šŸ“…

Si Noah obitaƱa (nakasuot ng puting polo) habang nagtuturo sa ARBs ng tamang paghawak ng isda, paglalagay sa bote, at mga wastong paggawa upang mapanatili ang kalidad at kaligtasan ng pagkain.

Legazpi City – Isang Agrarian Reform Beneficiary Organization (ARBO) sa Pio Duran, Albay ang ngayon ay gumagawa ng pangalan sa lokal na industriya ng pagkain sa pamamagitan ng kanilang bagong negosyo: gourmet tinapa (smoked fish). Layunin ng hakbang na ito na pataasin ang kanilang kita at maipagmalaki ang kilalang industriya ng tinapa ng bayan sa rehiyon.

Ang Asenso Marigondon Irrigators Association (AMIA) Inc. ay nagsimula nang gumawa ng gourmet tinapa matapos sumailalim sa pagsasanay mula sa Development of Products Project (DPP) ng Department of Agrarian Reform (DAR). Layunin ng proyekto na bigyan ng kasanayan ang mga ARBO sa buong bansa upang makapagsimula ng mga gawaing pangkabuhayan. Isa ang AMIA sa 96 na ARBO na kasalukuyang kalahok sa programa.

Pinuri ni DAR Secretary Conrado Estrella III ang AMIA sa pagyakap nito sa oportunidad na maiangat ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pagnenegosyo. ā€œIkinagagalak kong makita ang ating Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na nagtatagumpay sa kanilang sa kanilang bagong tuklas na negosyo na ang pinagmulan ay ang ipinagmamalaki ng bayan ng Pio Duran – ang tinapa,ā€ ani Estrella.

Ipinapakita ng mga ARBs ang paghahanda at paggawa ng gourmet tinapa mula sa pagpili ng isda hanggang sa packaging.

Kinilala ni Albay Provincial Agrarian Reform Program Officer II (PARPO) Engr. Maria Eugenia M. Alteza, ang desisyon ng AMIA na pasukin ang negosyong gourmet tinapa bilang isang istratehikong hakbang. ā€œMalaki ang potensyal ng proyektong ito upang mapalago ang kita ng mga kasapi ng AMIA at mapalaganap pa ang natatanging produkto ng bayan,ā€ ani Alteza.

Pinayuhan naman PARPO I Patricia T. Rastrullo ang AMIA na pagyamanin ang suportang kanilang natanggap. ā€œBihira ang ganitong oportunidad. Kapag kayo ay nagtagumpay, binuhay ninyo ang pangalan ninyong ā€˜Asenso Marigondon.’

Ipinahayag naman ni AMIA Reyan P. Sto. Tomas, pangulo ng AMIA, ang kanilang dedikasyon sa proyekto habang umaasa sa patuloy na suporta mula sa DAR sa pamamagitan ng karagdagang pagsasanay at mga kinakailangang kagamitan upang lalong mapalago ang kanilang negosyo.

Ibinahagi rin ni Nelia Munda, 49 gulang na ina at kasapi ng AMIA, ang kanyang kasiyahan. ā€œHindi lang ito dagdag na kita kundi isang tunay na oportunidad para sa amin at sa aming pamilya.ā€

Ang pagsasanay ay isinagawa ni Noah LobitaƱa, isang food processing trainer mula sa Maonon High School sa Lungsod ng Ligao. Tinuruan niya ang mga kalahok kung paano ang tamang pagpo-proseso ng isda, magsagawa ng ligtas na bottling techniques, at magpatupad ng good manufacturing practices upang matiyak ang kalidad at kaligtasan ng produkto. Binanggit din niya ang kahalagahan ng tamang pagdodokumento ng proseso ng produksyon.

Sinabi naman ni Charlotte A. Ragas, DTI-Albay Trade and Industry Development Specialist, na ang gourmet tinapa ay mas matagal ang shelf life kaysa sa karaniwang tinapa. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng maayos na labeling at packaging upang matugunan ang pamantayan sa merkado at makahikayat ng mas maraming mamimili. (By: Richard B. Gallardo with inputs from DAR-Albay ARPO I Yolanda S. Ruiz)