đź“…
Officials from the Department of Agrarian Reform (DAR) and delegates from the Internet of Things (IoT) Conference explored and interacted on October 28, 2024, for possible improvement of the agency’s information technology (IT) and digitalization program.
Jesry T. Palmares, Undersecretary for Foreign Assisted and Special Projects Office (FASPO) welcomed the IoTCon delegates headed by Arnold Bagabaldo, Chief Executive Officer (CEO) and President of Packetworx held at the DAR central office.
“With this possible collaboration, the DAR will be able to learn more about updating our digitalization system, data gathering, accessibility, and better internet connection,” Palmares said.
He disclosed that after parcelization of land titles, the DAR will be moving forward to the provision of support services to the agrarian reform beneficiaries (ARBs), and ARB organizations.
“We have at least 8,110 organizations in the country and about 2,700 agrarian reform communities. With this possible partnership, the DAR will be guided with the latest trends, innovations, and technologies through the use of IT applications that will help the farmers become more efficient in the cultivation and modernization of the farms provided by the DAR,” Palmares said.
Bagabaldo on the other hand said Packetworx is the first and only connectivity provider for the Internet of Things in the Philippines and they visited the DAR as part of their IoTCon 2024 scheduled on October 29-30 to showcase innovative IoT solutions and promote digital transformations across the country.
With the theme “Connected Ecosystem in Building the IoT-Ready Philippines,” IoTCon 2024 seeks to bring together industry professionals, government representatives, and global IoT stakeholders to foster collaboration and explore connected technologies.
“We see us as enablers to make the Philippines competitive. We interact a lot with the academe, and the government agencies to enable our future scientists and engineers to be equipped with the new technologies, and familiarize themselves on how they can use technology and improve their practices using the new processes,” Bagabaldo said.
The group was also joined by Alper Yegin, CEO of LoRA Alliance, Henry Huang, CEO of Browan, Yann Bauduin, Chief Sales Officer of Kerlink, Neil Carey, Vice President of EMEA and PAC, Multitech, Lim Perng, Head of Sales, APAC, Netmore, and Anicet Giamo, Head of LPWAN Product Marketing, STMicro.
DAR binuksan ang usapan tungkol sa IoT
đź“…
Nakipag-ugnayan ang mga opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) at mga delegago mula sa Internet of Things (IOT) Conference noong Oktubre 28, 2024, para sa posibleng pagpapabuti ng information technology (IT) at programa sa digitalization ng ahensya.
Malugod na tinanggap ni Jesry T. Palmares, Undersecretary for Foreign Assisted and Special Projects Office (FASPO) ang mga delegado ng IoTCon sa pamumuno ni G. Arnold Bagabaldo, Chief Executive Officer (CEO) at Presidente ng Packetworx na ginanap sa DAR central office.
“Sa posibleng pakikipagtulungang ito, mas matututo ang DAR sa pag-update ng aming digitalization system, data gathering, accessibility at mas mahusay na internet connection,” ani Palmares.
Ibinunyag niya na pagkatapos ng paghahati-hati ng mga titulo ng lupa, susulong na ang DAR sa pagbibigay ng suportang serbisyo sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs), at ARB organizations.
“Mayroon tayong hindi bababa sa 8,110 organisasyon sa bansa at humigit-kumulang 2,700 agrarian reform communities. Sa posibleng partnership na ito, magagabayan ang DAR sa mga pinakabagong mga gawain, inobasyon at teknolohiya sa pamamagitan ng paggamit ng IT applications na tutulong sa mga magsasaka na maging mas mahusay sa paglilinang at modernisasyon ng kanilang mga sakahan na ipinagkaloob ng DAR,” ani Palmares.
Sinabi naman ni Bagabaldo na ang Paketworx ay ang una at tanging connectivity provider para sa Internet of Things sa Pilipinas at bumisita sila sa DAR bilang bahagi ng kanilang IoTCon 2024 na nakatakdang isagawa mula Oktubre 29-30 upang ipakita ang mga makabagong solusyon sa IoT at isulong ang mga digital na pagbabago sa buong bansa.
Sa temang “Connected Ecosystem in Building the IoT-Ready Philippines,” layunin ng IoTCon 2024 na pagsama-samahin ang mga propesyonal sa industriya, kinatawan ng pamahalaan, at pandaigdigang stakeholder ng IoT upang pasiglahin ang pakikipagtulungan at tuklasin ang mga konektadong teknolohiya.
“Nakikita namin ang aming mga sarili bilang magpapagana upang maging mapagkumpitensya and Pilipinas sa larangan ng teknolohiya sa internet. Kami ay nakikipag-ugnayan sa akademya, at sa mga ahensya ng pamahalaan upang bigyang-daan ang mga hinaharap na siyentipiko at inhinyero sa mga bagong teknolohiya, at maging pamilyar sila kung paano nila magagamit ang teknolohiya at pagbutihin ang kanilang mga gawi ayon sa mga bagong proseso,” ani Bagabaldo.
Ang grupo ay sinamahan din nina Alper Yegin, CEO ng LoRA Alliance, Henry Huang, CEO ng Browan, Yann Bauduin, Chief Sales Officer ng Kerlink, Neil Carey, Vice President ng EMEA at PAC, Multitech, Lim Perng, Head of Sales, APAC , Netmore, at Anicet Giamo, Pinuno ng LPWAN Product Marketing, STMicro.