đź“…

Bagumbayan, Sultan Kudarat — Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) who are members of the Daluga Farmers Association (DFA) in Bagumbayan received a hauling truck worth PHP1.088 million from the Department of Agrarian Reform (DAR) under the Climate Resilient Farm Productivity Support (CRFPS) Program.
The new truck will significantly ease the transport of farm produce, reduce costs, and improve market access for local farmers.

Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) Abdullah N. Balindong congratulated the recipient ARBs and reaffirmed DAR’s commitment to supporting agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOs) with essential resources to enhance productivity and economic stability.
“We remain dedicated to understanding the needs of our ARBs and providing support to help them thrive in a competitive market,” Balindong stated.
CRFPS Program Regional Supervisor Marhlie V. Pasal expressed optimism that the Farm Machineries and Equipment (FMEs) would greatly benefit the farming community, ensuring easier and more efficient transportation of goods.
Magdalena L. Larida, President of the DFA, conveyed her gratitude for the assistance.
“Thank you, DAR, This hauling truck is a huge help to our organization, especially in bringing our produce to the market. We are committed to maximizing its use for the benefit of our members,” Larida said.
The CRFPS Program, funded under the Agrarian Reform Fund, aims to enhance farm productivity by providing FMEs to agrarian reform communities (ARCs). By reducing production costs and improving efficiency, the program helps increase ARBs’ incomes and strengthen the agricultural sector. (By: Resurreccion Arcaina)
ARBO sa Sultan Kudarat, Nakakuha ng PHP1 M Hauling Truck para sa Mas Mataas na Produksyon
Bagumbayan, Sultan Kudarat — Malaking tulong sa Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na mga miyembro ng Daluga Farmers Association (DFA) sa Bagumbayan ang bagong hauling truck na nagkakahalaga ng PHP1.088 milyon. Ito ay ipinagkaloob sa DFA ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support (CRFPS) Program.
Ang bagong truck ay makakatulong para mas madaling pagdadala ng ani, mabawasan ang gastusin sa transportasyon, at magpabuti sa pag-access ng mga ARB sa merkado.
Ipinahayag ni Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) Abdullah N. Balindong ang kanyang pagbati sa mga ARB at muling tiniyak ang suporta ng DAR sa mga Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBOs) sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang pangangailangan sa pagsasaka upang mapabuti ang kanilang kabuhayan.
“Patuloy kaming nakatuon sa pangangailangan ng ating mga ARBs at pagbibigay ng suporta upang mapatatag sila sa isang kompetitibong merkado,” ani Balindong.
Ipinahayag din ni CRFPS Program Regional Supervisor Marhlie V. Pasal ang kanyang kasiyahan sa Farm Machineries and Equipment (FMEs) na natanggap ng mga magsasaka, na aniya’y makatutulong upang mapadali at mas maging epektibo ang transportasyon ng kanilang ani.
Lubos namang nagpasalamat si Magdalena L. Larida, Pangulo ng Daluga Farmers Association, sa natanggap nilang tulong.
“Maraming salamat, DAR. Malaking tulong ang hauling truck na ito sa aming organisasyon, lalo na sa pagdadala ng aming ani sa pamilihan. Sisiguraduhin naming magagamit ito nang husto para sa kapakanan ng aming mga miyembro,” ani Larida.
Ang CRFPS Program, na pinondohan sa ilalim ng Agrarian Reform Fund, ay naglalayong pataasin ang produksyon sa agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay ng FMEs sa mga agrarian reform communities (ARCs). Sa pamamagitan ng programang ito, nababawasan ang gastos sa produksyon, napapabuti ang kahusayan sa pagsasaka, at lumalaki ang kita ng mga magsasaka.