đź“…
Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella has urged everyone to help promote the products of agrarian reform beneficiaries (ARBs) to be globally competitive during the opening of the four-day Agraryo Trade Fair at the Department of Agrarian Reform (DAR) Central Office in celebration of the International Rural Women’s Day and Rural Women’s Month.
“Let us help promote the products of our ARBs not only for local consumption but also globally. The DAR has allocated funds for training so that they can improve their products for it to be competitive and marketable not only locally but also around the world,” Estrella said.
Estrella emphasized the importance of establishing local and global networks in a bid to help the ARBs promote and sell their products through the DAR’s value chain system where the agency helps the ARBs from land to material sourcing, production, credit assistance, product processing, consumption and marketing assistance.
DAR Undersecretary for Support Services Rowena Niña Taduran said the Trade Fair showcasing the various food and non-food products of the ARBs is a platform to celebrate not only the spirit of agriculture but also the vital contributions of ARB organizations in the collective mission to ensure food security.
“As we embark on this journey together, we recognize that these organizations play a crucial role in transforming our agricultural landscape,” Taduran said.
She said that through innovation, collaboration, and resilience, the DAR empowers farmers and communities, to foster sustainable practices that enhance productivity and promote food sovereignty.
Taduran disclosed that the fair is not just a showcase of the ARBs products, but a testament to the strength of commitment to uplifting the lives of farmers.
“Let us engage, learn, and inspire one another as we work towards a future where everyone has access to safe and nutritious food. Let us help each other towards a sustainable livelihood farming to finally uplift their way of life,” she ended.
The opening ceremony of the Agraryo Trade Fair held on October 15, 2024, was also graced by Atty. Holy T. Ampaguey, head of Legal and Compliance of DITO Telecommunity, Atty Niño Martin Cruz, DITO Regulatory and Government Affairs Manager, Engr Dennis Martel SM Supermalls Regional Program Manager Government Institutional Services, Royston Cabunag, AVP for MSME, Job Fairs and Gov’+ Services of the SM Supermalls, Ken Filarca CEO, El Kapetan, from the Office of Quezon City Mayor Joy Belmonte represented by Ollie Belmonte, Action Officer for District 1 and Tina Perez, Executive Officer (Urban Farming) as special guests.
Estrella itinaas ang kalidad ng mga produkto ng ARB para sa pandaigdigang kompetisyon
đź“…
Hinimok ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella ang lahat na tumulong sa pagsusulong ng mga produkto ng agrarian reform beneficiaries (ARBs) para ito ay maging globally competitive sa pagbubukas ng apat na araw na Agraryo Trade Fair sa Department of Agrarian Reform (DAR) Central Office bilang pagdiriwang ng International Rural Women’s Day at Rural Women’s Month.
“Tulungan nating isulong ang mga produkto ng ating mga ARB hindi lamang para sa lokal na pagkonsumo kundi pati na rin sa buong mundo. Ang DAR ay naglaan ng pondo para sa mga pagsasanay upang mapagbuti nila ang kanilang mga produkto para ito ay maging competitive at mabenta hindi lamang sa lokal kundi maging sa buong mundo,” ani Estrella.
Binigyang-diin ni Estrella ang kahalagahan ng pagtatatag ng mga lokal at pandaigdigang network sa hangarin na tulungan ang mga ARB na isulong at ibenta ang kanilang mga produkto sa pamamagitan ng value chain system ng DAR kung saan tinutulungan ng ahensya ang mga ARB mula sa lupa hanggang sa paghahanap ng mga kinakailangang materyal, produksyon, tulong sa pautang, pagproseso ng produkto, pagkonsumo at tulong sa pagbebenta.
Sinabi ni DAR Undersecretary for Support Services Rowena Niña Taduran na ang Trade Fair na nagpapakita ng iba’t ibang pagkain at hindi pagkaing produkto ng ARBs ay isang plataporma upang ipagdiwang hindi lamang ang diwa ng agrikultura kundi pati na rin ang mahahalagang kontribusyon ng mga organisasyon ng ARB sa sama-samang misyon na tiyakin ang seguridad sa pagkain.
“Habang sama-sama nating sinisimulan ang paglalakbay na ito, kinikilala natin na ang mga organisasyong ito ay may mahalagang papel sa pagbabago ng ating tanawin ng agrikultura,” ani Taduran.
Sinabi niya na sa pamamagitan ng inobasyon, pagtutulungan, at katatagan, binibigyang kapangyarihan ng DAR ang mga magsasaka at komunidad, upang itaguyod ang mga napapanatiling mga gawain na nagpapahusay sa produktibidad at nagtataguyod ng kalakasan ng pagkukunan ng pagkain.
Ibinunyag ni Taduran na ang fair ay hindi lamang isang pagpapakita ng mga produkto ng ARBs, ngunit isang testamento ng lakas ng pangako sa pag-angat ng buhay ng mga magsasaka.
“Makisali, matuto, at magbigay-inspirasyon tayo sa isa’t isa habang nagsusumikap tayo patungo sa hinaharap kung saan ang lahat ay may access sa ligtas at masustansyang pagkain. Magtulungan tayo tungo sa isang napapanatiling gawaing pangkabuhayan sa pagsasaka upang tuluyang maiangat ang kanilang pamumuhay,” pagtatapos niya.
Ang opening ceremonies na ginanap noong Oktubre 15, 2024 ay dinaluhan din nina Atty. Holy T. Ampaguey, Head of Legal and Compliance ng DITO Telecommunity, Atty Niño Martin Cruz, DITO Regulatory and Government Affairs Manager; Engr Dennis Martel SM Supermalls Regional Program Manager Government Institutional Services, Royston Cabunag, AVP for MSME, Job Fairs and Gov’+ Services ng SM Supermalls, Ken Filarca CEO, El Kapetan, Ollie Belmonte, Action Officer for District 1 at Tina Perez, Executive Officer (Urban Farming) kinatawan mula sa Office of Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang mga espesyal na panauhin.