[SPLIT News Alert] DAR involves Oriental Mindoro local communities in parcelization of lands

The DAR and SPLIT teams conduct meetings and surveys in some of the communities in the province of Oriental Mindoro.

The Department of Agrarian Reform (DAR) in the province of Oriental Mindoro has engaged the commitment of its local community members to effectively implement the Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) project.

To this end DAR in Oriental Mindoro conducted "pulong-pulong" meetings in six (6) key barangays: Mayabig in the municipality of Baco, Canubing II in the City of Calapan and Brgys. Montelago, Montemayor, Masaguing and Bayani in the municipality of Naujan.


The DAR and SPLIT teams conduct meetings and surveys in some of the communities in the province of Oriental Mindoro.

The SPLIT project involves the parcelization of lands and issuance of individual land titles to agrarian reform beneficiaries (ARBs) who were previously awarded lands through collective certificates of landownership award (CCLOAs).

The meetings served as a vital platform for open dialogue and collaboration between the DAR, the SPLIT team, and the local communities to discuss and finalize the survey process for land subdivision, ensuring transparency and inclusivity throughout the project.

Agrarian Reform Program Technologist Jensen Ema said the meetings provided an opportunity for residents to voice their questions and concerns regarding the survey process.

"We believe that engaging the community directly is essential for the success of the Project SPLIT. By involving them in the planning and execution of the survey, we aim to address any concerns and foster a sense of ownership among the beneficiaries," she said.

The DAR and the SPLIT team were able to address these concerns and provide clear explanations about the project's objectives and timelines. This collaborative approach has been lauded by the ARBs, who expressed their appreciation for the DAR's commitment to transparency and community engagement.

"Nagpapasalamat po kami sa programang ito ng DAR matutulungan kaming magkaroon ng sariling titulo na kailangang kailangan namin," said Dionisio Comeros, one of the ARBs from Barangay Canubing II .

Engr. II Joseph Villaluz said the successful completion of the survey is a critical step towards the ultimate goal of Project SPLIT, which is to distribute individual land titles to deserving beneficiaries.

“The DAR remains committed to working closely with the communities throughout the entire process, ensuring that the SPLIT project benefits all stakeholders,” he said.

DAR isinali ang mga lokal na komunidad sa Oriental Mindoro sa paghahati-hati ng lupa

Nakipag-ugnayan ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa lalawigan ng Oriental upang makuha ang pangako ng mga local na miyembro ng komunidad upang epektibong maipatupad ang Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) project.

Para sa layuning ito, nagsagawa ang DAR sa Oriental Mindoro ng "pulong-pulong" sa anim (6) na barangay: Mayabig sa bayan ng Baco, Canubing II sa Calapan City atmga Barangay Montelago, Montemayor, Masaguing at Bayani sa munisipalidad ng Naujan.

Ang Project SPLIT ay ang paghahati-hati ng mga lupain at pag-iisyu ng mga indibidwal na titulo sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) na dati nang ginawaran ng lupain sa ilalim ng collective certificates of landownership award (CCLOAs).

Ang mga pulong na ito ay nagsisilbing mahalagang plataporma para sa bukas na pag-uusap at kolaborasyon sa pagitan ng DAR, ng SPLIT team, at ng mga lokal na komunidad upang pag-usapan at tapusin ang mga proseso ng survey para sa paghahati-hati ng lupain, na tinitiyak ang malinaw at inklusibo sa kabuuan ng proyekto.

Ayon kay Agrarian Reform Program Technologist Jensen Ema ang mga pagpupulong na ito ay nagbibigay ng oportunidad sa mga residente na masabi nila ang kanilang mga kataungan at pangamba sa mga proseso ng survey.

"Naniniwala kami na ang tagumpay ng Project SPLIT ay sa pamamagitan din ng direktang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad. Sa kanilang paglahok sa mga pagpaplano at pagsasagawa ng survey, natutugunan natin ang kanilang pangamba at nabibigyan sila ng pakiramdam ng pagmamay-ari sa mga benepisyaryo,” aniya.

Natugunan din ng DAR at ng SPLIT team ang mga alalahaning ito at nakapagbigay ng malinaw na paliwanag tungkol sa layunin at timeline ng proyekto. Ang diskarte ng pagtutulungang ito ay pinuri ng mga ARB, na nagpahayag ng kanilang pagpapahalaga sa pangako ng DAR sa bukas at pakikipag-ugnayan sa komunidad.

"Nagpapasalamat po kami sa programang ito ng DAR matutulungan kaming magkaron ng sariling titulo na kailangang kailangan namin," ani Dionisio Comeros, isa sa mga ARB mula Barangay Canubing II .

Sinabi naman ni Engr. II Joseph Villaluz na ang tagumpay ng pagkumpleto sa survey ay napakahalagang hakbang upang maabot ang pangunahing layunin ng Project SPLIT, ang maipamahagi ang lupa sa mga karapat-dapat na benepisyaryo.

“Ang DAR ay mananatiling nakatuon sa pakikipagtulungan sa mga komunidad sa kabuuan ng prosesong ito, na tinitiyak na ang lahat ng mga stakeholders ng SPLIT project ay makikinabang,” aniya.