📅

The Department of Agrarian Reform (DAR) turned over the 1.5-kilometer Collago to Lucgay Farm-to-Market Road (FMR) in Lagayan, Abra. The ₱24.56M project aims to enhance market access, improve transportation, and support over 1,170 households in the community.

Lagayan, Abra – The Department of Agrarian Reform (DAR) has turned over the newly completed 1.5-kilometer Collago to Lucgay Farm-to-Market Road (FMR), a ₱24.56 million project designed to improve agricultural mobility and economic access in the municipality of Lagayan.

The road, which began construction in July 2024, directly benefits more than 1,170 households by easing the transport of goods, improving access to markets, and supporting increased farm productivity.

The Department of Agrarian Reform (DAR) turned over the 1.5-kilometer Collago to Lucgay Farm-to-Market Road (FMR) in Lagayan, Abra. The ₱24.56M project aims to enhance market access, improve transportation, and support over 1,170 households in the community.

“This road is a huge help to our ARBs. Before, we struggled to transport our agricultural produce to trading centers, using just a narrow one-lane path,” shared Mario Montero Casibo, President of the Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) in Lagayan.

Now completed, the road is expected to spur economic activity and improve access to essential services for the 4,800 residents of Lagayan.

DAR Regional Director Samuel S. Solomero highlighted the DAR’s commitment to holistic rural development.

“DAR’s mission extends beyond land distribution. We build roads, provide access to credit, training, and deliver essential support services — because land alone is not enough to transform the ARBs’ lives,” he said.

Solomero also expressed support for President Ferdinand R. Marcos Jr.’s land amortization condonation program, which aims to relieve ARBs of debt and help them focus on productivity and sustainability.

More than just a road, the Collago to Lucgay FMR represents a lifeline to opportunity, economic empowerment, and a stronger future for Abra’s farming communities. (Prepared By: Medel Mercado with contributions from DAR-Abra)

DAR Nagkaloob ng ₱24.5-M Farm-to-Market Road Para Pabilisin ang Transportasyon ng mga Ani sa Abra

Lagayan, Abra – Ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang natapos na 1.5-kilometrong Collago-Lucgay Farm-to-Market Road (FMR), isang proyektong nagkakahalaga ng ₱24.56 milyon na layong padaliin ang pagdadala ng mga ani at mapalago ang kabuhayan sa bayan ng Lagayan.

Nagsimula ang konstruksyon noong Hulyo 2024 at ngayon ay direktang makikinabang dito ang mahigit 1,170 pamilya, dahil mas mabilis at ligtas na ang pagdadala ng produkto sa mga pamilihan, at tutulong ito sa pag-unlad ng agrikultura.

“Malaking tulong po itong kalsada sa aming mga ARB. Dati, hirap kaming dalhin ang aming mga produkto sa pamilihan, dahil isang makitid na daan lang ito,” ani Mario Montero Casibo, Pangulo ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Lagayan.

Ngayong tapos na ang kalsada, inaasahang lalago ang kalakalan at mas mapapadali ang pagkuha ng mga pangunahing serbisyo para sa 4,800 residente ng Lagayan.

Binigyang-diin ni DAR Regional Director Samuel S. Solomero ang malawakang layunin ng DAR para sa kaunlaran ng mga kanayunan.

“Hindi lang pamamahagi ng lupa ang tungkulin ng DAR. Gumagawa rin kami ng kalsada, nagbibigay ng pautang, pagsasanay, at iba pang suporta—dahil hindi sapat ang lupa lang para maiangat ang kabuhayan ng mga ARB,” aniya.

Sinusuportahan din ni Solomero ang programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbura ng utang ng mga ARB, upang mas mapagtuunan nila ng pansin ang pag-unlad at pagpapanatili ng kanilang kabuhayan.

Higit pa sa isang kalsada, ang Collago to Lucgay FMR ay nagsisilbing tulay tungo sa mas maunlad na kinabukasan para sa mga ARB ng Abra.