Bohol farmers receive banana processing facility

Ronald Pumatong, DAR-Bohol Provincial Agrarian Reform Program Officer turned over the document of ownership to the members of the Agape Multi-Purpose Cooperative.

LOBOC, Bohol – Agrarian reform beneficiaries (ARBs) who are members of the Agape Multi-Purpose Cooperative, in Barangay Agape, received a processing facility from the Department of Agrarian Reform (DAR) to boost the production of their banana by-products.

The project, amounting to P450,000.00 is a joint project of DAR under the Village Level Farm- Focused Enterprise Development (VILFED), with the Department of Trade and Industry, Cooperative Development Authority, and the local government of Loboc.

Ronald Pumatong, DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer, said the project is in accordance with the directive of Secretary Conrado Estrella III to develop the quality of farmers’ products for them to penetrate and compete in the commercial markets.

“The project aims to develop and strengthen the agri-enterprises of the farmers’ organization and its members to enable them to sustain the productivity of the lands awarded to them by the government,” Pumatong said.

He explained that establishing farm-focused community enterprises promotes value-adding activities to the major and secondary crops of the farmers.

“This allows the participation of other community members in the livelihood activities within the value chain and increase their household income,” Pumatong said.

The DAR’s VLFED project focuses on capacitating the ARBs to improve their product development and enhance the skills of the farmers in managing their cooperatives.

Mga magsasaka ng Bohol tumatanggap ng banana processing facility

LOBOC, Bohol—Nakatanggap ng processing facility mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) na miyembro ng Agape Multi-Purpose Cooperative, sa Barangay Agape, para mapalakas ang produksyon ng mga by-products ng kanilang produktong saging.

Ang proyekto, na nagkakahalaga ng P450,000.00 ay pinagsamang proyekto ng DAR sa ilalim ng Village Level Farm- Focused Enterprise Development (VILFED), kasama ang Department of Trade and Industry, Cooperative Development Authority, at ng lokal na pamahalaan ng Loboc.

Sinabi ni Ronald Pumatong, DAR-Bohol Provincial Agrarian Reform Program Officer, na ang proyekto ay ipinatutupad alinsunod sa direktiba ni Secretary Conrado Estrella III na itaas ang kalidad na produkto ng mga magsasaka upang sila ay makapasok at makipagkumpetensya sa mga komersyal na merkado.

"Layunin ng proyekto na paunlarin at palakasin ang mga agri-enterprises ng organisasyon ng mga magsasaka at ng mga miyembro nito upang bigyang-daan ang pagiging produktibo ng mga lupang iginawad sa kanila ng pamahalaan," ani Pumatong.

Ipinaliwanag niya na ang pagtatatag ng mga negosyong nakatuon sa pagsasaka ay nagtataguyod ng mga aktibidad na magpapataas ng kita ng mga pangunahin at pangalawang pananim ng mga magsasaka.

“Pinapayagan nito ang partisipasyon ng iba pang miyembro ng komunidad sa mga aktibidad na pang-kabuhayan sa loob ng value chain at makatutulong ito na madagdagan ang kinikita nila para sa kanilang pamilya,” ani Pumatong.

Nakatuon ang proyektong VLFED ng DAR sa pagbibigay ng kakayahan sa mga ARB upang mapagbuti ang kanilang pagiging produktibo at mapahusay ang pamamahala ng kanilang mga kooperatiba.