đź“…

Agad na nagsumite ng kanyang pagbibitiw si Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III matapos ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Huwebes.

“Buong puso kong sinusuportahan ang utos ng Pangulo na magsumite ng pagbibitiw ang mga miyembro ng Gabinete,” sabi ni Estrella. “Isa itong malinaw na pagpapakita ng pamumuno na layuning mas patibayin pa ang pamahalaan at matupad ang mga pangako ng administrasyon sa mamamayang Pilipino.”

Binigyang-diin ni Estrella na bahagi ng kanyang tungkulin bilang lingkod-bayan ang pagsusumite ng kanyang pagbibitiw.

“Bilang miyembro ng opisyal na pamilya ng Pangulo, ako ay nagsisilbi sa kanyang kagustuhan. Tungkulin kong ibigay ang aking buong kakayahan upang matulungan siyang maisakatuparan ang kanyang hangarin para sa bayan,” dagdag niya.