NoCot farmers’ group receives P1.4 M farm tractor to mechanize upland farming

The turnover of P1.4 million worth of four-wheel drive farm tractor to Pidatan Greenland New Development Agrarian Reform Beneficiaries' Organization in the province of North Cotabato.

The Department of Agrarian Reform (DAR) has turned over a four-wheel drive farm tractor with a disc plow worth Php1.4 million to a Muslim farmers group in Guiling, Alamada, North Cotabato to enhance upland farming efficiency of the agrarian reform beneficiaries (ARBs) through mechanization.

The turnover of P1.4 million worth of four-wheel drive farm tractor to Pidatan Greenland New Development Agrarian Reform Beneficiaries' Organization in the province of North Cotabato.

The Pidatan Greenland New Development Agrarian Reform Beneficiaries' Organization received the said facility through DAR’s Climate Resilient Farm Productivity Support Program, which aims to enhance and sustain the agricultural productivity of agrarian reform communities as an adaptation measure towards climate change resiliency.

The tractor is expected to serve not only the 150 hectares of its members’ farmlands but also other nearby areas to help the farmers during land preparation and post-harvest activities.

Ondak Maamor, President of the recipient organization, expressed his gratitude to DAR for fulfilling their request for a farm tractor. "Nagpapasalamat po kami sa DAR dahil tinugunan ang aming hiling na magkaroon ng isang farm tractor. Malaking tulong po ito sa amin para mapadali at mapabilis ang aming mga gawain sa pagsasaka."

He pledged on behalf of their 70 members to responsibly maintain and maximize the tractor's use for community service strictly adhering to the established operation and maintenance policies.

Provincial Agrarian Reform Program Officer II Evangeline Bueno, on her part, said the tractor is particularly crucial given their remote location within the province.

"I hope that the recipient organization would catalyze for improving the lives of its members and the community, fostering resilience and adaptability to climate change, "she said.

Grupo ng mga magsasaka sa NoCot tumanggap ng P1.4 M farm tractor upang palakasin ang upland farming

Nagkaloob ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng four-wheel drive farm tractor na may disc plow na nagkakahalaga ng Php1.4 milyon sa grupo ng mga magsasakang Muslim sa Guiling, Alamada, North Cotabato upang mapag-ibayo ang kasiglahan ng upland farming ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa pamamagitan ng mekanisasyon.

Tumanggap ang Pidatan Greenland New Development Agrarian Reform Beneficiaries' Organization ng nasabing pasilidad sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Program ng DAR, na naglalayong pahusayin at mapanatili ang produktibidad ng agrikultura ng mga agrarian reform communities bilang isang hakbang upang maka-angkop tungo sa pagbago-bago ng klima.

Inaasahang magbibigay serbisyo ang traktora hindi lamang sa 150 ektaryang sakahan ng mga kasapi nitokundi pati na rin sa mga kalapit na sakahan nito upang matulungan ang mga magsasaka sa paghahanda ng lupa at mga aktibidad pagkatapos ng anihan.

Nagpasalamat sa DAR si Ondak Maamor, Pangulo ng tumanggap na Samahan sa pagtupad sa kanilang kahilingan para sa traktora. "Nagpapasalamat po kami sa DAR dahil tinugunan ang aming hiling na magkaroon ng isang farm tractor. Malaking tulong po ito sa amin para mapadali at mapabilis ang aming mga gawain sa pagsasaka."

Nangako din siya, sa ngalan ng 70 kasapi na pananatilihin nilang maayos at ima-maximize ang paggamit sa traktora para sa serbisyong pangkomunidad na mahigpit na susunod sa nasasaad na patakaran sa operasyon at polisiya ng traktora.

Sinabi naman ni Provincial Agrarian Reform Program Officer II Evangeline Bueno na napakahalaga ng traktora dahil sa kanilang napakalayong lokasyon sa loob ng lalawigan.

"Umaasa kami na ang samahang tumanggap ng traktora ay magpapasigla sa pagbabago at pagpapabuti ng buhay ng mga kasapi at komunidad dito at magkaroon din ng kakayahang umangkop sa pagbabago ng klima,” aniya.