đź“…

TIGAON, Camarines Sur— Small farmers in Camarines Sur are set to gain better income and stable market access following a new agreement between two agrarian reform beneficiary organizations (ARBOs) and the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Tigaon.
Under the marketing agreement, the May-Ogob Agrarian Reform Cooperative (MOARC) and the Vegetable Growers Association of ARB Libod-Tinawagan (VEGAT) will supply fresh fruits and vegetables to the jail facility, benefiting 247 persons deprived of liberty (PDLs). This marks MOARC’s second consecutive year of partnership with BJMP-Tigaon and the first year for VEGAT.
“This agreement ensures our farmers have a direct and stable market, providing them with a steady income and better livelihood,” said Provincial Agrarian Reform Program Officer Renato C. Bequillo of the Department of Agrarian Reform (DAR).

VEGAT President Rebecca Purisima emphasized the importance of supporting local farmers. “If you buy imported fruits and vegetables, it’s a mortal sin, but if you buy local fresh produce, you are a hero,” she said.
BJMP-Tigaon Acting District Jail Warden Romeo V. Vilchez highlighted the nutritional benefits for detainees. “This partnership guarantees a steady supply of fresh, healthy food grown right here in Camarines Sur,” he said.
DAR Chief for Support Services Aiza B. Mendez noted that eight (8) ARBOs in the province now have marketing agreements with BJMP, ensuring a consistent demand for farm produce in correctional facilities in Naga City.
By prioritizing fresh, locally grown food over commercial alternatives, BJMP-Tigaon promotes cost efficiency, better nutrition for PDLs, and stronger local agricultural enterprises.
This initiative not only improves the quality of food in jails but also creates new market opportunities for farmers, making it a win-win solution for both the farming and correctional sectors. (By: Pinky Roque with contributions from DAR Camarines Sur)
Mga ARBO sa Camarines Sur Lumagda ng Kasunduan sa Pagsuplay ng Sariwang Ani sa Lokal na Piitan
TIGAON, Camarines Sur — Mas magandang kita at mas tiyak na merkado ang naghihintay sa maliliit na magsasaka sa Camarines Sur matapos lumagda sa isang kasunduan ang dalawang agrarian reform beneficiary organizations (ARBOs) at ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Tigaon.
Sa ilalim ng kasunduan, magsusuplay ng sariwang prutas at gulay sa piitan ang May-Ogob Agrarian Reform Cooperative (MOARC) at ang Vegetable Growers Association of ARB Libod-Tinawagan (VEGAT). Makikinabang sa hakbang na ito ang 247 persons deprived of liberty (PDLs). Ito na ang ikalawang taon ng MOARC sa pakikipagtulungan sa BJMP-Tigaon at ang unang taon para sa VEGAT.
“Sa kasunduang ito, nagkakaroon ng direkta at siguradong merkado ang ating mga magsasaka, kaya mas nagiging matatag ang kanilang kita at kabuhayan,” ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer Renato C. Bequillo ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Ipinunto rin ni Rebecca Purisima, Pangulo ng VEGAT, ang kahalagahan ng pagsuporta sa lokal na ani. “Kung imported ang binibili mo, parang kasalanan iyon, pero kung lokal na ani ang pinipili mo, isa kang bayani,” aniya.
Samantala, binigyang-diin ni BJMP-Tigaon Acting District Jail Warden Romeo V. Vilchez ang benepisyo ng sariwang pagkain para sa mga PDLs. “Dahil sa kasunduang ito, siguradong may sapat na suplay ng masustansyang pagkain mula mismo sa ating mga magsasaka sa Camarines Sur,” sabi niya.
Ayon kay DAR Chief for Support Services Aiza B. Mendez, mayroon nang walong (8) ARBOs sa lalawigan na may kasunduan sa BJMP, kaya’t may tuloy-tuloy na pangangailangan para sa mga ani mula sa mga correctional facility sa Naga City.
Sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa lokal na ani kaysa sa mga produktong komersyal, tinutulungan ng BJMP-Tigaon ang mga magsasaka habang pinapababa ang gastusin at pinapabuti ang nutrisyon ng PDLs.
Bukod sa pagpapabuti ng kalidad ng pagkain sa piitan, binubuksan din ng programang ito ang bagong oportunidad sa mga magsasaka, kaya ito ay isang panalong solusyon para sa parehong sektor ng agrikultura at correctional facilities.