Farmer-beneficiaries in Cotabato receive land titles

Municipal Agrarian Reform Program Officer Lisette Caasi of DAR-Makilala, personally delivers the land title to the ARBs.

The Department of Agrarian Reform (DAR) in the province of Cotabato has delivered land titles right at the doorsteps of two (2) agrarian reform beneficiaries (ARBs) in the town of Makilala, as proof that they are now the owners of the lands they were tilling.

The certificates of land ownership award (CLOAs), a landholding previously in the name of Philippine National Bank embraced with Title No. T-58365, Lot 41/PLS-592, and a total area of 4.2967 hectares, were awarded to Salipada Landas and Alberto Saway, both from Barangay Buhay, formerly known as Indangan.

Municipal Agrarian Reform Program Officer Lisette Caasi said this activity is in line with Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III’s effort to bring the government close to the farmers.

“This simple deed gives hope to our people; that the DAR is doing its best to help the ARBs realize their dreams of owning lands,” she said.

Caasi added that the DAR’s mandate does not end in providing land titles to the ARBs, as the agency continues to provide them with various assistance such as access to financial aid, farm machinery, training, and infrastructure facilities, among others.

Mga magsasakang-benepisyaryo sa Cotabato tumanggap ng titulo ng lupa

Naghatid kamakailan ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa lalawigan ng Cotabato ng mga titulo ng lupa sa pamamahay ng dalawang (2) agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa bayan ng Makilala, bilang patunay na sila na ang nagmamay-ari ng lupang kanilang tinatamnan.

Ang certificates of land ownership award (CLOAs), na lupaing dating nakapangalan sa Philippine National Bank na may Title No. T-58365, Lot 41/PLS-592, at kabuuang sukat na 4.2967 ektarya, ay ipinagkaloob kay Salipada Landas at Alberto Saway, na parehong mula sa Barangay Buhay, na dating kilala bilang Indangan.

Ayon kay Municipal Agrarian Reform Program Officer Lisette Caasi ang aktibidad na ito ay alinsunod sa adhikain ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na ilapit ang pamahalaan sa mga magsasaka.

“Ang simpleng gawain na ito ay nagbibigay pag-asa sa ating mga magsasaka; na ginagawa ng DAR ang lahat upang matupad ang pangarap ng mga ARB na magkaroon ng mga lupain,” aniya

Idinagdag din ni Caasi na ang mandato ng DAR ay hindi nagtatapos sa pagbbigay ng titulo ng lupa sa mga ARB, dahil ang ahensya ay patuloy na nagbibigay sa kanila ng iba’t ibang tulong tulad ng suportang pinansyal, makinaryang pangsaka, pagsasanay, at mga pasilidad sa imprastraktura, bukod sa iba pa.