North Cotabato farmers avail DAR’s Php44-M agri-credit loan

North Cotabato agrarian reform beneficiaries (ARBs) show their certificates as proof that they have attended the financial literacy seminar prior to the release of their loans, which offers a very lower interest rate at 5% per annum.

A total of 97 agrarian reform beneficiaries (ARBs) from the different municipalities of North Cotabato availed themselves of a combined loan amount of Php44,031,587 from the Department of Agrarian Reform’s (DAR) credit assistance loan program to boost their agricultural production.

The credit assistance loan is funded by the Land Bank of the Philippines (LBP) through the Accessible Funds for Delivery to Agrarian Reform Beneficiaries (AFFORD-ARBs) program to fund the production of rice, corn, and high-value crops, and for the acquisition of small farm equipment.

Provincial Agrarian Reform Program Officer II Charish Paña said the loan granted to the ARBs would be used for the enhancement of their banana production, rice production, corn production, and mango and pomelo production, which were released in tranches.

DAR North Cotabato farmers listen intently to the lecture on financial literacy providing them basic financial knowledge on how to optimize their loans to improve their income, generate savings, and boost their productivity.

“The AFFORD-ARBs program is an improved lending program offered to individual ARBs, who were provided with basic financial knowledge to allow them to optimize their loans to improve their income, generate savings, and boost their productivity, ” she said.

Paña added that DAR would continue to provide the ARBs with support services such as technical assistance on their chosen commodities, coaching and mentoring, and other capacity development interventions.

Of the 97 ARBs, 39 were from Arakan, 17 from Pres Roxas, 12 from Carmen and Alamada, 10 from Magpet, three from Pikit, and one each from Makilala, Matalam, Kabacan, and Pigcawayan.

Provincial AFFORD-ARBs program Point Person Roland Daquio said these ARBs were provided with financial literacy seminars prior to the release of their loans, which offers a very lower interest rate at 5% per annum.

“The ARBs had already received their first and second tranches of loan to fund their agri-production project, while the third tranche will be released depending on the crop status based on their submitted farm plan and budget,” he said.

He added that some of the beneficiaries had already started paying their loan amortization based on the issued statement of account by the LBP.

Daquiao also disclosed that some Php9,583,816.00 were already approved and will be released to 18 ARBs upon the completion of documentary requirements. Likewise, the application of 12 ARBs with a combined amount of Php10,467,162.00 is expected to be released after the review and approval at the LBP Lending Center in Kidapawan City.

The AFFORD-ARBs program is in compliance with Presidential Directive No. 2018-0176 dated April 14, 2018, which directs LBP in coordination with the Department of Agriculture and DAR to reach out to farmers and provide them with financial assistance for their agricultural needs.

Mga magsasaka sa North Cotabato nakinabang sa Php44-M credit loan program ng DAR

May kabuuang 97 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa iba't ibang munisipalidad ng North Cotabato ang nag-avail ng pinagsama-samang halaga ng pautang na Php44,031,587 mula sa credit assistance loan program ng Department of Agrarian Reform (DAR) upang palakasin ang kanilang mga produksyon sa agrikultura.

Ang credit assistance loan ay pinondohan ng Land Bank of the Philippines (LBP) sa pamamagitan ng Accessible Funds for Delivery to Agrarian Reform Beneficiaries (AFFORD-ARBs) program upang pondohan ang kanilang mga produksyon sa bigas, mais at iba pang high value crops, at pangbili rin ng mga mga maliliit na kagamitang pangsaka.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer II Charish Paña, ang pautang na ipinagkaloob sa mga ARB ay magagamit nila sa pagpapabuti ng kanilang produksyon ng saging, mais, manga at pomelo, na ire-release ng hindi isang bigayan lang.

“Ang AFFORD-ARBs program ay isang mas pinahusay na lending program na iniaalok sa indibidwal na ARB, na pinagkalooban ng basic financial knowledge upang mapalago nila ang kanilang mga inutang at mapagbuti ang kanilang mga kita, magkaroon ng mga ipon, at mapalakas ang kanilang mga produktibidad,” aniya..

Idinagdag din ni Paña na patuloy pa ring susuportahan ng DAR ang mga ARB sa pagkakaloob ng mga suportang serbisyo gaya ng ng mga technical assistance sa kanilang napiling commodities, coaching at mentoring, at iba pang capacity development interventions.

Sa 97 ARBs, 39 ay mula sa Arakan, 17 sa Roxas, 12 saCarmen at Alamada, 10 sa Magpet, tatlo sa Pikit, at tig-isa mula sa Makilala, Matalam, Kabacan, at Pigcawayan.

SInabi ni Provincial AFFORD-ARBs program Pointperson Roland Daquio na ang mga ARB ay binibigyan ng financial literacy seminar bago ipalabas ang kanilang mga inutang, na may mababang taunang interest rate na 5%.

“Natanggap na ng mga ARB ang una at ikalawang tranches ng kanilang mga inutang upang pondohan ang kanilang agri-production project, ang ika-tatlong tranche ay ilalabas depende sa kalagayan ng kanilang mga pananim ayon sa kanilang isinumiteng farm plan at budget,” aniya.

Idinagdag din niya na ang mga benepisyaryo ay nagsimula ng magbayad ng kanilang loan amortization batay sa inilabas na statement of account ng LBP.

Inihayag din ni Daquiao na may Php9,583,816.00 ang naaprubahan na at ire-release sa 18 ARB pagkatapos nilang makumpleto ang kanilang mga documentary requirements. Gayundin, ang aplikasyon ng 12 ARB, na may kabuuang halaga na Php10,467,162.00 ay inaasahang maire-release pagkatapos ma-review at mabigyan ng approval ng LBP Lending Center sa Kidapawan City.

Ang programang AFFORD-ARBs ay alinsunod sa Presidential Directive No. 2018-0176 na may petsang Abril 14, 2018 na nag-aatas sa LBP, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture at DAR, upang tulungan ang mga magsasaka at pagkalooban sila ng financial assistance sa kanilang mga pangangailangang pang-agrikultura.