đź“…

February 21, 2025, will forever be etched in the minds of 111 agrarian reform beneficiaries (ARBs) in Naic, Cavite as the day when they were officially freed from their long-overdue amortization under the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) through the DAR’s grant of debt condonation.

Provincial Agrarian Reform Program Officer James Arthur Dubongco said each of the 111 ARBs received a Certificate of Condonation with Release of Mortgages (COCROM), writing off in the process their long standing balance, with the combined amount of P19,965,293.15.
“A total of 119 Cocrom, covering 120.3 hectares, was distributed to them at 1:00 pm at the residence of Barangay Palangue II Chaiman Angeles Pegollo, Dubongco said.

“It is the highest number of the certificates distributed and the highest amount condoned in the town of Naic, thus far,” he added.
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. himself raised the idea of condoning the ARBs long-overdue balance in amortizations in CARP lands awarded to them, including interest, penalties, and surcharges. He even prodded Congress to act on it, resulting in the passage of the Republic Act No. 11953, or the New Agrarian Emancipation Act, which he signed on July 7, 2023.
The law is deemed as a masterstroke that put the finishing touch to the social justice program his father, the late President Marcos Sr. had started when the latter issued October 1972 the Presidential Decree No. 27, emancipating tenants from the bondage of soil by transferring to them the ownership of the land they till. The said decree covers only agricultural lands devoted to rice and corn.
111 ARBs sa Naic, Cavite nalinis mula sa halos P20 milyong pagkakautang sa CARP
Ang petsang Pebrero 21, 2025, ay matatala sa isipan ng 111 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Naic, Cavite bilang araw kung kailan sila opisyal na nakalaya mula sa kanilang matagal nang nakabinbin na mga amortisasyon sa mga sakahang ipinamahagi sa kanila sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatawad ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng kanilang mga utang.
Sinabi ni Provincial Agrarian Reform Program Officer James Arthur Dubongco na bawat isa sa 111 ARBs ay nakatanggap ng Certificate of Condonation with Release of Mortgages (COCROM), patunay na napawi na ang matagal nang nabinbin nilang utang na may kabuuang halaga na P19,965,293.15.
“May kabuuang bilang na 119 Cocrom, na sumasakop sa 120.3 ektaryang lupain, ang naipamahagi sa kanila sa ganap na ika-1:00 ng hapon sa tahanan mismo ni Barangay Palangue II chaiman Angeles Pegollo,” ani Dubongco.
“Ito na sa ngayon ang pinakamataas na bilang ng mga sertipiko na naipamahagi at pinakamalaking halaga ng utang ng ARBs na napawi sa bayan ng Naic,” dagdag pa niya.
Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nagtaas ang ideyang pagpawi sa nabinbing utang ng ARBs mula sa amortisasyon para sa mga lupaing ipinagkaloob sa kanila sa ilalim ng CARP, kabilang na ang mga interes, multa at mga patong na singil. Hinikayat pa niya ang Kongreso para sa agarang pagpasa ng Republic Act No. 11953, o ang New Agrarian Emancipation Act na kanyang pinirmahan noong ika-7 ng Hulyo 2023.
Ang nasabing batas ay itinuturing na isang masterstroke para sa huling detalye ng programa ng hustisyang panlipunan na una nang isinulong ng kanyang ama, ang namayapang Pangulong Marcos Sr., nang lagdaan nito noong Oktubre 1972 ang Presidential Decree No. 27 na nagtakda ng palilipat sa kamay ng mga magsasaka ang pag-aari sa mga lupaing pribado na kanilang sinasaka. Sakop lamang ng nasabing kautusan ang mga sakahang palayan at maisan.