19

QUEZON CITY-- Tinupad ni Department of Agrarian Reform (DAR) Chief Conrado Estrella III ang kanyang pangako na bakunahan ang mga opisyal at empleyado ng DAR central office para sa kanilang pangalawang dose ng bakuna laban sa Covid-19 kahapon, Agosto 3, para sa karagdagang proteksyon laban sa nakakahawa at nakamamatay na virus.

Binanggit ng Kalihim ang pangakong ito noong Hulyo 4, sa ginanap na pagsasalin ng pamumuno ng DAR.

“Ang DAR ang pangalawang tahanan ko ngayon, at bilang bahagi ng aking pamilya gusto ko ring tumulong sa inyong kapakanan. Ako ay patuloy na nagbibigay ng tulong sa aking nasasakupan sa Pangasisnan, ngayon, kayo naman dito sa DAR ang nais kong matulungan,” ani Estrella.

“Marami akong plano at programa para sa ating mga magsasaka, at gusto kong maprotektahan ang aking mga tao mula sa covid, at para rin sa tuloy-tuloy na serbisyo sa bayan. Sa pagprotekta sa ating sarili, pinoprotektahan din natin ang iba mula sa pagkakaroon ng covid,” dagdag ni Estrella.

Inatasan ni Estrella ang DAR administrative office at ang DAR health clinic sa pamumuno ni Dra. Connie Cabildo, na makipag-ugnayan sa Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center (CFERMTC) sa Pangasinan para ayusin ang pag-babakuna sa mga empleyado ng DAR.

Sinabi ni Cabildo na nasa 600 empleyado ng DAR central office, kabilang ang mga empleyado ng DAR Regions 4A at 4B, na ang mga opisina ay nasa compound ng DAR central office, ang naturukan ng booster vaccine.

“Napaka-mapagbigay ni Secretary. Sinabihan niya ang Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center na magdala ng higit sa kailangan namin para ma-turukan din ang mga janitor, security guard at mga miyembro ng pamilya ng mga empleyado,” sabi ni Cabildo.

Ayon kay Cabildo, nabigyan ang mga tao ng pagkakataong pumili kung anong mga bakuna ang ituturok sa kanila dahil nagdala ang Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center ng Pfizer, Moderna at Sinovac.

Si Romeo Reyes, Director ng administrative services, ay lubos ang pasasalamat sa bakuna na natanggap niya at ng kanyang pamilya mula sa DAR.

"Ang aking asawa at dalawang anak ay na-turukan ng booster ngayon. Nagpapasalamat kami sa kalihim sa kanyang kabutihang-loob at sa pag-iisip sa kapakanan ng mga empleyado, pati na rin sa aming mga pamilya,” ani Reyes.

Ang Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center ay itinayo bilang parangal kay Conrado F. Estrella, Sr., ang unang kalihim ng DAR. Ang ospital ay itinatag sa bisa ng Republic Act No. 11558, isang batas na nagtatag ng isang pangkalahatang ospital sa munisipalidad ng Rosales, lalawigan ng Pangasinan at nasa ilalim ng direktang kontrol at pangangasiwa ng Department of Health.