đź“…

Patuloy na umiigting ang pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa bansa dulot ng mabilisang pamamahagi ng indibidwal at bagong titulo ng mga lupang pansakahan simula nang manungkulang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong ika-1 ng Hulyo 2022.
Sinabi ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na nakapamahagi na ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng kabuuang 204,108 Certificates of Land Ownership Award (CLOAs), saklaw nito ang 248,090 ektaryang sakahan, sa 198,651 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa unang tatlong taong panunungkulan ni Pangulong Marcos Jr.
Itinuring ni Estrella na malaking tagumpay ng administrasyong Marcos Jr. ang biglaang pagtaas ng bilang ng mga nabiyayaan ng lupang pansakahan sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at seryoso ito na tapusin ang programa bago matapos ang termino nito sa Hunyo 2028.

Ang naitalang bilang ng nabiyayaan ng lupang pansakahan ay 11 beses ang dami kumpara sa 18,278 titulo, sumasaklaw sa 30,731 ektarya, na ipinamahagi sa 20,075 ARBs sa huling semestre ng dating administrasyon.
Sinabi ni Estrella na ang malaking pag-igi sa pamamahagi ng lupang pansakahan ay isang “magandang pangitain” habang ipinagdiriwang ng pamahalaan ngayong buwan ng Hunyo ang ika-37 anibersaryo ng CARP, binigyang buhay nang mapirmahan noong ika-10 ng Hunyo 1988 ang Republic Act No. 6657, tinagurian bilang Comprehensive Agrarian Reform Law. Nagkabisa ito makalipas ang limang araw.
“Maliwanag na testimonya ito ng ating determinasyon na pawiin ang kagutuman at kahirapan sa kanayunan dahil nagawa nating paramihin nang labis-labis ang bilang ng mga ARBs na bubungkal sa ating mga sakahan,” Estrella said.
“Mas maraming mga kamay na bubungkal ng ating mga sakahan, mas lalong lalago ang ating mga ani at bibilis ang pag-unlad sa kanayunan,” dagdag niya.
Sa ilalim naman ng proyektong Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT), nakapagpamudmud na sa 131,072 ARBs ng 138,562 e-CLOAs ang DAR na sumasaklaw sa 179,864 ektaryang sakahan sa loob din ng unang tatlong taong panunungkulang ng administrasyong Marcos Jr.
“Malaking bagay ito para sa ating mga ARBs dahil malaya na nilang mabubungkal ang kani-kanilang mga sakahan at makapagtatanim ng nais nilang mga pananim, bagay na hindi nila magawa noong pag-aari ng pangkalahatang kasapi ng organisasyong magsasasaka ang lupang naipamahagi na kontrolado naman ng kani-kanilang mga pamunuan,” diin ni Estrella.
“Higit sa lahat, tuluyan na nilang mararamdaman ang kani-kanilang mga karapatang bilang may-ari ng lupa,” dagdag pa niya.
Tinukoy din ng hepe ng DAR chief ang 65,546 mga bagong gawang e-CLOAs, saklaw ang 68,226 ektaryang sakahan, ang ipinamahagi sa 67,579 mga ARBs sa loob din ng nakalipas na tatlong taon, malaking karagdagan sa dumaraming magsasaka na maaaring humantong sa paglago ng mga ani tungo sa food self-sufficiency program ng pamahalaan.
Noong 2023, nakapamahagi ng 69,897 titulo, saklaw ang 84,044 ektaryang sakahan, sa 74,468 ARBs. Sumirit lalo ang dami nang naipamahaging titulo nitong nakalipas na taon kung saan 102,594 mga titulo, saklaw ang 126,822 ektaryang mga sakahan, ang iginawad sa 90,508 ARBs. (By: Richard B. Gallardo)