DAR, PCC train Negros Occidental farmers on goat and carabao production

 Members of the Bacong Gustilo Farmers Association (BGFA) participate in the 2-day training on goat and carabao production held in barangay Bacong, Bago City.

The Department of Agrarian Reform (DAR) in Negros Occidental 2, in partnership with the Philippine Carabao Center (PCC) recently conducted a two-day training on goat and carabao production to improve productivity of goat and carabao as sources of meat and milk held in Barangay. Bacong, Bago City.

DAR Western Visayas Regional Director Atty. Sheila B. Enciso said the training aims to educate the farmers in goat and dairy buffalo production and equip them with appropriate production techniques that would increase their income.

Enciso expressed confidence that the training would help Negros Occidental 2 in uplifting the status of the goat and carabao industry. She acknowledged the PCC for extending the much-needed technical assistance to the farmers of the province.

Carabao-drawn carts in Bago City during sugarcane harvest time. (Photo courtesy of DA-Philippine Carabao Center).

Among the topics discussed by the DAR and PCC to the twenty-five (25) agrarian reform beneficiaries (ARBs) who are members of Bacong Gustilo Farmers Association (BGFA), include the basic knowledge of goat and carabao production and its breeding techniques.

Through this technical training, farmers were able to realize the exceeding potential income in dairy products as compared for example to carabao being used merely as farm working animals.

PCC center director Maam Eva Rom pledged to provide support services to the BGFA and particularly invited the members to visit the La Granja stock farm in La Carlota City to witness the milking process of buffalos.

“PCC can offer various training for free which may include artificial insemination and bull entrustment, among others,” she said.

BGFA expressed its appreciation to the DAR and PCC for sharing their knowledge and expertise with the ARBs and providing income-generating opportunities to improve their socio-economic welfare.

DAR, PCC tinuruan ang mga magsasaka ng Negros Occidental sa produksyon ng kambing at kalabaw

Nagsagawa kamakailan ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa Negros Occidental 2, katuwang ang Philippine Carabao Center (PCC) ng dalawang (2) araw na pagsasanay sa produksyon ng kambing at kalabaw upang mapabuti ang produktibidad ng kambing at kalabaw bilang pinagkukunan ng karne at gatas na ginanap sa Barangay Bacong, Bago City.

Ayon kay DAR Western Visayas Regional Director Atty. Sheila B. Enciso ang pagsasanay ay naglalayon na turuan ang mga magsasaka sa produksyon ng kambing at kalabaw at mabigyan sila ng angkop na pamamaraan sa produksyon na magpapalaki ng kanilang kita.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Enciso na ang pagsasanay ay makatutulong sa kanilang lalawigan sa pag-angat ng katayuan ng industriya ng kambing at kalabaw. Kinilala niya ang PCC sa pagbibigay ng kinakailangang tulong teknikal sa mga magsasaka ng lalawigan.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ng DAR at PCC sa dalawampu't limang (25) agrarian reform beneficiaries (ARBs) na miyembro ng Bacong Gustilo Farmers Association (BGFA), ay kinabibilangan ng mga kaalaman sa produksyon ng kambing at kalabaw at mga pamamaraan sa pagpaparami nito.

Sa pamamagitan ng teknikal na pagsasanay na ito, nalaman ng mga magsasaka ang napakaraming potensyal na kita sa mga produkto ng pag-gawa ng gatas sa kalabaw kumpara halimbawa kung gagamitin lamang ito bilang mga hayop na nagtatrabaho sa bukid.

Nangako si PCC center director Maam Eva Rom na magbibigay sila ng suportang serbisyo sa BGFA at partikular na inimbitahan ang mga miyembro nito na bumisita sa La Granja stock farm sa La Carlota City upang saksihan ang proseso ng paggatas ng mga kalabaw.

"Ang PCC ay maaaring mag-alok ng iba't ibang pagsasanay nang libre kabilang na ang artificial insemination at bull entrustment, bukod sa iba pa," aniya.

Ipinahayag ng BGFA ang pasasalamat nito sa DAR at PCC sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman at kadalubhasaan sa ARBs at pagkakaloob ng mga pagkakataong makapagbigay ng kita upang mapabuti ang kanilang panlipunan at pang-ekonomiyang kapakanan.