📅
Members of the Association of Daine Lady Farmers Inc., located in Daine, Indang, Cavite, received a new cacao processing building worth Php914,995.00, from the Department of Agrarian Reform (DAR) to boost their cacao production and increase their income.
DAR-Cavite Provincial Agrarian Reform Program Officer II (PARPO) James Arthur Dubongco said the facility is complete with processing equipment and packaging materials to help the agrarian reform beneficiaries (ARBs) be more competitive in marketing their products.
“The initiative reflects the concerted efforts of various government agencies to support local agriculture in Cavite, particularly by enhancing the production and processing capabilities of cacao into tablea, thus empowering farmers to contribute to community livelihood development,” Dubongco said.
He said the project is being implemented under the Village Level Farm-focused Enterprise Development (VLFED) project of the DAR which enables the ARBs to produce market-competitive products through value addition by providing them with appropriate facilities and equipment for their products to become more competitive, increase their profits and strengthen their organization.
The turnover of the processing facility aligns with the directive of DAR Secretary Conrado Estrella III, to intensify the interventions for support services and diversified income sources to the ARBs.
Tablea is a traditional Filipino chocolate made from roasted, ground cacao beans molded into tablets or balls used for chocolate drinks. The DAR-Cavite saw the potential of tablea to become more competitive in the market.
Marilyn B. Del Rosario, President of the Association of Daine Lady Farmers Inc., thanked the DAR for the project and assured the agency of their full commitment and dedication to sustain it.
“We would like to thank the DAR for always being supportive and assisting us in providing what we need so we could have additional income to provide for our family,” Del Rosario said.
She also thanked the Department of Labor and Employment (DOLE) in Cavite, the Office of the Provincial Agriculturist (OPA), the Provincial Agrarian Reform Coordinating Committee (PARCCOM) Cavite, Local Government Unit (LGU) Indang and Barangay Local Government Units (BLGUs) of Daine I and Daine II.
Organisasyon ng magsasaka sa Cavite tumanggap ng cacao tablea processing facility mula sa DAR
📅
Nakatanggap ang mga miyembro ng Association of Daine Lady Farmers Inc., na matatagpuan sa Barangay Daine, Indang, Cavite, ng bagong cacao processing building, na nagkakahalaga ng Php914,999.00, mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) upang mapalakas ang kanilang produksyon ng cacao at madagdagan ang kanilang kita.
Ayon kay DAR-Cavite Provincial Agrarian Reform Program Officer II (PARPO) James Arthur Dubongco na pasilidad ay kumpleto sa kagamitan at packaging materials upang matulungan ang mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) na maging mas competitive ang kanilang mga produkto.
“Ang inisyatiba ay sumasalamin sa pinagsama-samang pagsisikap ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na suportahan ang lokal na agrikultura sa Cavite, partikular na sa pamamagitan ng pagpapahusay ng mga kakayahan sa produksyon at pagpoproseso ng cacao sa tablea, upang bigyang kapangyarihan ang mga magsasaka na mag-ambag sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng komunidad,” ani Dubongco.
Aniya, ang proyekto ay ipinatutupad sa ilalim ng Village Level Farm-focused Enterprise Development Project (VLFED) ng DAR, na nagbibigay-daan sa mga ARB na makabuo ng mga produktong makakapagkumpitensya sa merkado sa pamamagitan ng value addition at pagbibigay sa kanila ng nararapat na pasilidad at kagamitan upang mas maging kompetitibo ang kanilang mga produkto, madagdagan ang kanilang kita at palakasin ang kanilang organisasyon.
Ang pagkakaloob na proyekto ay naaayon sa direktiba ni DAR Secretary Conrado Estrella III, na paigtingin ang mga interbensyon para sa suportang serbisyo at sari-saring mapagkukunan ng kita sa mga ARB.
Ang tablea ay sinangag, giniling at hinulma na puro at naprosesong cacao beans, na ginagamit para sa mga inuming tsokolate. Nakitaan ng potensyal ng DAR-Cavite ang tablea na magiging mas mapagkumpitensya sa merkado.
Nagpasalamat sa DAR si Marilyn B. Del Rosario, Pangulo ng Association of Daine Lady Farmers, para sa proyekto at tiniyak sa ahensya na ibibigay nila ang lahat ng makakaya at dedikasyon upang mapanatili ito.
“Maraming salamat po sa DAR dahil sa kanilang palagiang pagsuporta at pagtulong sa amin lalo na sa pagkakaloob ng mga pangangailangan namin upang magkaroon kami ng karagdagang kita para aming mga pamilya,” ani Del Rosario.
Nagpasalamat din siya sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa Cavite, Office of the Provincial Agriculturist (OPA), Provincial Agrarian Reform Coordinating Committee (PARCCOM) Cavite, Local Government Unit (LGU) ng Indang at Barangay Local Government Units (BLGUs) ng Daine I at Daine II.