3,500 ARBs in Tarlac to Receive Debt Condonation Certificates from PBBM

File photo of President Ferdinand R. Marcos Jr. and DAR Secretary Conrado M. Estrella III.

In full realization of Republic Act No. 11953 or the New Agrarian Emancipation Act, 3,500 agrarian reform beneficiaries (ARBs) of the Province of Tarlac are set to receive a total of 4,663 Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) directly from President Ferdinand R. Marcos, Jr. in a ceremony to be held on September 30, 2024, at the Eduardo Cojuangco Gymnasium, Paniqui, Tarlac.

Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado M. Estrella III said a total debt amounting to Php 124 million would be condoned for the 3,500 ARBs receiving the 4,663 COCROMs which cover 4,132.1256 hectares of agricultural land, following the provisions of RA 11953.

“The distribution of these certificates is not just about relieving debt that they have carried for years, but also empowering farmers to fully maximize their land's productivity and improving their lives as Filipino farmers,” Estrella emphasized.

DAR Central Luzon Regional Director James Arsenio Ponce further disclosed that this scheduled distribution of COCROMs in Tarlac marks the third time such an initiative has been undertaken in the Central Luzon region, with previous distributions in the provinces of Nueva Ecija and Bulacan.

3,500 ARBs sa Tarlac Tatanggap ng Debt Condonation Certificates mula kay PBBM

Bilang ganap na pagsasakatuparan ng Republic Act No. 11953 o ang New Agrarian Emancipation Act (NAEA), 3,500 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa lalawigan ng Tarlac ang nakatakdang tumanggap ng kabuuang 4,663 Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) mula mismo kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa isang seremonya na gaganapin sa Setyembre 30, 2024, sa Eduardo Cojuangco Gymnasium, Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado M. Estrella III, mapapawalang-bisa na ang kabuuang utang na nagkakahalaga ng Php 124 milyon,ng 3,500 ARBs na tatanggap ng 4,663 COCROMs, na sumasaklaw sa 4,132.1256 ektarya ng mga lupang pang-agrikultura, alinsunod sa mga probisyon ng RA 11953.

“Ang pamamahagi ng mga sertipiko na ito ay hindi lamang tungkol sa pagpapatawad ng utang na kanilang pinasan ng maraming taon, kundi pati na rin sa pagbibigay kapangyarihan sa mga magsasaka upang lubos na mapaunlad ang pagiging produktibo ng kanilang lupa at mapabuti ang kanilang pamumuhay bilang mga magsasakang Pilipino,” diin ni Estrella.

Ibinunyag pa ni DAR Central Luzon Regional Director James Arsenio Ponce, na ang nakatakdang pamamahagi ng mga COCROM sa Tarlac ay ang ikatlong pagkakataon na ginawa sa naturang rehiyon ng Gitnang Luzon, kasunod ng mga pamamahagi sa mga lalawigan ng Nueva Ecija at Bulacan.