📅
WOMEN empowerment is at its best as female farmers will take the centerstage in a poverty alleviation and food security project the Department of Agrarian Reform (DAR) has recently forged with a foreign donor.
DAR Secretary Conrado Estrella III said the project, dubbed as the Value-Chain Innovation for Sustainable Transformation in Agrarian Reform Communities (VISTA), seeks to address the main causes of rural poverty and create economic opportunities for its target beneficiaries of 70,000 smallholder households, about 350,000 individuals, half of them are women.
Besides reducing poverty and increasing food production, “this project holds a powerful vision for women’s empowerment in the Philippines,” Estrella said.
The DAR chief said rural poverty exists because of poor agricultural practices, weak producer organizations, lack of infrastructure, and poor access to markets and finance.
“This is what we wanted to address through the VISTA, a six-year project spearheaded by the DAR in partnership with the International Fund for Agricultural Development. It has a total funding of US$112.82 million, roughly estimated at P6.2 billion,” he pointed out.
VISTA will be implemented starting in January next year in 112 agrarian reform communities (ARCs) spread over the six provinces of Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga and Mountain Province, and the four provinces of Soccskargen: North Cotabato, South Cotabato, Sarangani, and Sultan Kudarat.
The project places more premium on women’s participation as indicated in the breakdown of the target beneficiaries: 50 percent women, 30 percent indigenous peoples, and 20 percent the youth.
Estrella said the project’s major concern is to increase income and employment and improve climate resiliency of target groups in fragile upland areas through the strengthening of inclusive value chains and conservation and sustainable use of natural resources.”
He said the idea is to rally all target beneficiaries to work collectively throughout the whole cycle of production, from the acquisition of farm inputs up to marketing of their harvests.
“By buying farm inputs in volume, it enables our agrarian reform beneficiaries’ organizations (ARBOs) to acquire them at a discounted rate, while selling their produce collectively allows them to meet the volume requirements of a particular business entity and demand for fair market value,” Estrella said.
Estrella said the project initially focuses on two major crops, coffee and cacao, which have high market demand and suitability for upland farming.
“Ultimately, we intend to develop it into integrating farming system, involving other cash crops, such as root crops, vegetables, chayote, and nut trees, among others, to attain food security and livelihood resilience and improved nutrition,” he stressed
“But first thing first. We need to improve our target beneficiaries’ social capital. We’ve got to organize them cohesively,” he added.
In its December 2020 comprehensive report, “The Role of ARBOs in Agriculture Value Chain,” the Philippines Institute for Development Studies says: “Many farmer organizations in the country have a low level of organizational maturity and are mainly formed to access funding.”
Mga kababaihang magsasaka magigigng sentro sa proyekto ng DAR laban sa kahirapan at kagutuman
📅
MAMAYAGPAG ang lakas ng mga kababaihan sa proyekto laban sa kahirapan at kagutuman na napagkasunduan sa pagitan ng Department of Agrarian Reform (DAR) at ng isang foreign donor.
Sinabi ni DAR Secretary Conrado Estrella III na hangad ng proyektong tinaguriang Value-Chain Innovation for Transformation in Agrarian Reform Communities (VISTA) na tugunan ang mga pangunahing dahilan ng kahirapan sa kanayunan at lumikha ng mga oportunidad pang-ekonomiya para sa 70,000 target na benepisyaryo na kinabibilangan ng 350,000 katao, kalahati rito ay mga kababaihan.
Bukod sa hangaring pababain ang antas ng kahirapan at pasaganain ang ani, maganda ang pananaw ng naturang proyekto para sa lakas ng mga kababaihan sa buong bansa ng Pilipinas,” ani Estrella.
Ayon sa kalihim ng DAR, umuusbong ang kahirapan dahil sa maling pamamaraang pansakahan, mahinang lupon ng mga magsasaka, kakulangan ng imprastraktura at kawalan ng pagbabagsakan ng ani at mauutangan ng pangpuhunan.
“Ang mga ito ang nais nating tugunan sa pamamagitan ng VISTA, isang anim-na-taong proyekto na isinusulong ng DAR sa tulong ng International Fund for Agricultural Development. Ito ay may kabuuang pondo na nagkakahalagang US$112.82 milyon, katumbas halos ng P6.2 bilyon,” ani Estrella.
Ipatutupad ang VISTA simula Enero ng susunod na taon sa 112 agrarian reform communities (ARCs) na matatagpuan sa anim na lalawigan ng Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province; at apat na lalawigan ng Soccsksargen: North Cotabato, South Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat.
Binibigyan ng labis na pagpapahalaga ang partisipasyon ng mga kababaihan sa naturang proyekto: 50 porsiento kababaihan, 30 porsiento indigenous people at 20 porsiento mga kabataan.
Ipinagdiinan ni DAR Secretary Estrella na layunin ng proyekto na pataasin ang kita at trabaho sa kanayunan, pagtibayin ang katatagan sa klima ng mga target na benepisyaryo sa upland areas sa pamamagitan ng pagpapalakas ng inclusive value chain at conservation at makabuluhang paggamit ng mga natural na yaman ng bansa.
Magagawa aniya ang mga ito sa pamamagitan ng paghikayat sa mga target na benepisyaryo na makilahok sa sama-samang pagkilos sa kabuuang daloy ng pagsasaka, mula sa pamimili ng mga farm inputs hanggang sa pagbebenta ng mga ani.
“Sa pamimili ng farm inputs ng maramihan, malaking tulong ito sa mga agrarian reform beneficiaries’ organizatios (ARB0s) na makakuha ng malaking diskuwento at makahirit naman ng makatwirang presyo kung pagsasamahin ang mga ani ng lahat ng mga kasapi ng ARBOs upang matumbasan ang volume requirements ng isang nagmamay-ari ng negosyo,” saad ni Estrella.
Sinabi ni Estrella na nakasentro sa simula ang proyekto sa dalawang pangunahing tanim, kape at cacao, na may malaking demand sa larangan ng kalakalan at tugmang-tugma sa pagsasaka sa bundok.
“Pagkaraan, nais nating ituloy ito sa ‘integrating farming system,’ kabilang ang mga cash crops tulad ng root crops, gulay, sayote at nut trees at iba pa upang makamit natin ang seguridad sa pagkain, katatagan sa pangkabuhayan at maayos na nutrisyon,” diin niya.
“Ngunit una muna ay kailangan nating pagbutihin ang panglipunang kapital ng ating mga target na benepisyaryo. Kailangan natin ayusin ang mga ito nang magkakaugnay,” aniya.
Sa komprehensibong ulat na isinagawa ng Philippines Institute for Development Studies noong Disyembre 2020 na pinamagatang “The Role of ARBOs in Agriculture Value Chain,” marami sa mga organisasyon ng mga magsasaka na batang-bata pa pagdating sa kakayahan at karamihan ay nabuo lamang upang mabigyan ng pagkakataon sa pagpauutang.