đź“…

DAR officials turn over the P5M-worth Nexxus 1 Multi-Role Power Station to Gladilyn M. Terrobias, Manager of the DARBC. The power station will provide internet and electricity to the cooperative and the surrounding community.

Baler, Aurora – In a historic first for Aurora and Region III, the Department of Agrarian Reform (DAR) has turned over a P5-million mobile Multi-Role Power Station to the Dalugan Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative (DARBC) to support the Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) and the broader community in the area.

This is the only unit awarded in Region III, and one of the seven (7) distributed nationwide, marking a major milestone for Agrarian Reform Communities (ARCs) in the province.

DAR officials turn over the P5M-worth Nexxus 1 Multi-Role Power Station to Gladilyn M. Terrobias, Manager of the DARBC. The power station will provide internet and electricity to the cooperative and the surrounding community.

The Nexxus 1 Multi-Role Power Station is a high-tech, dual-fuel generator equipped with satellite internet, an Android LCD monitor, a dual-band two-way radio system, and a 270-degree awning with walls. It is designed to power devices and support communication, making it ideal for remote and rural areas.

“Through this power station, the Agrarian Reform Beneficiary Organization (ARBO) can now provide electricity, internet and communication services—not just to its ARB members but to the whole community,” said Regional Director James Arsenio O. Ponce.

OIC Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II Josephine K. Aguinaldo expressed pride in Aurora being the sole recipient in the region, while Assistant Regional Director Atty. Odgie C. Cayabcab encouraged the cooperative to maximize its use for community development.

Gladilyn M. Terrobias, DARBC Manager, thanked DAR for their support and vowed to use the equipment wisely for the benefit of both the ARBO and local residents.

This initiative is part of DAR’s continuing mission to uplift ARBs by providing innovative tools to enhance livelihood, connectivity, and community resilience. (By: Resurreccion Arcaina with contributions from DAR Aurora)

ARBO sa Aurora tumanggap ng Php 5-M Power Station Mula sa DAR

Baler, Aurora – Sa kauna-unahang pagkakataon sa Aurora at buong Rehiyon III, ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang P5 milyong mobile Multi-Role Power Station sa Dalugan Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative (DARBC) upang suportahan ang Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) at buong komunidad sa lugar.

Ito ay kaisa-isang natanggap sa buong Region III, at isa sa pitong (7) yunit na ipinamamahagi sa buong bansa na isang mahalagang tagumpay para sa Agrarian Reform Communities (ARCs) sa lalawigan.

Ang Nexxus 1 Multi-Role Power Station ay isang makabagong power generator na gumagamit ng dalawang (2) uri ng gasolina. Mayroon itong satellite internet, Android LCD monitor, dalawang-way na radio system, at 270-degree na awning na may mga pader. Dinisenyo ito para makapagbigay ng kuryente at komunikasyon, lalo na sa mga liblib at rural na lugar.

“Sa pamamagitan ng power station na ito, makakapagbigay na ng kuryente, internet, at komunikasyon ang kooperatiba—hindi lang sa mga miyembro nito kundi pati sa buong komunidad,” ani Regional Director James Arsenio O. Ponce.

Ibinahagi ni OIC Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II Josephine K. Aguinaldo ang kanyang kasiyahan na ang Aurora ang napiling tumanggap ng yunit sa buong rehiyon, habang hinikayat naman ni Assistant Regional Director Atty. Odgie C. Cayabcab ang kooperatiba na gamitin ito nang maayos para sa kapakanan ng komunidad.

Nagpahayag ng pasasalamat si Gladilyn M. Terrobias, Manager ng DARBC, sa DAR at nangakong pangangalagaan at gagamitin nang tama ang kagamitan para sa ikabubuti ng kanilang mga miyembro at ng buong pamayanan.

Bahagi ito ng patuloy na hangarin ng DAR na tulungan ang mga ARBs sa pamamagitan ng makabagong kagamitan upang mapabuti ang kabuhayan, konektibidad, at katatagan ng mga komunidad.