đź“…

Inilunsad sa Mindoro State University (MinSU) ang Innovative Business Incubator for Biosystems Solutions (i-BIBES) na layuning palakasin ang suporta ng DAR sa pag-unlad ng kabuhayan at negosyo sa mga kanayunang Oriental Mindoro.

Victoria, Oriental Mindoro — Pinaigting ng Department of Agrarian Reform (DAR) at Mindoro State University (MinSU) ang kanilang pagtutulungan para sa pag-unlad ng mga kanayunan at mga negosyong may kinalaman sa agrikultura sa pamamagitan ng paglulunsad ng Innovative Business Incubator for Biosystems Solutions o i-BIBES.

Ginanap ito kamakailan sa MinSU na may temang “Bridging Ideas, Driving Advancement: Empowering Innovation through Collaboration, Mentorship, and Sustainable Solutions.” Layunin ng proyektong ito na magsilbing daan tungo sa mas masigla at mas pang-matagalang pag-unlad sa lalawigan.

Inilunsad sa Mindoro State University (MinSU) ang Innovative Business Incubator for Biosystems Solutions (i-BIBES) na layuning palakasin ang suporta ng DAR sa pag-unlad ng kabuhayan at negosyo sa mga kanayunang Oriental Mindoro.

Binigyang-diin ni Provincial Agrarian Reform Program Officer II (PARPO II) Rogelio D. Madarcos ang buong suporta ng ahensya sa i-BIBES. Tinawag niya itong makabagong hakbang na tutulong sa mga magsasaka at Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) upang makalampas sa tradisyunal na paraan ng pagsasaka.

“Ang i-BIBES ay sumasalamin sa aming pangarap para sa mas maliwanag na kinabukasan kung saan nagtatagpo ang teknolohiya at inobasyon—na nagtutulak ng paglago ng ekonomiya, positibong epekto sa lipunan, at pangangalaga sa kalikasan,” ani Madarcos.

Inilunsad sa Mindoro State University (MinSU) ang Innovative Business Incubator for Biosystems Solutions (i-BIBES) na layuning palakasin ang suporta ng DAR sa pag-unlad ng kabuhayan at negosyo sa mga kanayunang Oriental Mindoro.

Nag-aalok ang i-BIBES ng iba’t ibang suporta para sa ARBs at magsasaka tulad ng paggamit sa mga makabagong teknolohiya, gabay mula sa eksperto, pagsasanay sa agri-negosyo at tulong sa pagbebenta—para sila’y maging mas matatag, malikhain at globally competitive na mga negosyanteng agrikultural.

Ibinahagi rin ni Madarcos ang suporta ng DAR sa marketing platform ng i-BIBES, na inihalintulad niya sa mga online selling platforms tulad ng Shopee at Lazada. Sisimulan ito sa pagbebenta at pag-promote ng mga produktong gawa sa Oriental Mindoro upang matulungan ang ARBs na makarating sa mas malawak na merkado.

Bilang matagal nang katuwang ng MinSU, umaasa ang DAR na ang mga lupang dating pagmamay-ari ng unibersidad—na ipinamahagi sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)—ay patuloy na magiging mga sentro ng inobasyon. Sa tulong ng mga makabagong teknolohiya ng MinSU, may potensyal na maging mahalagang pinanggagalingan ng mga materyales at inspirasyon para sa mga negosyong pang-kabuhayan ng mga ARB at Agrarian Reform Beneficiaries’ Organizations (ARBOs).

Kabilang sa mga tampok ng programa ang seremonyal na pagbabasbas ng bagong i-BIBES facility, pagpirma ng Memorandum of Agreement kasama ang mga mentor, kasosyo, at incubatees, at isang makabagong exhibit ng mga teknolohiyang pang-agrikultura mula sa MinSU. Isinagawa rin ang mga capacity-building session tungkol sa Intellectual Property Rights at Food Safety, pati na rin ang mga pagkikita ng mentor at pagpapalitan ng ideya ng mga mentor at mentee. (By: Medel Mercado with inputs from DAR-Oriental Mindoro)