DAR, BJMP muling lumagda ng isang kasunduan para sugpuin ang kagutuman sa bansa

TUGUEGARAO CITY – Ang Department of Agrarian Reform Region 02 (DARR02) sa pumumuno ni Regional Director Primo C. Lara at Bureau of Jail Management and Penology Region 02 (BJMP R02) sa liderato ni Jail Senior Superintendent (JSSUPT) Brendan O. Fulgencio ay nagsagawa ng muling paglalagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) patungkol sa programang Partnership Against Hunger and Poverty (PAHP) noong Pebrero 27 taong kasalukuyan sa DAR Regional Office compound, Carig Sur.

Lumagda ng kasunduan sina DARR02 RD Primo C. Lara at BJMP02 RD Brendan O. Fulgencio noong Pebrero 27, 2023 sa DARR02 coumound para mabigyan ng masusustansiyang pagkain ang mga bilango.

Ang layunin ng programang ito ay para makapagbigay ng karagdagang kita sa mga magsasakang Pilipino at makapaghatid ng sapat at masusustansiyang pagkain para sa mga bilango.  Hangarin rin nito ang masugpo ang kahirapan at kagutuman sa buong bansa.

 

Ayon kay RD Lara  ito ay isang pamamaraan upang patibayin at palakasin ang ugnayan ng dalawang ahensiya.

 

“Ako ay nagpapasalamat sa BJMP dahil napakalaking tulong nito para sa ating mga magsasaka upang mapabilis na madala sa merkado at maibenta ang kanilang ani para hindi abuting masira ang mga ito. Dahil dito, magkakaroon ng karagdagang kita ang ating mgsasaka. Makakasiguro ang BJMP na sariwa at bago ang mga ani ng aming mga Agrarian Reform Beneficiaries” ani ni RD Lara.

 

“Ang tungkulin namin ay hindi lamang panatilihin ang kaligtasan ng mga mamamayan, tungkulin din naming makapag bigay ng masustansiyang pagkain para sa mga bilango upang sila ay mabigyan ng pag-asa na magkaroon ng bagong buhay. Higit sa lahat ay makakatulong kami sa mga magsasaka at magagamit ng maayos ang budget na nakalaan para sa pagkain ng mga kasama nating nabilango.” ani JSSUPT Fulgencio.

 

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din ni ARD for Administration Estrelita V. Go, OIC-CARPO, RPBDD Jenalyn F. Baleva, SARPO Alma N. Algeria, ARPO I Marites U. Allag, ARPO I Juana Angelie L. Calubaquib, COS Aby Martinez, JO1 Jan Meyrick Udanga, JO1 Lee Jem S. Jeremy Ramos, JO2 Joy Lerraine D. Gulay at JO3 Eric D. Gumarad.

 

Isinulat ni COS Hertchee C. Tarrangco