150 DAR development facilitators attend training on community organizing in Eastern Visayas

DAR development facilitators with other DAR officials and technical  staff, representatives from the local government units, and members of ARB organizations attended a five-day training on Enterprise-based Agrarian Reform Community Organizing and Development (E-ARCOD) in Eastern Visayas.

TACLOBAN CITY – A total of one hundred fifty (150) development facilitators (DFs) of the Department of Agrarian Reform (DAR) attended a five-day training on Enterprise-based Agrarian Reform Community Organizing and Development (E-ARCOD) to improve the level of development of agrarian reform beneficiaries (ARBs), ARB organizations (ARBOs) and agrarian reform communities (ARCs) in Eastern Visayas.

Agrarian Secretary Conrado Estrella III said the number of ARBOs formed and organized will continue to increase as it is one of the agency’s mandates to reach out to the organizations and provide them with appropriate and necessary support services to secure a better quality of life.

DAR development facilitators with other DAR officials and technical  staff, representatives from the local government units, and members of ARB organizations attended a five-day training on Enterprise-based Agrarian Reform Community Organizing and Development (E-ARCOD) in Eastern Visayas.

Ismael Aya-ay, Eastern Visayas Assistant Regional Director, said the said DFs were provided training on social entrepreneurial skills to enhance the capability of ARBO officers and members to effectively and efficiently manage their respective organizations.

He said E-ARCOD is basically rural development, community organizing, and extension works which covers the ARBs farming stages from production to marketing.

Al Francis Caballero, a DF for almost three years assigned in Ormoc City in the province of Leyte, shared that he feels more confident in discharging his functions as a DF with the learnings he gained in the training.

“The knowledge I gained here will enhance my skills in communication, problem solving and critical thinking, which are important in community organizing,” he said.

Rosemarie Balanquit, Provincial Agrarian Reform Program Officer of DAR Northern Samar commended the resource speakers for the comprehensive discussions of the different topics which sustained the interest of the participants until the last day of the training.

150 DAR development facilitators dumalo sa pagsasanay sa community organizing sa Eastern Samar

LUNGSOD NG TACLOBAN – May kabuuang isandaan-limampung (150) development facilitators (DFs) ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang dumalo sa limang araw na pagsasanay sa Enterprise-based Agrarian Reform Community Organizing and Development (E-ARCOD) para mapabuti ang antas ng pag-unlad ng agrarian reform beneficiaries (ARBs), ARB organizations (ARBOs) at agrarian reform communities (ARCs) sa Eastern Visayas.

Sinabi ni Agrarian Secretary Conrado Estrella III na patuloy na tataas ang bilang ng mga ARBO na nabuo at inorganisa dahil isa ito sa mga mandato ng ahensya na makipag-ugnayan sa mga organisasyon at mabigyan sila ng angkop at kinakailangang suportang serbisyo upang matiyak ang mas magandang kalidad ng kanilang buhay.

Sinabi ni Ismael Aya-ay, Eastern Visayas Assistant Regional Director, na ang nasabing mga DF ay binigyan ng pagsasanay sa mga social entrepreneurial skills upang mapahusay ang kakayahan ng mga opisyal at miyembro ng ARBO na maging epektibo at mahusay na mapamahalaan ang kani-kanilang organisasyon.

Sinabi niya na ang E-ARCOD ay karaniwang tumatalakay ng pag-unlad sa kanayunan, pag-oorganisa ng komunidad, at mga extension services na sumasaklaw sa mga iba’t ibang yugto ng pagsasaka ng ARB mula sa produksyon hanggang sa marketing.

Ibinahagi ni Al Francis Caballero, isang DF sa halos tatlong taon ng nakatalaga sa Ormoc City sa lalawigan ng Leyte, na mas kumpiyansa siya sa pagtupad sa kanyang tungkulin bilang DF dahil sa mga natutunan niya sa pagsasanay.

"Ang kaalaman na nakuha ko dito ay magpapahusay sa aking mga kasanayan sa komunikasyon, paglutas ng problema at kritikal na pag-iisip, na mahalaga sa pag-oorganisa ng komunidad," aniya.

Pinuri ni Rosemarie Balanquit, Provincial Agrarian Reform Program Officer ng DAR Northern Samar ang mga resource speaker para sa komprehensibong pagtalakay sa iba't ibang paksa na nagpapanatili sa interes ng mga kalahok hanggang sa huling araw ng pagsasanay.