DARPO Quirino nagsagawa ng Serbisyong DAR-to-Door CLOA Distribution sa Quirino

AGLIPAY, Quirino - Noong Mayo 12, 2021, ipinagkaloob sa labinlimang (15) agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa mga barangay ng Guinalbin, Progreso, Villa Pagaduan at Villa Santiago sa bayan ng Aglipay, Quirino ang kanilang mga pinakamimithing Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) kabilang ang isang Emancipation Patent (EP) namay kabuuang sukat na 16.2044 ektarya. Ipinatupad ang naturang kaganapan alinsunod sa umiiral na alituntunin hinggil sa safety protocols.
 
Akma ito sa " Serbisyong DAR to DOOR" na aktibong isinusulong ng isang masigasig na lider sa katauhan ni Atty. John R. Castriciones. Samantala, inialay ng mga nakatanggap ng biyaya ang kanilang walang pasidlan na kagalakan at pasasalamat sa pamunuan ni Sec. John R. Castriciones katuwang ang DAR Region 02 sa ilalim ng liderato ni Regional Director Samuel S. Solomero at DARPO Quirino sa pangangasiwa naman ni Provinical Agrarian Reform Program Officer II Jessbeth G. Quidasol.
 
Dahil sa banta ng Corona Virus 19 (CoVid 19), sina OIC-Municipal Agrarian Reform Program Officer Cristeta D. Valdez, Agrarian Reform Program Officer I Evangeline Urata, Assistant Statistician Norlinda Jacinto at Surveyman Celso Agsalda ang mismo nagtungo sa mga bahay ng bawat benepisaryo upang iabot mismo ang titulo na kanilang pinapangarap.