DAR launches 10th Farm Business School site for Sorsogon farmers

DAR Sorsogon PARPO I Liza B. Repotente Nueva delivers her message during the  FBS launching  in  Sorsogon.

The Department of Agrarian Reform (DAR) in the province of Sorsogon recently launched its 10th Farm Business School (FBS) site to help farmer-beneficiaries become farmer entrepreneurs and boost their entrepreneurial skills.

Provincial Agrarian Reform Program Officer Nida A. Santiago expressed her happiness in welcoming a significant project that will help the farmers in their production and marketing activities.

“Farmers are formed into small groups to build collectively their capacity to produce for the market and respond to market demands with the aim of generating profits,” she said.

She said the FBS aims to develop agrarian reform beneficiaries (ARBs) to become agricultural entrepreneurs.

“We want to make their farms profitable and make them understand the ins and outs of business so that they can respond to market challenges,” she said.

The DAR-Sorsogon led by PARPO  Liza B. Repotente and officials of the Capuy-Basud Multi-Purpose Cooperative (CABAMUCO) show the Memorandum of Agreement enabling the  thirty-five (35) farmer enrollees to attend the DAR’s Farm Business School (FBS). 

PARPO Liza B. Repotente shared how the FBS has thrived through the years relaying that the office values the ARBOs and ARBs response to the challenges of welcoming a new support intervention.

“We will remain steadfast in exploring new ways on how to bring more services to our farmers, especially our ARBs. We will be with them every step of the way,” Repotente exclaimed.

She disclosed that this is the 10th FBS site in Sorsogon. In 2017, the pilot sites in Castilla and Bulan were launched. It was followed by a site in Juban in 2018, three (3) sites launched in Juban, Irosin, and Matnog in 2019, a lone site launched in Casiguran in 2020 and finally, two sites were launched in 2021 in Sta. Magdalena and Sorsogon City.

Repotente said the Capuy-Basud Multi-Purpose Cooperative (CABAMUCO) in Capuy, Sorsogon is the identified recipient of the FBS for 2022.

“In Sorsogon City, CABAMUCO is the 2nd site of FBS. This milestone is significant not only for DAR but for the local government of Sorsogon,” she added.

FBS Facilitator Jicelle Escanilla said the program has thirty-five (35) enrollees. DAR-Sorsogon ensured that the CABAMUCO members will enjoy twenty-five (25) FBS sessions as they learn entrepreneurial skills.

CABAMUCO Chairman Rodolfo L. Bonete Jr. expressed his gratitude to the DAR for the opportunity to be selected as the recipient of the program.

“We know that the DAR and the LGU will not abandon us. We promise that whatever help and guidance are given to us, we will take care of it as a form of appreciation.

The farmer-students will undergo a curriculum including assessing their current farm situation, devising a farm business plan, and how to translate that plan into action, making their farms profitable, by managing their own farm business.

DAR inilunsad ang ika-sampung Farm Business School para sa mga magsasaka ng Sorsogon

Inilunsad kamakailan ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa lalawigan ng Sorsogon and ika-sampung Farm Business School (FBS) upang matulungan ng mga magsasakang-benepisyaryo na maging negosyanteng-magsasaka at mapalakas ang kanilang kakayahan sa pagnenegosyo.

Ipinahayag ni Provincial Agrarian Reform Program Officer Nida A. Santiago ang kanyang kaligayahan sa makabuluhang proyekto na makatutulong sa mga magsasaka sa kanilang mga aktibidad sa produksyon at pagbebenta.

"Ang mga magsasaka ay magbubuo ng maliliit na grupo upang pagsamahin ang kanilang kapasidad na makagawa at tumugon sa mga pangangailangan ng pamilihan upang lumaki ang kanilang kita," aniya.

Sinabi niya na layunin ng FBS na turuan ang mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) na maging negosyante ng kanilang mga produktong agrikultural.

"Nais namin gawing kumikita ang kanilang mga sakahan at maunawaan nila ang pasikot-sikot ng pagnenegosyo upang matugunan nila ang mga hamon sa pagmemerkado," aniya.

Ibinahagi ng PARPO Liza B. Repotente kung paano umunlad ang FBS sa paglipas ng mga taon at ipinahayag na pinahahalagahan ng tanggapan ang tugon ng mga ARBO at ARB sa mga hamon ng pagtanggap ng bagong interbensyon sa suporta.

“Kami ay mananatiling matatag sa paggalugad ng mga bagong paraan kung paano magdadala ng mas maraming serbisyo sa ating mga magsasaka lalo na sa ating mga ARB. Sasamahan natin sila sa bawat hakbang,” bulalas ni Repotente.

Ibinunyag niya na ito ang ika-10 site sa Sorsogon. Noong 2017, unang inilunsad ang mga pilot site sa Castilla at Bulan. Sinundan ito ng isang site sa Juban noong 2018, tatlong (3) site ang inilunsad sa Juban, Irosin at Matnog noong 2019, isang site ang inilunsad sa Casiguran noong 2020 at dalawang site ang inilunsad noong 2021 sa Sta. Magdalena at Sorsogon City.

Ipinahayag ni Repotente na ang Capuy-Basud Multi-Purpose Cooperative (CABAMUCO) sa Capuy, Sorsogon ang natukoy na tatanggap ng FBS para sa 2022.

“Sa Sorsogon City, ang CABAMUCO ay ang pangalawang site ng FBS. Ang milestone na ito ay mahalaga hindi lamang para sa DAR kundi para sa lokal na pamahalaan ng Sorsogon,” dagdag niya.

Sinabi ni FBS Facilitator Jicelle Escanilla na mayroong tatlumpu't limang (35) enrollees ang programa. Tiniyak ng DAR-Sorsogon na magiging masaya ang dalawampu't-limang (25) FBS session na dadaluhan ng mga miyembro ng CABAMUCO habang matututo sila ng mga kasanayan sa pagnenegosyo.

Nagpahayag ng pasasalamat sa DAR si CABAMUCO Chairman Rodolfo L. Bonete Jr. sa pagkakataong mapili bilang recipient ng programa.

Nagpahayag ng pasasalamat sa DAR si CABAMUCO Chairman Rodolfo L. Bonete Jr. sa pagkakataong mapili bilang tatanggap ng programa.

“Alam naman natin na hindi tayo pababayaan ng DAR at ng LGU. Nangangako kami na kahit anong tulong at patnubay ang ibigay sa amin, aalagaan namin ito bilang pagpapahalaga," ani Bonete.

Ang mga magsasakang-estudyante ay sasailalim sa isang kurikulum kabilang ang pagtatasa ng kanilang kasalukuyang sitwasyon sa sakahan, pagbuo ng isang plano sa negosyo ng sakahan at kung paano isasalin ang planong iyon sa aksyon, paggawa ng kanilang mga sakahan na kumikita, sa pamamagitan ng pamamahala ng kanilang sariling negosyo sa sakahan.