📅
More than ₱ 939 million of farmers’ debt in Soccsksargen region were condoned after President Ferdinand R. Marcos Jr. distributed 13,527 Certificates of Condonation with Release of Mortgages (CoCRoM) on Thursday, December 5, 2024, at Sarangani National Sports Center in Alabel, Sarangani.
Accompanying the President is the Department of Agrarian Reform (DAR) led by Secretary Conrado M. Estrella III, issued CocRoM benefitting 11,699 agrarian reform beneficiaries (ARBs), with agricultural lands of more than 21,000 hectares from the provinces of Sarangani, South Cotabato, North Cotabato and Sultan Kudarat.
Marcos said that for many years the government has not addressed the farmers’ plight of paying their lands, and because of this, his administration prioritizes the condonation of debts they incurred on their agricultural lands.
“Ngayong araw na ito ang katuparan ng mga pagpapawalang bisa ng inyong mga utang at kami ay narito upang mamahagi ng mga CLOA, e-title at CoCRoM,” he said.
CoCRoM fulfills the mandate of Republic Act No. 11953, or the New Agrarian Emancipation Act (NAEA), which was signed by the President on July 7, 2023, erasing all loans, including interests, penalties, and surcharges incurred by ARBs from land awarded to them under Presidential Decree 27, RA 6657, and RA 9700.
The law covers more than 1.7 million hectares of agrarian reform lands nationwide, and around 610,054 farmers benefitting to make them debt-free from the P57.65 billion agrarian arrears.
Of the 13,527 CoCRoM, 2,828 certificates were distributed to 2,512 ARBs from the province of Sarangani, covering 5,127.45 hectares of land canceling a total of ₱215,136,692 loans. In North Cotabato, 3,270 certificates were distributed to 2,906 ARBs covering 4,605.34 hectares of land and condoned a ₱159,129,874 loan.
The President also distributed 4,805 certificates to 3,864 ARBs from the province of South Cotabato, covering 7,022.30 hectares of land canceling a total of ₱447,779,743 loan. In Sultan Kudarat, 2,624 certificates were distributed to 2,427 ARBs, covering 4,343.55 hectares, with ₱117,059,026 of loans condoned.
Rudy Mamdod, one of the CoCRoM recipients from Sarangani, expressed his gratitude to the President and the DAR because this condonation helped their families lessen their financial burdens.
“May ₱ 259,000 pa akong utang sa aking lupa. Napakalaking bagay na hindi ko na ito kailangang bayaran at ang pera na dapat kong ibayad dito ay magagamit ko na para sa aking pamilya at sa pagpapayaman ng aking bukirin,” he said.
During the event, Marcos also awarded 1,251 land titles to 1,252 ARBs covering 2,174.52 hectares of land in Sarangani.
This activity is the first CoCRoM distribution in this region and the second highest condonation of ARBs’ debt. So far, the highest condonation occurred in the Cagayan region where it erased a total of ₱ 1.164 billion in debts.
Pamahalaan pinatawad ang halos ₱1 bilyong utang ng mga magsasaka sa Soccsksargen
Mahigit ₱ 939-milyong utang ng mga magsasaka sa rehiyon ng Soccsksargen ang napatawad pagkatapos mamahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng 13,527 Certificates of Condonation with Release of Mortgages (CoCRoM) noong Huwebes, Disyembre 5, 2024, sa Sarangani National Sports Center sa Alabel, Sarangani.
Kasama ng Pangulo ang Department of Agrarian Reform (DAR) na pinangungunahan ni Secretary Conrado M. Estrella III, na nag-isyu ng CocRoM na pakikinabangan ng 11,699 agrarian reform beneficiaries (ARBs), na may 21,000 ektaryang lupaing agrikultural mula sa mga lalawigan ng Sarangani, South Cotabato, North Cotabato at Sultan Kudarat.
Sinabi ni Marcos na sa mga nagdaang taon, hindi pa natutugunan ng pamahalaan ang suliranin ng mga magsasaka sa pagbabayad ng kanilang mga utang sa kanilang lupain, kung kaya’t binigyang prayoridad ng kanyang pamahalaan ang pagpapatawad sa kanilang mga tinamong utang sa lupain.
“Ngayong araw na ito ang katuparan ng mga pagpapawalang bisa ng inyong mga utang at kami ay narito upang mamahagi ng mga CLOA, e-title at CoCRoM,” aniya.
Tinutupad ng CoCRoM ang mandato ng Republic Act No. 11953, o ang New Agrarian Emancipation Act (NAEA), na nilagdaan ng Pangulo noong Hulyo 7, 2023, upang mawala ang lahat ng mga pautang, kabilang ang mga interes, multa, at surcharges na natamo ng mga ARB mula sa lupang iginawad sa kanila sa ilalim ng Presidential Decree (PD) 27, R.A. No. 6657, at R.A. No. 9700.
Sakop ng batas ang higit sa 1.7 milyong ektarya ng mga lupain sa repormang agraryo sa buong bansa, at humigit-kumulang 610,054 na magsasaka ang makikinabang dito, kung saan mapapatawad na ang P57.65 bilyon na utang pang-agraryo ng mga magsasaka.
Mula sa 13,527 CoCRoM, 2,828 sertipiko ay ipinamahagi sa 2,512 ARBs mula sa lalawigan ng Sarangani, na sumasakop sa 5,127.45 ektarya g lupa at nagbubura sa sa may kabuuang ₱215,136,692 utang. Sa North Cotabato, 3,270 sertipiko ang ipinamahagi sa 2,906 ARBs na may 4,605.34 ektarya at nagpapatawad sa ₱159,129,874 utang.
Namahagi rin ang ang Pangulo ng may 4,805 sertipiko sa 3,864 ARBs mula sa South Cotabato, na may 7,022.30 ektarya ng lupa na nagpapatawad sa ₱447,779,743 utang. Sa Sultan Kudarat, 2,624 sertipiko ang ipinamahagi sa 2,427 ARBs, na may 4,343.55 ektarya, at ₱117,059,026 ng pinatawad na utang.
Nagpahayag ng pasalamat si Rudy Mamdod, isa sa mga ARB mula sa Sarangani na tumanggap ng CoCRoM, sa Pangulo at sa DAR dahil malaking tulong ang kondonasyon sa kanila at kanilang mga pamilya dahil nabawasan na ang kanilang suliraning pampinansiyal.
“May ₱ 259,000 pa akong utang sa aking lupa. Napakalaking bagay na hindi ko na ito kailangang bayaran at ang pera dapat kong ibayad dito ay magagamit ko na para sa aking pamilya at sa pagpapayaman ng aking bukirin,” aniya.
Nagakaloob din si Marcos ng 1,251 titulo ng lupa sa 1,252 ARBs na may sakop na 2,174.52 ektarya sa Sarangani.
Ang aktibidad na ito ay ang kauna-unahang pamamahagi ng CoCRoM sa rehiyong ito at ang pangalawang may pinakamataas na kondonasyon sa utang ng mga ARB. Sa kasalukuyan ang pinakamataas na kondonasyon ay idinaos sa rehiyon ng Cagayan kung saan napatawad ang may kabuuang utang na ₱ 1.164 bilyon.