đź“…

Humigit-kumulang 300 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa San Fernando, Sibuyan, Romblon ang dumalo sa “Lawyers to the Benepisyaryo,” ng DAR, na nagbigay sa kanila ng suportang ligal upang sila ay hindi na maglakbay nang napakalayo mula sa kanilang mga tahanan.

San Fernando, Sibuyan, Romblon – Nagsagawa ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng kanilang legal outreach program na tinatawag na “Lawyers to the Benepisyaryo” sa bayan ng San Fernando, Sibuyan, Romblon upang mapalapit sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ng Romblon and libreng serbisyong ligal.

Mahigit 300 ARBs mula sa iba’t ibang barangay ng munisipalidad ang dumalo sa aktibidad kung saan nabigyan sila ng serbisyong ligal nang hindi na kailangang bumiyahe nang malayo mula sa kanilang mga tahanan o gumastos ng pamasahe.

Nilalayon ng inisyatibong ito na tumulong sa mga magsasaka na madalas nahihirapang makakuha ng hustisya pagdating sa kanilang karapatan sa lupa o sa mga isyu sa pagmamay-ari ng lupa dahil sa layo ng lugar at kakulangan sa pera. Layunin dinng “Lawyers to the Benepisyaryo” na tugunan ang mga problemang ito—makatipid sa oras, mabawasan ang gastos, at matiyak na maririnig ang boses ng mga magsasaka.

Humigit-kumulang 300 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa San Fernando, Sibuyan, Romblon ang dumalo sa “Lawyers to the Benepisyaryo,” ng DAR, na nagbigay sa kanila ng suportang ligal upang sila ay hindi na maglakbay nang napakalayo mula sa kanilang mga tahanan.

Sa tulong ng mga abogado at legal officers mula sa DAR Regional at Provincial Offices sa MIMAROPA at ang Public Attorney’s Office (PAO) nabigyan ang ARBs ng libreng ligal na payo, konsultasyon, at tulong sa para maresolba ang mga isyung may kinalaman sa lupa—tulad ng problema sa pagmamay-ari at usaping may kinalaman sa pagiging kasama sa lupa—upang matulungan sa kanilang kabuhayan at mabigyan ng kapanatagan ng loob.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II Claro Pacquing, ang inisyatibong ito ay sumasalamin sa layunin ng administrasyon na ilapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan, lalo na sa mga kanayunan.

“Hindi lamang ito basta serbisyong ligal—ito ay patunay ng matatag na paninindigan ng DAR sa pagtatanggol sa karapatan ng ARBs, sa pagsusulong ng katarungang panlipunan, at sa pagtutulak ng inklusibong pag-unlad sa kanayunan,” aniya.

Habang patuloy na ipinatutupad ng DAR ang “Lawyers to the Benepisyaryo” sa buong rehiyon, ang bawat pagbisita ay higit pa sa isang pagtulong—ito ay katuparan ng pangako: hustisyang abot-kaya, ligal na kapangyarihang nagpapalakas ng komunidad, at pamahalaang tunay na nakikinig at kumikilos. (By: Medel Mercado with inputs from DAR-Romblon)