đź“…

Pindangan Coop general manager Sally Duquesa (aboard the combine harvester) test-drive the harvester provided to them.

From a modest beginning, the Pindangan 2nd Multi-Purpose Cooperative (PMPC), located in Tarlac, has grown into a thriving enterprise—proof that with determination, unity, and a cooperative spirit, small ideas can lead to flourishing success.

“Malaking tulong ang DAR dahil nagkaroon kami ng lupa. Sila mismo ang bumaba upang magtanong kung ano ang kailangan namin. Sa lupa nanggagaling ang ating kabuhayan, kaya dapat itong pagyamanin at asikasuhin,” she shared.

Sally Duquesa, Manager of Pindangan 2nd Multi-Purpose Cooperative.

Managing PMPC presents its share of challenges, but Duquesa emphasized that success is possible through the honesty, dedication, and cooperation of officers and members. She noted that with the right leadership and collective efforts cooperatives can thrive amid difficulties.

With the support of the Department of Agrarian Reform (DAR), PMPC has significantly expanded, empowering 144 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) to cultivate over 300 hectares of farmland producing rice, corn and onions.

“Salamat sa tiwala at suporta sa ating kooperatiba. Ang ating tagumpay ay bunga ng ating pagkakaisa, sipag, at determinasyon. Patuloy po tayong magtulungan upang mapanatili at mapalago pa ang ating kooperatiba para sa mas magandang kinabukasan. Sama-sama tayong aangat,” said Sally Duquesa, Manager of PMPC.

In addition to traditional farming, PMPC has embraced value-added processing. It now produces Corn Nitz, a corn-based product available at the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) trade fairs, Balikbayan Centers, and online shopping or Ecommerce platforms such as Shopee and Lazada.

The Pindangan 2nd Multi-Purpose Cooperative ventures to Corn Nitz, a corn-based product available at CARP trade fairs, Balikbayan Centers, and online platforms.

“Hindi lang po mais ang mayroon kami dahil ipinoproseso na rin ito ng aming kooperatiba. Ang Corn Nitz ay ibinebenta namin sa CARP trade fair, Balikbayan Center, at maaari rin itong mabili online,” Duquesa explained.

The PMPC is among the beneficiaries of DAR’s assistance programs. It received free training on microfinance lending, financial management, and leadership development. These initiatives have strengthened its operations, ensuring sustainability and growth.

From an initial capital of ₱70,000, PMPC has flourished into a ₱45-million enterprise.

“With the number of farm machineries and equipment (FMEs), processing facilities, and various trainings conducted by DAR, our cooperative has matured and gained stability. We truly feel the government’s support, through its mantra of “Sulong Agraryo para sa Bagong Pilipinas’ – and this is the kind of government we believe in,” Duquesa concluded.

The PMPC stands as a testament to the power of agrarian reform, strong leadership, and cooperative effort in uplifting communities and fostering long-term economic growth. Through DAR’s continuous support, the PMPC is not only cultivating crops but also nurturing the dreams of a better future for its ARBs. (By: Resurreccion Arcaina with contributions from the DAR field office)

Paglinang ng mga Pangarap sa Pamamagitan ng Kooperatiba

Mula sa payak na simula, ang Pindangan 2nd Multi-Purpose Cooperative (PMPC), na matatagpuan sa Tarlac, ay lumago sa isang progresibong negosyo—patunay na sa determinasyon, pagkakaisa, at espiritu ng kooperatiba, ang maliliit na ideya ay maaaring magdulot sa maunlad na tagumpay.

“Malaking tulong ang DAR dahil nagkaroon kami ng lupa, sila mismo ang bumaba upang magtanong kung ano ang kailangan namin, sa lupa nanggagaling ang ating kabuhayan, dapat pagyamanin at asikasuhin,” aniya.

Ang pamamahala ng PMPC ay may kaakibat na mga hamon, ngunit binigyang-diin ni Duquesa na ang tagumpay ay posible sa pamamagitan ng katapatan, dedikasyon, at pakikipagtulungan ng mga opisyal at miyembro. Sinabi niya na sa tamang pamumuno at sama-samang pagsisikap ay maaaring umunlad ang mga kooperatiba kahit sa gitna ng mga kahirapan.

Dahil sa suporta ng Department of Agrarian Reform (DAR), ang PMPC ay lumawak, na nagbigay ng kapangyarihan sa 144 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na magsaka sa mahigit 300 ektarya ng bukirin na may produktong palay, mais, at sibuyas.

“Salamat sa tiwala at suporta sa ating kooperatiba. Ang ating tagumpay ay bunga ng ating pagkakaisa, sipag, at determinasyon. Patuloy po tayong magtulungan upang mapanatili at mapalago pa ang ating kooperatiba para sa mas magandang kinabukasan. Sama-sama tayong aangat,” ani Sally Duquesa, Manager ng PMPC.

Bilang karagdagan sa tradisyonal na pagsasaka, isinasagawa na rin ng PMPC ang value-added processing. Gumagawa na ito ngayon ng Corn Nitz, isang produktong mula sa mais na mabibili sa mga trade fair ng CARP, Balikbayan Centers, at mga online shopping o Ecommerce platform gaya ng Shopee at Lazada.

“Hindi lang po mais ang mayroon kami dahil ipinoproseso na rin ito ng aming kooperatiba. Ang Corn Nitz ay ibinebenta namin sa CARP trade fair, Balikbayan Center, at maaari rin itong mabili online,” paliwabag niDuquesa.

Ang PMPC ay kabilang sa mga benepisyaryo ng mga programa ng tulong ng DAR. Nakatanggap ito ng libreng pagsasanay sa microfinance lending, financial management, at leadership development. Ang mga inisyatiba na ito ay nagpalakas sa mga operasyon nito, na tinitiyak ang pagpapanatili at paglago.

Mula sa kanilang paunang kapital na ₱70,000, lumago ang negosyo ng PMPC sa ₱45 milyon.

“Sa dami ng farm machineries and equipment (FMEs), mga pasilidad sa pagpoproseso, at iba’t ibang pagsasanay na isinagawa ng DAR, ang aming kooperatiba ay lumago at nagkamit ng katatagan. Talagang nararamdaman namin ang suporta ng gobyerno, sa pamamagitan ng mantra nitong “Sulong Agraryo para sa Bagong Pilipinas’ – at ito ang uri ng pamahalaan na pinaniniwalaan namin,” pagtatapos ni Duquesa.

Ang PMPC ay naninindigan bilang testamento sa kapangyarihan ng repormang agraryo, malakas na pamumuno, at pagsisikap ng kooperatiba sa pag-angat ng mga komunidad at pagpapaunlad ng pangmatagalang paglago ng ekonomiya. Sa patuloy na suporta ng DAR, ang PMPC ay hindi lamang nagtatanim ng mga binhi kundi inaalagaan din nila ang mga pangarap para sa magandang kinabukasan ng kanilang mga ARB.