Over Php 124 Million Condoned for 3,500 ARBs in Tarlac

ARB Mario M. Velasco, 64 years old from Bantog Caricutan, Tarlac, receives his Certificate of Condonation with Release of Mortgage personally from President Ferdinand R. Marcos, Jr.

Paniqui, Tarlac – President Ferdinand R. Marcos, Jr. led the distribution of 4,663 Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROM), relieving 3,500 agrarian reform beneficiaries (ARBs) of over Php 124 Million of unpaid debts for agricultural lands received from the agrarian reform program.

Despite the bad weather brought about by Typhoon Julian, President Marcos Jr. persisted in personally spearheading the distribution of COCROMs in the Province of Tarlac, covering 4,132.1256 hectares of agricultural land, marking the administration’s efforts to alleviate the financial burden faced by ARBs.

President Ferdinand R. Marcos, Jr. with DAR Secretary Conrado M. Estrella III during the Distribution of Certificates of Condonation with Release of Mortgage in the Province of Tarlac on September 30, 2024.

“Hindi na po bale dahil isa sa pinakamalaki at makabuluhang karangalan bilang isang Pangulo ay ang buuhin ang naging pangarap ng milyon-milyong Pilipino na magkaroon ng sariling lupa at mabura ang inyong mga utang. Kaya po kahit na may ulan, kahit na may bagyo, kami kahit na may sakit, dadating at dadating po kami,” President Marcos Jr. said.

Accompanying the President, Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado M. Estrella III stressed the President’s drive and determination to reach and serve the people, especially the Filipino farmers.

President Ferdinand R. Marcos, Jr., DAR Secretary Conrado M. Estrella III, and national and local government officials with the agrarian reform beneficiaries (ARBs) of Tarlac.

“Dapat ang Presidente kung may sakit, doon na lang sa bahay, nagpapahinga. Ngunit kahit na bahing nang masama ang pakiramdam, tumuloy pa rin ho kami sa Palawan at sa Iloilo,” Estrella shared, citing the recent land titles distribution of DAR on September 19, 2024.

One of the beneficiaries, 64-year-old Mario M. Velasco from Bantog Caricutan, Tarlac, received his Certificate of Condonation with Release of Mortgage personally from President Marcos Jr., now condoning his total debt amounting to Php 241,968.86.

“Lubos po akong nagpapasalamat sa pamunuan ng DAR, kay Kalihim Conrado M. Estrella III at higit sa lahat kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para sa programang ito na nag-aalis ng aming mga utang sa lupang aming sinasaka,” Velasco remarked.

Republic Act No. 11953, otherwise known as the New Agrarian Emancipation Act (NAEA) signed into law by President Marcos Jr. on July 7, 2023, mandates the condonation of all unpaid principal amortizations, interest, and surcharges incurred by ARBs for agricultural lands awarded by DAR.

“Ang pera na nakalaan sana rito ay maaari na ninyo pong gamitin sa pang-araw-araw at ibang pangangailangan sa inyong pagsasaka. Wala na po kayong alalahanin, maging ang mga susunod pang magmamana ng lupang inyong sinasaka. Ngayon po ay may panibagong pagkakataon na kayo upang mapaunlad ang inyong mga kabuhayan at ang inyong mga pamilya,” said President Marcos Jr.

Through Republic Act No. 11953, DAR seeks to benefit more than 600,000 ARBs from the law, covering over 1.7 million hectares of agricultural land nationwide.

Higit Php 124 Milyon Pinatawad para sa 3,500 ARBs ng Tarlac

Paniqui, Tarlac – Pinangunahan ni Pangulo Ferdinand R. Marcos, Jr. ang pamamahagi ng 4,663 Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROM), na nagbigay-luwag sa 3,500 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa mahigit Php 124 milyong hindi pa nababayarang utang sa mga lupang pansakahan na kanilang natanggap mula sa programa ng repormang agraryo.

Sa kabila ng masamang panahong dulot ng Bagyong Julian, ipinagpatuloy ni Pangulong Marcos Jr. ang personal na pangunguna sa pamamahagi ng COCROMs sa Lalawigan ng Tarlac, na sumasaklaw sa 4,132.1256 ektarya ng lupang pansakahan. Ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan na maibsan ang mga pinansyal na pasanin ng mga ARBs.

“Hindi na po bale dahil isa sa pinakamalaki at makabuluhang karangalan bilang isang Pangulo ay ang buuhin ang naging pangarap ng milyong-milyong Pilipino na magkaroon ng sariling lupa at mabura ang inyong mga utang. Kaya po kahit na may ulan, kahit na may bagyo, kami kahit na may sakit, dadating at dadating po kami,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.

Kasama ng Pangulo si Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado M. Estrella III, na binigyang-diin ang malasakit at determinasyon ng Pangulo na abutin at paglingkuran ang mga tao, lalo na ang mga Pilipinong magsasaka.

“Dapat ang Presidente kung may sakit, doon na lang sa bahay, nagpapahinga. Ngunit kahit na bahing nang masama ang pakiramdam, tumuloy pa rin ho kami sa Palawan at sa Iloilo,” ani Estrella, na tinutukoy ang kamakailang pamamahagi ng mga titulo ng DAR noong Setyembre 19, 2024.

Isa sa mga benepisyaryo, si Mario M. Velasco, 64 taong gulang mula Bantog Caricutan, Tarlac, ay personal na tumanggap ng kanyang Certificate of Condonation with Release of Mortgage mula kay Pangulo Marcos Jr., na nagkansela ng kanyang kabuuang utang na Php 241,968.86.

“Lubos po akong nagpapasalamat sa pamunuan ng DAR, kay Kalihim Conrado M. Estrella III at higit sa lahat kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para sa programang ito na nag-aalis ng aming mga utang sa lupang aming sinasaka,” wika ni Velasco.

Alinsunod ito sa Republic Act No. 11953, o ang New Agrarian Emancipation Act (NAEA), na nilagdaan bilang batas ni Pangulo Marcos Jr. noong Hulyo 7, 2023, na nag-aatas ng pagkakansela ng lahat ng hindi pa nababayarang amortisasyon, interes, at surcharge ng mga ARBs mula sa mga lupang pansakahan na ipinagkaloob ng DAR.

“Ang pera na nakalaan sana rito ay maaari na ninyo pong gamitin sa pang-araw-araw at ibang pangangailangan sa inyong pagsasaka. Wala na po kayong alalahanin, maging ang mga susunod pang magmamana ng lupang inyong sinasaka. Ngayon po ay may panibagong pagkakataon na kayo upang mapaunlad ang inyong mga kabuhayan at ang inyong mga pamilya,” ani Pangulong Marcos Jr.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11953, layunin ng DAR na makinabang ang higit sa 600,000 ARBs mula sa batas na ito, na sumasaklaw sa mahigit 1.7 milyong ektarya ng lupang pansakahan sa buong bansa.