📅
Iloilo City — The Department of Agrarian Reform (DAR) has conducted an orientation and learning session to equip the CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program) Infrastructure Monitoring and Evaluation focal persons with the tools and knowledge needed to effectively manage farm-to-market road (FMR) projects in the rural areas.
DAR Support Services Office Undersecretary Rowena Niña O. Taduran said the activity is in support of President Ferdinand R. Marcos Jr.’s commitment to build and maintain FMRs in rural areas to strengthen the agricultural sector and ensure food security, as she also highlighted the impacts of these projects, particularly during challenging weather.
“Farm-to-market roads are not just pathways; they become lifelines for agrarian reform beneficiaries (ARBs), especially during typhoons, ensuring vital access to markets even in adverse conditions,” she said.
The activity brought together participants from regions CAR, I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, and VI in Iloilo City, where they explored the National FMR Road Networks Plan and reviewed key aspects of FMR implementation.
The discussion also included an overview of the memorandum of agreement with the Department of Public Works and Highways and Local Government Units, the responsibilities of focal persons at the provincial and regional levels, and reporting requirements.
Western Visayas Regional Director Leomides R. Villareal underscored the vital role that infrastructure projects play in connecting agricultural lands granted to ARBs to various markets and trading centers.
“These roads are essential for ARBs, making it easier and faster for farmers to distribute their produce and enhance their livelihoods,” he said.
Through the CARP infrastructure projects, DAR continues to uphold its mission to deliver essential support services, strengthen the agrarian sector, and facilitate better livelihoods for the ARBs nationwide.
DAR tinitiyak ang maasahang farm-to-market road para sa mga magsasaka
📅
Iloilo City — Nagsagawa ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng orientation at learning session upang mas lalong magkaraoon ng kaalaman ang mga CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program) Infrastructure Monitoring and Evaluation focal persons na kailangan upang mas epektibong mapamahalaanan ang mga proyektong farm-to-market roads (FMRs) sa kanayunan.
Sinabi ni DAR Support Services Office Undersecretary Rowena Niña O. Taduran na ang aktibidad ay bilang suporta sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpagawa at mapanatili ng mga FMR sa kanyunan upang palakasin ang sektor ng agrikultura at matiyak ang seguridad sa pagkain, habang binigyang-diin din niya ang epekto ng mga proyektong ito, lalo na sa panahon ng tag-ulan.
“Ang mga farm-to-market roads ay hindi lamang kalsada; nagiging taga-salba ng buhay ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs), lalo na kapag may bagyo, kung saan naseseguro nito ang mga daanan patungo sa pamilihan kahit na sa masamang kondisyon ng panahon,“ aniya.
Pinagsama-sam ng aktibidad na ito ang mga kalahok mula sa mga rehiyon ng CAR, I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, at VI sa Iloilo City, kung saan kanilang ginalugad ang National FMR Road Networks Plan at sinuri ang mga pangunahing aspeto ng pagpapatupad ng FMR.
Kasama ring tinalakay ang pangkalahatang-ideya ng memorandum of agreement sa Department of Public Works and Highways at Local Government Units, mga resposibilidad ng mga focal persons sa antas ng lalawigan at rehiyon, at mga kinakailangan sa pag-uulat.
Binigyang diin din ni Western Visayas Regional Director Leomides R. Villareal ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga proyektong pang-imprastraktura sa pagkonekta ng mga lupaing ipinagkakaloob sa mga ARB tungo sa iba’t ibang pamilihan at sentro ng kalakalan.
“Ang mga kalsadang ito ay mahalaga sa ating mga ARBs, dahil pinadadali at pinabibilis nito ang paghataid ng mga produkto ng mga magsasaka na nakatutulong sa kanilang mga kabuhayan,” aniya.
Sa pamamagitan ng CARP infrastructure projects, naipagpapatuloy ng DAR ang misyon nito na makapaghatid ng mga mahalagang suportang serbisyo, mapalakas ang sektor ng agraryo at makapagkaloob ng mas magandang pangkabuhayan sa mga ARB sa buong bansa.