PBBM freezes land amortization and interest payments

Today, his 65th birthday marks the fulfillment of another commitment made by President Ferdinand R. Marcos Jr. during his first State of the Nation Address (SONA), that of emancipating the agrarian reform beneficiaries (ARBs) from their debts.

Marcos, Jr. today signed the Executive Order imposing a year-long moratorium on payments on the annual amortization and interest payments of ARBs for agricultural lands distributed under the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

The President said that the one-year moratorium on land amortization and interest payments would help unburden the ARBs from their debts, enabling them to use the money instead in developing their farms, maximizing their capacity to produce and propel the growth of the economy.

DAR Secretary Conrado Estrella III said the executive order on moratorium is in preparation for another fulfillment of the commitment of the President, which is for Congress to pass a law that will condone the loans of ARBs with unpaid amortization and interests.

“We always think about the farmers’ welfare. The one-year moratorium and condonation of farmers’ loan payment will lead to freedom of farmers from debts,” Estrella said.

He expressed willingness to work and cooperate with the House of Representatives in the amendment of Section 26 of Republic Act 6657, or the Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988.

“The condonation of the existing agrarian reform loan will cover the amount of PhP58.125 billion benefiting around 654,000 ARBs and involving a total of 1.18 million hectares of awarded lands,” Marcos said in his first SONA.

Section 26 of the Republic Act 6657, requires the ARBs who were awarded lands to pay to the Land Bank of the Philippines in 30 annual amortizations at six percent interest per annum.

Marcos said that under the proposed law, the loans of ARBs with unpaid amortization and interest shall be condoned and erase the outstanding debts of the farmers who are beneficiaries of agrarian reform.

“ARBs who are still to receive their awarded lands under the CARP shall receive it without obligation to pay any amortization," Marcos said.

PBBM pinahinto ang pagbabayad ng amortisasyon at interes sa lupa

Ngayon, sa kanyang ika-65 na kaarawan ay minarkahan ang katuparan ng panibagong pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA), ang pagpapalaya sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa kanilang mga utang.

Nilagdaan ngayon ni Marcos, Jr. ang Executive Order na nagpapataw ng isang taon na moratorium sa mga pagbabayad sa taunang amortisasyon at pagbabayad ng interes ng mga ARB para sa mga lupang agrikultural na ipinamahagi sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Sinabi ng Pangulo na ang isang taong moratorium sa land amortization at pagbabayad ng interes ay makatutulong sa pag-alis ng pasanin sa mga ARB mula sa kanilang mga utang, na magbibigay-daan sa kanila na gamitin sa halip ang pera sa pagpapaunlad ng kanilang mga sakahan, pakinabangan ang kanilang kapasidad na gumawa at magsulong ng paglago ng ekonomiya.

Sinabi ni DAR Secretary Conrado Estrella III na ang executive order sa moratorium ay bilang paghahanda sa panibagong katuparan ng pangako ng Pangulo, na humihiling sa Kongreso na magpasa ng batas na alisin na ang mga utang ng ARB na mayroong hindi pa nababayarang amortisasyon at interes.

“Lagi nating iniisip ang kapakanan ng mga magsasaka. Ang isang taong moratorium at condonation ng pagbabayad ng utang ng mga magsasaka ay hahantong sa kalayaan ng mga magsasaka sa pagkakautang,” ani Estrella.

Nagpahayag siya ng kagustuhang makipagtulungan sa House of Representatives sa pag-amyenda sa Section 26 ng Republic Act 6657, o ang Comprehensive Agrarian Reform Law ng 1988.

"Ang condonation ng umiiral na agrarian reform loan ay sasakupin ang halagang PhP58.125 bilyon kung saan makikinabang ang humigit-kumulang 654,000 ARBs at kinasasangkutan ng kabuuang 1.18 milyong ektarya ng mga lupang naipamahagi," ani Marcos sa kanyang unang SONA.

Ang Seksyon 26 ng Republic Act 6657, ay nag-aatas sa mga ARB na pinagkalooban ng mga lupain na magbayad sa Land Bank of the Philippines sa 30 taunang amortisasyon sa anim na porsyentong interes kada taon.

Sinabi ni Marcos na sa ilalim ng panukalang batas, ang mga pautang ng mga ARB na may hindi nabayarang amortisasyon at interes ay papatawarin na at burahin na ang mga hindi pa nababayarang utang ng mga magsasakang-benepisyaryo ng repormang agraryo.

"Ang mga ARB na tatanggap pa rin ng kanilang mga iginawad na lupa sa ilalim ng CARP ay tatanggap nito nang walang obligasyon na magbayad ng anumang amortisasyon," ani Marcos.