📅

Agrarian Reform Beneficiary Edwin Acoy during his guest appearance on “DAR sa DZRH,” aired every Saturday at 8:00 AM. (Screengrab from DZRH News official Facebook page)

His face, etched with lines of experience and reflecting a quiet resilience and passion that refuses to be dimmed, Edwin Acoy, a farmer from Barangay Panitian, Sofronio Espanola, Palawan, stands as living proof of how the Department of Agrarian Reform (DAR) is transforming lives and empowering Filipino farmers.

Acoy recently shared his inspiring journey on the radio show “DAR sa SOS” hosted by Henry Uri. His story began when he received 2.5 hectares of land under the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), a pivotal moment that changed his life.

“When I received the land, I immediately began cultivating it with coconuts, bananas, and vegetables,” Acoy recalled. He also dedicated a portion of his land to rice production, significantly contributing to his family’s food supply.

Edwin Acoy in his farmland.

Despite the challenges of farming, including threats posed by natural disasters, Acoy remains steadfast in his commitment. “Farming life is difficult, especially when natural disasters strike. But we farmers are resilient. No matter what the storm brings, we keep going because farming is the primary source of food for everyone,” he said.

Acoy’s journey highlights the vital role of DAR’s support in his success. He received not only land but also essential training and sustainable livelihood assistance. DAR provided him with livestock farming opportunities, irrigation systems, and modern farming machinery, all of which have significantly improved his productivity.

A key component of his success was DAR’s organic farming training. “Organic farming has helped reduce our costs by minimizing the use of chemical inputs. It has made our operations more sustainable and cost-effective,” he explained.

Edwin Acoy in his farmland.

To protect farmers from financial setbacks caused by natural calamities, Acoy and his fellow agrarian reform beneficiaries were also enrolled in the Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC). “This insurance allows us to recover our expenses when disasters hit. It’s a lifeline,” Acoy shared.

A major turning point for Acoy experienced was through the Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project. The program provided individual land titles, giving him a sense of ownership and security. “Before, we shared only one title for the entire land, but now, with individual titles, we have a sense of ownership and security. This individual title gives me the confidence to invest in the land and ensure its long-term success,” he expressed with gratitude.

When asked why he continues farming despite its hardships and risks, Acoy answered with conviction, “If we don’t have farmers, who will feed the people? Farming is essential for all of us. We must teach the youth the importance of agriculture because, without it, many people will go hungry.”

Acoy emphasized the importance of perseverance and resilience in farming, as he encouraged his fellow farmers to maximize the support and training provided by the DAR to improve their farms.

“The government is here to support us. We must use what we’ve learned to overcome challenges,” he urged.

Through his unwavering determination and DAR’s comprehensive support, Acoy has transformed obstacles into opportunities for growth and sustainability. His story is a powerful testament to the transformative impact of agrarian reform on the lives of Filipino farmers.

As he continues his journey, his message remains clear: “We should not leave the land idle. As beneficiaries, we must cultivate, protect, and maximize its potential. The government worked hard to give us this land, and it is our responsibility to ensure that it benefits our families and future generations.”

Edwin Acoy’s journey serves as an inspiration to farmers nationwide, proving that with hope, resilience, and the right support, challenges can be turned into success.

Isang Paglalakbay ng Pag-asa at Katatagan ng Isang Magsasaka sa Tulong ng DAR

Bakas sa kanyang mukha ang nakaukit na mga linya ng karanasan at sumasalamin sa tahimik na katatagan at pananabik na hindi matitinag, si Edwin Acoy, isang magsasaka mula sa Barangay Panitian, Sofronio Espanola, Palawan, ay buhay na patunay kung paano binabago ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga buhay at binibigyang kapangyarihan ang mga magsasakang Pilipino.

Ibinahagi kamakailan, ni Acoy ang kanyang nakaka-inspire na kwento sa radio show na “DAR sa SOS” na pinangungunahan ni Henry Uri. Nagsimula ang kanyang kwento nang matanggap niya ang 2.5 ektaryang lupain sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), isang mahalagang sandal na nagpabago ng kanyang buhay.

“Nang matanggap ko ang lupa, agad ko itong sinimulang taniman ng niyog, saging, at gulay,” pagbabalik-tanaw ni Acoy. Naglaan din siya ng bahagi ng kanyang lupain para sa pagtatanim ng palay, na malaki ang naitulong sa pagkain ng kanyang pamilya.

Sa kabila ng mga pagsubok sa pagsasaka, kabilang ang mga banta ng mga natural na kalamidad, nananatiling matatag si Acoy sa kanyang pangako. “Mahirap ang buhay magsasaka, lalo na kapag may mga kalamidad, Pero kaming, mga magsasaka, ay matatag. Kahit ano pa ang hatid ng bagyo, magpapatuloy kami dahil ang pagsasaka ang pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng lahat,” aniya.

Itinatampok ng paglalakbay ni Acoy ang mahalagang papel ng suporta ng DAR sa kanyang tagumpay. Hindi lamang lupa ang kanyang natanggap kundi pati na rin ang mahahalagang pagsasanay at suporta sa pangkabuhayan. Binigyan siya ng DAR ng mga pagkakataon sa pag-aalaga ng hayop, sistema ng patubig, at makabagong makinarya sa pagsasaka na lubos na nagpalakas ng kanyang ani.

Isa sa mga susi ng kanyang tagumpay ay ang pagsasanay sa organikong pagsasaka na ibinigay ng DAR. “Nakatulong ang organikong pagsasaka na mabawasan ang aming gastos sa pamamagitan ng pagpigil sa paggamit ng kemikal. Mas napanatili at mas epektibo ang paggastos ng aming operasyon,” paliwanag niya.

Upang maprotektahan ang mga magsasaka mula sa pagkalugi dulot ng mga natural na kalamidad, si Acoy at ang kanyang kapwa agrarian reform beneficiaries ay nakatala sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC). “Ang insurance na ito ang nagbibigay sa amin ng kakayahang mabawi ang aming gastos kapag may dumating na mga kalamidad. Isa itong lifeline,” pagbabahagi ni Acoy.

Isa sa pinakamalaking pagbabagong naranasan ni Acoy ay sa pamamagitan ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project. Ang programang ito ay nagbigay ng mga indibidwal na titulo ng lupa na nagbigay sa kanya ng pakiramdam ng pagmamay-ari at seguridad. “Dati, isang titulo lang ang ipinagkaloob sa amin para sa buong lupa, pero ngayon, sa mga indibidwal na titulo, may pakiramdam kami ng pagmamay-ari at seguridad. Ang indibidwal na titulong ito dahil nagbibigay sa akin ng kumpiyansa na mamuhunan sa lupa at tiyakin ang pangmatagalang tagumpay nito,” ani Acoy na puno ng pasasalamat.

Nang tanungin kung bakit patuloy siyang nagsasaka sa kabila ng hirap at panganib, sumagot si Acoy ng may pananalig, “Kung wala tayong magsasaka, sino ang magpapakain sa mga tao? Ang pagsasaka ay mahalaga para sa ating lahat. Dapat nating ituro sa mga kabataan ang kahalagahan ng agrikultura dahil kung wala ito, maraming tao ang magugutom.”

Binigyang-diin ni Acoy ang kahalagahan ng pagtitiyaga at katatagan sa pagsasaka, habang hinikayat ang kanyang kapwa magsasaka na gamitin ng lubusan ang suporta at natutunan sa pagsasanay na ipinagkaloob ng DAR upang mapabuti ang kanilang mga sakahan.

“Nandito ang gobyerno para suportahan tayo. Kailangang gamitin natin ang ating mga natutunan upang malampasan ang mga pagsubok,” udyok niya.

Sa pamamagitan ng hindi natitinag na determinasyon at komprehensibong suporta ng DAR, nagawang gawing oportunidad ni Acoy ang mga hamon para sa paglago at pagpapanatili ng kabuhayan. Ang kanyang kwento ay isang makapangyarihang patunay sa epekto ng repormang agraryo sa buhay ng mga magsasakang Pilipino.

Habang nagpapatuloy sa kanyang paglalakbay, nananatiling malinaw ang kanyang mensahe: “Huwag nating hayaang nakatiwangwang ang lupa. Bilang mga benepisyaryo, dapat natin itong pangalagaan, linangin, at gamitin sa tama ang potensyal nito. Pinaghirapan ng gobyerno na maibigay ang lupang ito sa atin, at tungkulin nating tiyakin na pakikinabangan ito ng ating mga pamilya at mga susunod na henerasyon.”

Ang paglalakbay ni Edwin Acoy ay isang inspirasyon sa mga magsasaka sa buong bansa, na nagpapatunay na sa pamamagitan ng pag-asa, katatagan, at tamang suporta, ang mga hamon ay maaaring maging daan sa tagumpay.