đź“…

Participants of the PalayCheck training facilitated by the DAR held at Barangay Covered Court ng West Carisac, Libon, Albay.

Fifty (50) agrarian reform beneficiaries (ARBs) from the Del-Rosario-Carisac-San Agustin (Delcasa) Irrigators Association completed an intensive two-month training on the PalayCheck System facilitated by the Department of Agrarian Reform (DAR) to strengthen climate resilience and improve rice production in the province of Albay.

DAR-Albay Provincial Agrarian Reform Program Officer II Engr. Maria Eugenia M. Alteza said the ARBs were equipped with strategies for sustainable rice farming to boost their yield and adapt to climate challenges.

“The sessions include seed quality and seed preparation, soil analysis, importance and procedure in soil sampling, crop establishment, nutrient and water management, and pest management or pre-and-post-harvest management,” Alteza said.

Participants of the PalayCheck training facilitated by the DAR held at Barangay Covered Court ng West Carisac, Libon, Albay.

She said the training was part of DAR’s Major Crops Rice Block Farm Productivity Enhancement under the Climate Resilient Farm Productivity Support (CRFPS) component of the Agrarian Reform Beneficiaries Development and Sustainability Program (ARBDSP).

“The participants also received Php130,000 worth of farm tools, including Urea fertilizers and rechargeable sprayers which will help the farmers implement these new practices,” she added.

Delcasa Irrigation Association Secretary Romulo De Lima thanked DAR for supporting the organization by helping them improve their farming, which made them hopeful despite the recent setbacks due to Typhoon Kristine.

“The DAR has helped us a lot. We were given training seminars on choosing a good variety of rice, applying fertilizers and pesticides, and the proper way of storing rice,” he said.

He added that with the seminars facilitated by the DAR, the farmers’ expertise in farming developed into a more advanced understanding of their craft.

The PalayCheck System presents the key technology and management practices under the Rice Integrated Crop Management (RICM) System, which recognizes the interdependence and interrelation of various factors that affect rice production. It also compares traditional farm practices with farmers’ best practices. It learns from farmers’ discussion groups to improve productivity, profitability, and environmental safety.

Albay Agrarian Reform Beneficiaries natuto ng mga kasanayan tungkol sa PalayCheck

Limampung agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa Del-Rosario-Carisac-San Agustin (Delcasa) Irrigators Association ang nakatapos ng masinsinang dalawang buwang pagsasanay sa Sistema ng PalayCheck na pinangasiwaan ng Department of Agrarian Reform (DAR) para palakasin ang kanilang katatagan sa pabago-bagong klima at mapabuti ang produksyon ng palay sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer II Engr. Maria Eugenia M. Alteza na ang mga ARB ay binigyan ng mga estratehiya para mapanatili ang pagsasaka ng palay, mapalakas ang kanilang ani at umangkop sa mga hamon sa klima.

“Kabilang sa mga sesyon ang kalidad ng binhi at paghahanda ng binhi, pagsusuri ng lupa, kahalagahan at pamamaraan sa pag-sample ng lupa, pagtatatag ng pananim, pangangasiwa ng sustansya at tubig, at pamamahala ng peste o pamamahala bago at pagkatapos ng ani,” ani Alteza.

Sinabi niya na ang pagsasanay ay bahagi ng Major Crops Rice Block Farm Productivity Enhancement ng DAR sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support (CRFPS) na bahagi ng Agrarian Reform Beneficiaries Development and Sustainability Program (ARBDSP).

“Ang mga kalahok ay nakatanggap din ng Php130,000 halaga ng mga kagamitan sa pagsasaka, kabilang ang mga pataba ng Urea at mga rechargeable sprayer na makakatulong sa mga magsasaka sa pagpapatupad ng mga bagong kasanayan na ito,” dagdag niya.

Pinasalamatan ni Delcasa Irrigation Association Secretary Romulo De Lima ang DAR sa pagsuporta sa organisasyon, na sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na mapabuti ang kanilang pagsasaka, na naging dahilan upang sila ay magkaroon ng pag-asa sa kabila ng mga pangyayari dahil sa Bagyong Kristine.

“Malaki ang naitulong sa amin ni DAR. Binigyan kami ng training seminar kung paano pumili ng magagandang uri ng palay, paglalagay ng pataba at pestisidyo, at tamang pag-iimbak ng bigas,” aniya.

Idinagdag din niya na sa mga pagsasanayna pinangasiwaan ng DAR, lumago ang kanilang kaalaman sa pagsasaka at nagkakaroon sila ng mas malawak na pag-unawa sa kanilang mga gawain.

Ang PalayCheck System ay naglalahad ng mga pangunahing teknolohiya at mga kasanayan sa pamamahala sa ilalim ng Rice Integrated Crop Management (RICM) System na kumikilala sa pagtutulungan at pagkakaugnay ng iba’t ibang salik na nakakaapekto sa produksyon ng palay. Inihahambing din nito ang mga tradisyunal na kasanayan sa pagsasaka sa mga pinakamahuhusay na kagawian ng mga magsasaka. Natututo sila mula sa mga grupo ng talakayan ng mga magsasaka upang mapabuti ang pagiging produktibo, kakayahang kumita, at kaligtasan sa kapaligiran.